CHAPTER THIRTEEN

252 23 10
                                    

" TO BE LOVE BY YOU "
WRITTEN BY SHERYL FEE

CHAPTER THIRTEEN

"Sorry po hindi ko naman sinasadyang sumimplang sa harap ninyo ma'am." Hinging paumanhin niya(Rennie Grace) nang maayos na silang tumayo ni Kingkong.

Totoo naman kasing hindi niya sinasadyang nadulas, nagkamali lang siya ng kilos sa pagbaba niya mula sa higaan ng binata. Okey na sana kasi nakahawak pa siya kay Kingkong kaso marahil sa gulat nito'y parehas na silang natumba na siya pa ang nasa ibabaw na siya namang pagdating ng Ginang.

"Okey forget about that pero hindi n'yo ako maaring lukuhin na magkasintahan kayo dahil ikakasal na sila Lucas at Mary Grace in the near future so if I were you miss get up and go find another room in this house for you to stay. Hindi magandang ehemplo ang ganyan." Malamig pa sa yelo na tugon nito.

Sasalungat na sana ang binata pero palihim na kinurot ng dalaga, ito ang nagsalita o sumagot sa ina ng "asawa".

"Again, I'm sorry po pero mas hindi magandang tingnan ang bagong "kasal" na magkahiwalay ng kuwarto samantalang kaya kami umuwi dito dahil kasal na kami. Pasensiya na po ma'am kung ginawa namin iyun na wala kayong kaalam-alam. By the way your daughter in-law name is Rennie Grace De Luna." Sagot nito saka yumukod sa Ginang bago tinitigan ang binata na nalunok na yata ang dila dahil sa hindi inaasahang pahayag ng dalaga.

"To-totoo ba iyan Lucas? Kasal na ba talaga kayong dalawa?" Sabad ni Mary Grace na sa boses pa lang ay hindi makapaniwala.

"Is that true Christian Luke Ramos?" Maigting namang tanong ng ilaw ng tahanan.

Sa sunod-sunod na tanong ng taong kinaiinisan at ang ina'y natauhan siya(Lucas) mula sa pagkakatulala sa bilis ng pangyayari lalo at wala naman sa plano niya ang mga linyang iyun. It's just that happened, but all in all he's rejoicing because the will of the wind was on their side.

"Opo mama, totoo po iyan." Sa wakas ay nasabi niya na agad ding sinang-ayunan ng dalaga.

"Actually ma'am we just come from Camp Villamor and we had our civil wedding there too. He, Valdez is one of our witness at alam kong hindi po kayo naniniwala kaya't ako na po ang nagsasabing puntahan ninyo ang General sa kampo at tanungin siya." Tugon ni Rennie Grace.

"Really? So how do you, relate  yourself to the retired general Reynold James De Luna?" Tanong din ng padre de pamilya na bigla ding sumulpot dahil hindi ito makahintay sa kanila kaya't dinig na dinig ang huling tinuran ng "manugang".

Sa narinig ay napangiti ang dalaga, di yata't sikat ang abuelo niya sa Dagupan at kilala ito. But in her mind, she's praying and asking forgiveness to her grandfather because she's using his name.

"He's my father's father so he's my grandfather." Sagot niya at lihim ding nananalangin na huwag na itong magtanong dahil hindi niya sinabi ang tunay na katauhan niya although half lies lang naman.

Napatitig tuloy siya(Lucas) sa dalagang hindi maarok kung nagsasabi ito ng totoo. Alam niyang aboagada I to pero ang alam niyang pangalan nito'y Rennie Grace Abrasado hindi De Luna. Wala din itong nabanggit sa kanila ng tagapagsilbi niya tungkol sa abuelo nitong heneral. Kaya't ibinuka ang labi upang magsalita sana pero naunahan naman siya ng ama.

"Okey I got it. We will talk about that some other time dahil magsisimula na ang party so you two need to prepare yourselves and follow us to the event." Ani 'to saka nagmartsa palayo sa kanila kaya wala na ding nagawa sina Mrs Ramos at Mary Grace kundi ang sumunod kaso ang huli'y pinukol pa ang "bagong kasal" bago sumunod sa mga magulang ng binatang iniibig.

Samantala!

Dahil sa pagbubunyi ng kalooban niya(Lucas) dahil kitang-kita ang epekto ng pagpapanggap nila sa harap ng lahat ay walang malisya niyang niyakap ang dalaga saka isinayaw-sayaw na kung hindi pa tumikhim ang napapaubong si Valdez ay hindi pa siya tumigil. Well masaya lang siya kahit nagpapanggap lang sila'y well done pa rin ang kapre para sa kanya.

TO BE LOVE BY YOU WRITTEN BY SHERYL FEE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon