What if? (Princess And I FanFic) *One Shot*

3K 95 31
  • Dedicated kay BrokenHeartedMiGiFans
                                    

VERSION KO TO NG PAI. May ibang secenes na inspired by PAI, pero ung iba, gawa lang ng utak kong nabaliw nang makitang nasasaktan si Gino. Don't confuse this with the TV version. OH HALA. BASA!

*Credits to ABS-CBN, for the characters identities.*

---

Unang umahon si Jao, sumunod si Gino na halata ang disappointment sa kanyang mukha. Areeya held her breath. Inaabangan niya kung sino ang nakakuha ng medalyon.

Hanggang sa dahan-dahan na tinaas ni Jao ang kamay niya hawak-hawak ang medalyon.

Ngumiti si Areeya ng pagkatamis-tamis.

"Jao!" sigaw niya nang makita si Jao na paahon hawak ang medalyon. Masaya siya na parehong maayos si Gino at Jao, pero hindi rin niya matago ang kaligayahan na nararamdaman niya na si Jao ang nakakuha ng medalyon.

"Princess." Masayang tawag din ni Jao sa prinsesa sabay lapit dito.

Masaya silang naguusap. Masaya sila paero na si Jao ang nakakuha ng medalyon.

Oo malungkot si Gino, abot kamay na niya ang medalyon pero nakuha pa ng iba. Malungkot siya, pero hanggang sa pagahon niya hindi pa rin siya nawawalan ng pagasa. Hanggang makita niya ang ngiti ni Areeya habang nakatingin kay Jao.

"Hindi Gino. Mali ang iniisip mo. May laban ka pa. Si Jao lang naman ang nakakuha ng medalyon. May kasunduan pa kayong tatlo. Ngayon ka pa susuko?" bulong ni Gino sa sarili.

Pero sino bang niloloko niya? Natalo siya. Masaya si Areeya na natalo siya. Masakit. Sobrang sakit lang nang nararamdaman ni Gino.

Ginawa niya ang lahat para sa pinakaunang taong nagusthan niya. Pero wala. Wala rin palang saysay yun. Dahil sa hulo si Jao parin.

Naglalakad si Gino sa gubat sa tabi nang talon nang makita niya si Areeya at Jao, in any ordinary circumstance he would shrug it off o magseselos siya ng konti.

Pero sa nakikita niya ngayon. Nakaluhod habang nakangiti si Jao sa harap ni Areeya habang magkahawak ang kamay nila. Him holding her hand may be tolerable, but seeing Areeya's smile? Dun siya mas nasaktan.

Gusto sanang lapitan ni Gino sila Mikay. Kaso pag ginawa niya un, ano? Sasaktan niya lang sarili niya? Ipagpipilitan niya ang sarili niya? Tang*na he put Mikay as a PRIORITY. Ganun niya kamahal si Mikay. Tapos ano siya? Option lang?

"Mikay hindi mo lang ba ako kakamustahin? Tatanungin kung ok lang ba ako? Kung nasaktan ba ako? Mikay, si Jao nalang ba palagi?" yang ang tumatakbo sa isip ni Gino habang tinitignan sila Mikay. Hanggang sa di na niya nakayanan at umalis na siya. "Ganito ba talaga to kasakit?"

Tulalang naglalakad si Gino sa kakahuyan. Mgangiyak-ngiyak na. Gusto niyang sumigaw mailabas lang lahat ng frustrations niya. Puta, alam niya ung ganung ngiti ni Mikay. Dati sa kanya un binibigayn ni Mikay eh, ano nang nangyari? Bat biglang si Jao na?

Gustong magwala ni Gino dahil sa nararamdaman. Siya un eh. SIYA DAPAT UN. Ung nginingitian ni Areeya ng ganun. Siya un!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 22, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

What if? (Princess And I FanFic) *One Shot*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon