Its been 1week since nakalabas ako ng ospital.And guess what?1 week din akong nagkulong dito sa loob ng kwarto ko.Wala akong ibang ginawa araw-araw kundi ang magbasa ng libro at panoorin ang paglubog at pagsikat ng araw.
Today is Monday.Napagdesisyunan kong magumagahan naman sa dining area since matagal-tagal na din noong huli akong kumain.And besides,i miss this whole mansion.
Pero mukhang darating na naman ang oras ng kamalasan.As soon as i reached the dining area kasi.
Nakita ko ang dalawa na kumakain.
"Ma'am Carol"napatigil sa paglalakad si Yumi at gulat na sinambit niya ang pangalan ko
Hindi ako umimik hanggang sa napalingon na din ang dalawa at kita ko ang mga gulat sa reaksyon nila.
Arent they expecting me to be here?
"T-teyka lang po ma'am,ipaghahanda ko po kayo ng plato at kubyertos"dali-daling tumakbo si Yumi papuntang kusina
Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay biglang nagtama ang mga paningin namin ni Aiden.Hindi ko alam pero may feeling sakin na ayaw alisin ang paningin ko sa kanya,i cant remove it.
Naikuyos ko ang aking mga kamao at pinipigilan ko ulit ang mga luha kong nagbabadyang pumatak ulit.
Pero bago pa tumulo ito ay ako na ang nagiwas ng paningin.Tumingala ako para hindi tumulo ang mga luha ko bago ko pasimpleng pinunasan ang mga nahulog na.
Hindi ko alam kung anong iniisip ko sa mga oras na ito pero tumabi ako kay Aiden.Bale siya ang nasa front table,ako sa gilid niya at si Maita sa kabilang gilid niya.
Kaya mo 'to Caroline.You can do it.
Pansin ko ang pasimpleng pagtitig sakin ng dalawa kaya medyo nailang ako at the same time ay naiinis ako.Kaya bigla kong ibinaba ang tinidor at ang kutsara ng padabog.Pansin ko din na nagulat sila sa ginawa ko.Tumayo na ako at naglakad pero bago ko pa matunton ang unang hagdan ay nagsalita muna ako.
"Dalhin mo yung natirang pagkain ko sa kwarto ko.Ohh wait--gusto ko yung bago,ayoko kasi ng nabawasan na at nagamit na."
Hindi ko alam kung natamaan ba siya sa mga sinabi ko.
"S-sinong kausap mo?"gulat kong nilingon si Aiden noong sabihin niya yun
Gusto kong matawa,Gustong-gusto ko.
"Edi yung yaya diyan sa tabi mo"
Iniwan ko siyang naka nganga sa sinabi ko.Nagdirediretso na ako papasok sa loob ng kwarto ko at noong nasa loob na ako ay bigla kong isinara ang pintuan.Tsaka ako dumasdos pababa habang hawak-hawak ng dalawang kamay ko ang bibig ko.
Tsaka na ako umiyak.Hindi ko pala kaya,akala ko ay kaya ko silang harapin,pero mukhang mahihirapan ako ng sobra.Isa na din ito sa mga pinag-isipan ko noong mga nakaraang araw,kung papaano ko sila haharaping dalawa.Our situation here is so complicated.Were all living in the same house.At hindi ko alam kung kakayanin ko ba ito.
Ang sakit.Ang sakit sakit talaga,dahil yung lalaking naging buhay ko ay nasa piling na ng iba.Bakit ba ganito?ano bang maling nagawa ko?lahat naman ginawa ko ah.Pero bakit parang kulang parin sakanya?lahat ay ibinigay ko sakanya,but i guess it wasnt enough for him.
Mga limang minuto akong umiyak bago ko napagdesisyunang ayusin ang sarili ko bago pa siya dumating dito.At hindi nga ako nagkakamali dahil tatlong minuto lang ang nakalipas ay may kumatok na sa silid ko.Pero noong buksan ko yung pintuan ay laking gulat ko noong si Aiden ang sumalubong sakin at hindi si Maita.
Anong ginagawa niya dito?!
"Carol,mag-usap tay---"padabog kong isinara ang pintuan at nilock ito bago pa man siya matapos magsalita
BINABASA MO ANG
I Tried Loving You
RandomAng babaeng hindi minahal ng kanyang asawa kahit kailan.Para kay Caroline,yun ang pinakamasakit na bagay na nangyari sa kanya.Ang hindi mahalin ni Aiden.Pero kahit ganun,pinilit niya paring ipaglaban ang pagmamahalan nila kahit na nagmumukha na siya...