Banyo Nila Crush

34 4 1
                                    

Banyo nila Crush
Isinulat ni: Aeoluke Luvicous

Crush ito'y tungkol sayo,
Tungkol sa batong kinuha ko sa banyo niyo.

Crush alam mo?
Kinuha ko ang panghilod na bato niyo.

Crush alam mo?
Natatakot ako kapag ginagamit ko itong panghilod niyo.

Natatakot ako kapag gamit ko ito,
Dahil baka sa tatay mo ito.

Galing ako sa banyo niyo,
Pero natatakot ako baka sa magulang mo ito.

May isa pa nga pala akong kinuha sa banyo niyo.
Ito oh, yung pang-ahit mo.

Natatakot rin ako kapag nakikita ko ito,
Dahil baka sa nanay at ate mo tong nakuha ko.

Pero hahayaan ko na yon,
Basta may gamit na nagmula sa pamilya niyo.

Crush alam mo?
Literal na natakot ako sa nalaman ko.

Tama ang hinala ko.
Na sa tatay mo itong panghilod na batong nakuha ko.

Tama din ang hinala ko.
Na banyo ng magulang mo ang napasok ko at hindi ang iyo.

Tama din ang hinala ko.
Na sa nanay at ate mo ang pang-ahit na nakuha ko.

Galing na nga ako sa banyo niyo,
Pero wala pa rin akong nakuhang gamit mo.

Kahit wag na ang pang-ahit mo,
Brief mo lang okay na ako.

Poems (English and Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon