My Governor

35 2 0
                                    

CHAPTER 01

•HANEA•

Mula sa kwarto ay dumiretso na ako sa kusina, mababanaag ang pagkainip sa itsura ni kuya. Asar na naman ito panigurado kaya nginitian ko na lang.

“Ang high-blood ng dalaga natin, ang aga-aga,” pang-iinis ko pa rito.

“Hayaan mo na't mukhang may dalaw.” Sinabayan ko naman ang pagtawa ni papa, maging si mama ay napailing na lamang habang nangingiti.

Anyway, tanggap naman namin ang kasarian ni kuya—isa itong bisexual. Sayang nga lang dahil ang gwapo pa naman, kaya marami ang palihim na humahanga rito. Oo palihim, sinusungitan niya kasi ang mga nagkakagusto sa kanya. Ayaw na ayaw nito sa babaeng lantaran magpakita ng affection. Naalala ko pa noong nag-aaral pa kami sa college, umamin 'yong kaibigan ko sa kanya, ayon nakatanggap ng matalas na salita. Kulang na lang ipagtulakan palayo. Napakaarte.

“Bilisan mo kaya diyan, mahuhuli tayo sa kabagalan mo eh.” Kita niyo? Ang sungit 'di ba? Sinabawan ko na lang nang nilagang talbos kamote ang kanin ko para mabilis maubos. Samahan pa ng tatlong pirasong saging, heavy meal.

“Ma, Pa… aalis na po kami,” paalam ko.

Saktong huminto ang traysikel ni Mang Nero kaya sumakay na kami ni Kuya sa backride, iyon na lang kasi ang bakante.

Muntik pa kong mahulog nang huminto ang traysikel, nakaidlip pala ako. Mabuti na lang nahawakan ako ni kuya sa braso, pinandilatan tuloy ako nito.
Sumakay ulit kami sa nakaparadang dyip na malapit ng mapuno. Doon ko ipinagpatuloy ang naudlot na pag-idlip, kalahating oras pa kasi ang aabutin bago makarating sa aming destinasyon.

“Ah!” Napadaing ako nang sikuhin ni kuya ang tagiliran ko kaya sinimangutan ko ito. Sumunod na lang ako sa kanya dahil nandito na pala kami. Nagpakita muna kami ng I.D bago tuluyang pinapasok ng guwardiya. Isa kasi itong pribadong subdivision na pag-aari ng mga Sylvester—ang mayamang pamilya at namamayagpag ngayon sa politika.

Nandito kami ngayon dahil nag-apply ako bilang singer ng Sylvester Camp, isang buwan na lang kasi ay maghahalalan na. Syempre kailangan nila ng mga campaign props para makuha ang boto ng mamamayan.

Dancer din si kuya ng Sylvester Camp kaya ako nabigyan ng pagkakataon na makapasok kahit tapos na ang audition, malakas eh. Sayang naman kasi kasi ang perang makukuha ko, tutal ay hanggang matapos lang naman ang eleksyon. Para may pandagdag allowance din ako sa pagluwas ng Maynila, fresh graduate ako ngayong taon lang at balak kong sa syudad mamasukan para sa mas mataas na sweldo.

Huminto kami sa kulay abo na gate saka nagdoorbell si kuya, kaagad naman kaming pinapasok ng gwardiya. Malamang kilala na nito si kuya.

Pangalawang beses ko pa lang na nakapasok dito, ang una ay noong nag-audition ako at ngayon ang pangalawa. Nagyon ko lang rin napagmasdang maigi dahil gabi noong nag-audition ako. Halos mapanganga ako sa pagkamangha dahil nagsusumigaw ang mamahalin nitong straktura, magmula sa bubong hanggang sa mga landscape. Halatang ginastusan ang bawat detalye. Mayroon itong apat na palapag na may pinturang light blue, ang bubong naman ay kulay pula. Wow! Kulang na lang puti at dilaw para maging bandila.

Akala ko papasok kami ngunit binaybay namin ang likurang bahagi ng mansyon, oo nga pala… sa studio ang punta namin dahil doon magaganap ang rehersal.

Napakalaki nitong studio, stadium na nga yata ito eh. Nahahati ito sa dalawa, ang sa kanan ay para sa mga dancer at ang sa kaliwa naman ay para sa mga singers.

Ipinakilala lang ako ni kuya sa voice coach saka tinalikuran, grabe! Napakabait talaga.

“Hanea 'di ba?”

“Ah, opo,” magalang kong sagot kay coach.

“Cut that 'po', masyadong pormal nakakatanda. Kuya Brando na lang.”

“hehe… okay.” Hindi ko kasi alam kung ano ang dapat isagot eh.

“Guys! Attention, this is Hanea Clariño. Hener's sister, be nice to her.” Nabawasan ang kaba ko ng wala naman akong nakitang hindi kanais-nais na reaksyon, agad nga silang nagsilapitan sa akin habang sabay-sabay na nagsasalita kaya wala man lang akong naintindihan.

“Quiet! Sssshh! Ako na muna ang magtuturo sa kanya,” sigaw nitong babaeng nakahawak sa braso ko. Mas mababa ito sa akin ng onti pero mas maputi ang kulay niya. Medyo chubby din ito pero bagay naman sa kanya, idagdag pa ang may kahabaan niyang buhok na umaabot sa bewang. Cute.

“Sus! Pabida ka lang palibhasa, krass mo si Hener,” sabat naman ng isang lalaking tirik ang kulay blonde na buhok.

“Weh! Epal!” Umirap pa ito sa ere bago humarap sa akin.

“Ako nga pala si Mutelaine, Mute for short.” Bago pa man ako makasagot ay may sumabat na naman.

“Siya lang ang mute na maingay,” humalakhak pa ito. “Ako naman si Rhythm.” Nice, ang gaganda ng mga pangalan nila.

“Hello sainyo, sana magkasundo tayo.”

“Oo naman, ako lang 'to si Zio, na mahal na mahal ka.” Nagulat naman ako ng bigla itong sumulpot sa may tabi ko, nahampas tuloy ito ni Mute.

“Epal neto!”

“Ang high-blood mo, cute.” Ngumiti pa ito ng nakakaloko saka inakbayan si Mute.

“Mute ang pangalan ko, duh!”

Nakakatuwa naman, mukhang close silang lahat sa isa't-isa. Nang magsimula ang rehersal ay naging seryoso muna ang lahat, bale sampo kaming lahat ayon kay Mute. Binubuo kami ng isang banda na may limang vocalist, isa ako roon.

Si Ridge ang drummer— iyong blonde ang buhok, si Rhthym at Mute ang guitarist at si Zio ang pianist. Wala ang tatlong bokalista, dalawa lang kami ni Breeze. Tahimik kasi ito kaya hindi ko kaagad napansin.

Mabilis kong nakabisado ang jingle ni gov. Maikli lang kasi ito. Ewan ko ba, bigla na lang tumaas ang enerhiya ko, siguro dahil na rin sa mga kasama ko.

“Kay Gov Sylvester na…” Ganadong kanta ko sa huling lyrics.

“Good morning, Gov!” masiglang bati ni Zio kaya napalingon ako.

Putek! Ang gwapo!

Ilang beses ko na itong nakikitang kasama ng kanyang ama noong tumatakbo pa lamang bilang gobernador, hindi nga lang ganito kalapit. Maraming nagsasabing kahawig nito si Coco Martin, pero para sa akin hindi dahil mas gwapo pa ito. Matangkad, maputi, palangiti, at napakalakas ng dating, para akong tinatangay ng kanyang karisma.

“Masyadong ginagalingan ah, baka matambakan ang kalaban?” nangingiti nitong wika. Napayuko na lang ako dahil sa hiya. Bigla akong na-concious kahit hindi ko naman ugali ang ganito.

“Syempre naman, boss. Dapat lang na ikaw ang manalo.”

“Salamat, Ridge. Oh, may bago?”

Bahagyang nanginig ang tuhod ko, siguradong ako ang tinutukoy niya. Napunta sa akin ang atensyon nila kaya kinabahan ako.

Ano bang problema ko?

“Hi there! Hulaan ko, ikaw si Hanea.” napilitan akong humarap dito, medyo nakatingala ako dahil mas matangkad siya sa akin. Napaka genuine ng pagkakangiti nito, nakalabas pa ang mapuputi at magagandang pagkakasalansan ng mga ngipin.

“Ah... y-yes, sir.”

Natawa naman ito bago nagsalita, “'wag ganon, ayoko ng sir. Hindi naman ako mukhang teacher.”

“Sorry po.”

Lumapit ito sa kinatatayuan ko, kaya natigilan ako.


Please support guys❣❣❣

     Mysthater
------------------------
Sincerely Loves

My GovernorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon