Chapter 16: Fall
“Victoriane.” Umangat ang gilid ng kaniyang labi nang napansing tulala ako sa kaniya kahit na naglalakad.
“What? Tumigil ka nga!”
“So, did you have a friend before in Delaria High?” tanong niya sa akin.
Gigil ako sa mukha niya, I mean... ang guwapo kasi talaga niya kaya ‘di ko napigilang kurutin siya sa pisngi.
“Aw,” daing niya at hinaplos ang pisngi.
“Ano nga ulit tanong mo kanina?”
Huminto kami saglit bago niya ako sagutin. “May kaibigan ka ba sa Delaria High before?”
Ba’t niya alam na roon ako nag-aaral?
“Friend? Siguro... bakit?”
“Hmm, online friend?”
Napaisip ako.
S’yempre mayroon.
Miss ko na nga iyon, e... sobra.
Halos nga araw-araw talaga kaming nag-uusap no’n. Ang naging dahilan lang nang hindi na namin pagchachat ay nasesermonan ako ni Mama. Paano ba naman kasi lagi akong napupuyat kahihintay sa kaniya, minsan din gabi na siya nag-oopen dahil may inaasikaso raw siya. Bukod doon ay lagi akong tutok sa gadgets kaya nagagalit si Mama.
Nabalik ako sa ulirat nang may kamay na kumakaway sa harap mismo ng mukha ko.
“You‘re spacing out, baby.”
“Tigilan mo nga ako. Anyway, mayroon akong internet friend sa second account ko. I wonder... kumusta na kaya siya? Hindi ko na rin kasi naopen ang account ko na iyon. Nakapagpaalam naman ako sa kaniya kaso nakakamiss talaga siya,” pagkukuwento ko.
Titig lang siya sa akin na naging dahilan para mailang ako. “Bakit?” tanong ko habang inaayos ang buhok niyang bahagyang nakagulo.
His lips parted with my gestures kaya kaagad kong ibinaba ang kamay.
“Hmm, alam mo... iyong friend ko na iyon? Grabe, the best siya. Totoo pala talaga, ‘no?”
“Ang alin?”
“Iyong makakahanap ka ng comfort sa isang tao kahit naman hindi mo nakilala personally. Sa internet lang to be exact. I could say that... sometimes, internet friend is better than real life friend... na hindi naman talaga kaibigan ang turing sa ’yo.”
“Victoriane...”
Ngumiti ako. “Alam mo kasi, Jace... wala talaga akong close friend, may kaibigan akong nakakasama ko kung pupunta ng comfort room o cafeteria, pero iba kasi iyong genuine friend na mananatili sa tabi mo... through your worse... wala ako no’n, pero alam mo may friend ako sa Internet, siya iyong kakuwentuhan ko, sa kaniya ko binubuhos iyong mga thoughts na naiisip ko. He’s my comfort zone when I was at my lowest... daming memories namin.” I was smiling while reminiscing those days.
“Can I explain?” mayamaya ay tanong niya, may halong pag-iingat.
Itinagilid ko ang ulo. “Ano?” Hindi niya ako sinagot at hinila na lamang para maupo sa bench.
“About Chesca,” panimula niya.
Tumango lang ako, gesturing him to continue.
“We’re not a thing if you’re suspecting us...”
Nagtaas ako ng kilay.
“I got to know her when I visited Sam in this school... she befriended me, and me being a friendly—”
YOU ARE READING
Meet Me In Clark High (Reistre Series #1)
Novela JuvenilAfter transferring to Clark High School, Anella Victoriane Reistre was able to start a new, significant life. She didn't know that studying there would be precious, for her dull life would change into something colorful. Meeting people she never tho...