My Governor

16 1 0
                                    

CHAPTER 06

“Hanea, nandito na tayo.” Niyugyog pa ni Mute ang balikat ko kaya napaayos ako ng upo saka dahan-dahang bumaba.

“Hindi ka ba sanay magpuyat?” Iniangkla nito ang kamay sa braso ko.

“Medyo, pero masasanay din ako.” Pagkasakay pa lang kasi kanina at hindi ko na sila pinansin, sumandal ako sa upuan saka tinakpan ang mukha gamit ang panyo. Kahit papano ay naibsan naman ang antok ko.

Pumasok kami sa isang open court, hindi kagaya kagabi na umaapaw ang tao. Sakto lang ang bilang nila at hindi siksikan, ang lahat din ay nasa loob at marami pang espasyo. Mukhang wala masyadong fans dito si Chroniel.

Nagset-up na rin sa stage si Ridge, bale lima lang kami dahil iyong tatlong bokalista ay kasama ni Boss Ronch—nakiboss na rin ako dahil iyon ang tawag ng karamihan.

Sa pagkakataong ito kami lang ni Breeze ang kakanta at kalahati lang rin ang dancers na kasama namin. Hindi ko masabi kung malaki ba o maliit ang baranggay na 'to dahil hindi ko talaga alam. Ito lang din ang nakita kong Baranggay Tinago pero ang lokasyon ay kitang-kita.

“Ganito ba talaga rito?” Kinalabit ko si Breeze na nakaheadset. Tumingin naman ito na tila nagtatanong—sabi ko nga nakaheadset. “Sabi ko kung—”

“Yes, dahil balwarte ito ng kalaban.” Hala, kaya pala.

Natahimik ako sa sinabi niya, hindi kaya kami delikado rito? Baka mamaya imasaker  kami o kaya barilin si Chroniel para sila na ang manalo. Parang nanunuri ang mga tingin nila sa amin kaya nag-aalangan ako kung babatiin ko ba sila o magkukunwari na lang na bulag.

Mas gusto ko pa rin iyong nakakarinding hiyawan ng mga tao kaysa ganitong tahimik, walang masyadong sumasagot. 'Yong iba tamang palakpak lang tapos wala na ulit. Parang nakakahiya magbiro sa ganitong sitwasyon, mabuti na lang hindi ako palabiro.

“Relax.” Ayan na naman ang pagbulong ni Breeze, mas kinakabahan pa ko sa kanya kaysa sa mga tao rito eh.

'Eto na, kami na ni Breeze ang mag-peperform.

“Palakpakan naman d'yan mga taga Baranggay Tinago!” Punung-puno ang enehiya ng campaign manager namin pero tanging palakpak lang ang itinugon nila. Umabante kami sa gitna dahil wala naman ditong stage.

Inisip ko na lang na sumusweldo naman ako kaya ayos lang kahit wala silang pake. Tumukhim muna 'ko saka dinugtungan ang kanta ni Breeze. Kombinasyon ng numb at bring me to life ang kanta namin—na duet version.

🎶Living you down into my core…
You open door..🎶🎶  Iyon pa lang ang kinakanta ko pero naghiyawan sila.

Sa gulat ko ay napahinto ako pero agad ko ring itinuloy. Ang kaninang malumbay na kapaligiran ay napuno ng ingay, sinasabayan nila ang kanta. Nakakatuwang kabisado nila ito kaya ginanahan ako at tuluyan nang nawala ang agam-agam kanina sa aking isipan.

Naging instant jamming ito dahil nagrequest pa sila ng dalawang kanta, napasubo tuloy kami ni Breeze.

Muli silang nanahimik ng tumayo na sa gitna ang huling magsasalita, si Chroniel.

Pinagmasdan ko lang ang kabuuan nito, sa tindig pa lang ay nagsusumigaw ang estado sa buhay. Simpleng polo shirt lang ang suot nito at kupas na asul ang pantalon. Hapit na hapit ito sa mga binti niya. Bakit ba siya nagsusuot ng fitted? Bakat na bakat tuloy 'yong ano… 'yong pwet.

Jusmiyo! Dati naman hindi ako ganito manuri ng tao ah. Nakagat ko na lang ang labi ko ng bumaling ang tingin nito sa direksyon namin. Sayang, ba't saglit lang?

My GovernorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon