My Governor

17 0 0
                                    

CHAPTER 07

•CHRONIEL•

Alas singko na ng hapon nang marating namin ang bungad ng Barrio Iniwan, lahat kami ay bumaba sa sasakyan dahil hindi na makakapasok ang van sa makipot na daan. May iilang tauhan kaming naatasang magbantay sa mga sasakyan dahil baka makursunadahan ito. Hindi bababa sa sampong minuto ang lalakarin bago makarating sa kanilang baranggay hall. Ito ang pangalawang beses na nakapunta ako sa lugar na 'to.

Kumpara sa Tinago ay mas higit na maliit ang baryong ito, bukod doon ay may kalibliban din ang lugar na kadalasang hindi napagtutuunan nang pansin ng gobyerno. Sa pagkakaalam ko ay si Dad lang ang palaging nakakaalala sa lugar na ito kaya maging ako ay kilala na rin nila. Siya rin ang nagpakabit ng kuryente dito kaya kahit papano ay may liwanag na masisilayan.

Isang maliit na pagtitipon ang bumungad sa aming grupo, mababanaag ang kasiyahan sa kanilang mga mukha. Hindi rin gano'n karami ang kabahayan at ang iba yata ay nasa iba pang sulok ng gubat. Ang maganda dito ay ang preskong paligid, bawat bahay ay may mga halamanan sa palibot ng bahay.

Sinuklian ko sila nang malugod na pagbati. "Magandang hapon sainyong lahat! Mag-gagabi na pala." Natawa na lang ako aa sarili. "Kumusta kayo rito?"

“Mabuti ho, masayang-masaya dahil nakaabot kayo sa aming munting tahanan.” Ramdam ko ang katapatan sa salitang iyon ni kapitan.

“Oo nga po, hindi niyo kami nakakalimutan kahit pa hindi kami gano'n karaming botante rito,” ani pa ng isang residente.

“Masaya kami na nakatutulong sainyo.”

Magkakatabi kaming umupo sa ilang bangko na pinagdugtung-dugtong, kompleto rin magmula sa municipal kagawad. Halos lahat nang kaalyado ko ay hindi na mga baguhan sa posisyon kaya minsan nag-aalangan ako sa kakayahan ko, mabuti na lamang nandiyan si Dad para gabayan ako. Pero ngayon, mapapadalas ang hindi namin pagsasama dahil sa kabilang distrito ito kumakandidato. Ipinagkakatiwala niya sa akin ang ikalimang rehiyon na dati niyang pinamumunuan.

Habang inililibot ang paningin ay napadako sa isang direksyon ang mga mata ko, tila aliw na aliw ito sa pakikipag-usap sa mga matatandang katabi.

Mukhang sanay itong makisalamuha sa mga nakatatanda na malimit na sa henerasyon ngayon. Muli na namang  sumibol ang kakaibang paghanga ko sa kanya.

Gusto ko siyang maging kaibigan, aminado akong sa ilang araw naming pagkakasama ay makikita ang pagkakaiba nila ni Hener—suplado kasi ito, kompara sa kanya na maaliwalas ang awra.

Nakakadala ang tawa nito kahit hindi ko naman naririnig dahil nasa bandang hulihan ito—kami ay nasa unahan nakaharap sa kanila at mga residente.

Napadako ang tingin nito sa akin habang nakanganga pa pero bigla din naman inayos ang mukha. Napaisip tuloy ako kung anong klaseng biro ang sinasabi ng kausap niya para matawa ito ng husto.

Hindi ko mawari kung bakit parati ko siyang napapansin gayong wala naman siyang ginagawang kakaiba maliban sa kanyang pagkanta, marami naman akong kilalang singers na magagaling pero bakit kaya gano'n?

Napaayos ako ng upo nang magpalakpakan ang mga tao, masyado na pala akong nahulog sa pag-iisip. Napailing na lamang ako dahil pakiramdam ko nakulangan ako sa tulog kaya kung anu-anong napapansin ko.

Tuwang-tuwa ang mga tao nang mag-perform na ang mga dancers, maging ako man ay patuloy pa ring humahanga sa kanilang galing. Si Hener ang pinakaswabe sa lahat, metikuluso rin pagdating sa choreography—siya rin ang bumubuo ng mga steps nila.

“Maraming salamat dancers! Magaling ba?”

“Oo!” sagot ng karamihan.

“Isa pa!” hiling pa ng isang dalagita.

“O sige! Pero maya-maya ulit dahil mayroon ding mensahe sainyo si Vice Governor Brando Lim, alam ko kilala niyo na siya bilang board member pero hindi na ngayon. Kaya palakpakan natin siya,” pagpapakilala ni Grande—campaigne manager, kay Tito Brando. Kapatid ito ni Mommy kaya pinsan ko si Breeze.

Si Tito Brando ang isa pa sa hinahangaan ko pagdating sa politika, kitang-kita kasi ang purong kagustuhan nitong magserbisyo.

Matapos ang kanyang mensahe ay sila Hanea naman ang kakanta, gitara lang at drums ang dala nilang instremento kaya si Zio ay mag gigitara muna at si Rhythm ay kakanta.

Napangiti ako nang mapagtantong si Breeze pala at Rhythm ang kakanta, bagay na bagay kasi ang kombinasyon nila. Si Hanea? Tingin ko may mas babagay pa sa kanya kahit napapansin kong iba ang tingin sa kanya si Breeze.

MATAPOS ang programa ay pinagsaluhan nila ang dala naming spaghetti na may manok, nakalagay ito sa styro box. Sinigurado naming mabibigyan ang lahat.

Saktong pagkakuha ko nang cellphone sa bulsa ay tumawag si Mommy.

“Hello, Mom.”

“Pauwi na ba kayo? I cooked your favorite chapsuey.”

“No, but, we're almost done. Baka mamaya pa kami makarating.”

“Okay, I'll wait. Take care. Bye, anak.” Mom is so sweet.

Alas otso y medya na ng gabi kaya balot na ng kadiliman ang paligid, hindi ko maiwasang maisip kung anu-ano ang nakakubli sa dilim na nakikita ko. Napabuga na lang ako sa hangin dahil sa naisip, gumagana na naman ang imahinasyon ko, paano'y puro kakahuyan ang nakapaligid.

“Are you okay?” Napalingon ako sa nagsalita, si Breeze pala nasa gilid ko na.

“Yes, ako pa ba?” Tinitigan ako nito na parang pinag-aaralan kung totoo ba ang sinabi ko. “Hey, stop it. Ayos lang ako.” Kumunot muna ang noo nito bago tumango.

“Boo!”

“Ay panis! Bwesit ka talaga! Sasakalin na kita eh!” Pinaghahampas ni Mute si Zio dahil sa kalokohan nito. Nasa unahan namin sila habang ako at si Breeze ay nasa gitna, ang iba pang bodyguards ay nasa likuran. Kasalukuyan naming tinatahak ang mabatong kalsada na may magkakalayong agwat na street light. Naikuyom ko ang sariling kamao para ipanatag ang pakiramdam.

“Ang ingay niyo, mamaya may mabulabog kayong laman-lupa diyan.” Pasimple akong nagmasid sa paligid dahil sa sinabi ni Ridge.

“Tigilan niyo nga 'yan, biyernes pa naman ngayon. Malakas ang kapangyarihan nila sa ganitong oras,” saway ni Rhythm.

“Ssshh, tama na please. Baka may sumulpot na something.” Lalo namang kumapit si Mute kay Hanea.

Naramdaman ko na lang ang pagpatong ng kamay ni Breeze sa balikat ko. Isa siya sa nakakakilala sa 'kin mula pa sa pagkabata.

Nang matanaw kong malapit na kami sa sasakyan ay nakahinga ako ng maluwag, pinagpawisan din ako dahil sa ilang minutong paglalakad.

Nang biglang dumilim ang buong paligid, nawalan ng kuryente! Shit!

Naistatwa ako sa kinatatayuan, hindi ko alam kung ano ba ang sunod kong gagawin. Napapikit na lang ako nangmariin.

Sa ilang taon na ang lumipas, ngayon lang ulit ako nakaramdam ng ganito.

“Aray!”

Please support guys❣❣❣

    Mysthater
-----------------------
Sincerely Loves

My GovernorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon