Chapter 20

1.6K 64 8
                                    

Chapter 20: Call

“Where have you been?” bungad ni Kuya nang makarating kami sa open area malapit sa garden.

“Library. Nagprint lang,” kaswal kong sagot.

Naningkit pa ang mga mata ni Kuya sa akin bago siya sumuko at inutusan akong umupo sa tabi niya.

“Let’s start,” ani Sam, hindi makatingin sa akin.

Kanina ay hindi ko rin sila maintindihang dalawa kaya hindi na lang ako nagsalita, naiwan si Jace sa loob dahil tinawag ng mama kaya awkward kaming nagsabay ni Sam pabalik.

Hawak-hawak ang mga module namin ay nagsimula na kaming mag-aral sa History na subject ni Sir Payne.

“In Greek mythology, twelve gods and goddesses ruled the universe from a top Greece's Mount Olympus. These Olympians had come to power after their leader, Zeus, overthrew his father, Cronus, leader of the Titans...” Inintindi muna namin ang mga nakasulat bago nagbatuhan ng kaalaman.

“The most powerful of all... Zeus was god of the sky and the king of Olympus... ang Roman name niya ay Jupiter.”

Tumango kami sa sinabi ni Kent.

Inabot kami ng mahigit isang oras sa pagbabasa tungkol sa Greek Mythology nang dumating si Jace na may dalang stool. Pumuwesto siya sa pagitan ng bench kaya pinagigitnaan namin siyang lahat.

Aniya pa ay magvolunteer daw siya as a teacher namin kaya nagsi-payag sila para mas mapadali at matuto kaming lahat. 

Nagstory telling pa siya bago nagsimula.

Ang daldal niya.

“Game! Question number one...” Huminto muna siya. “Who was the Greek God of love?”

“Easy peasy! Cupid!” confident na sagot ni Chesca sa tapat ko.

Natawa si Trisha na nasa tabi ko naman.

“It‘s not Cupid,” si Jace kay Chesca na mukhang ayaw maniwala.

“Eros was the Greek God of love, his equivalent in Roman mythology was Cupid,” simpleng sagot naman ni Kent na tinanguan namin.

“Mali yata ang naasinta ni Kupido sa iyo, sa halip na puso ay utak mo ang natamaan,” pang-iinis ni Trisha.

Nagpalipat-lipat kami ng tingin sa dalawa.

“ARIANE, pumunta ka rito sa kuwarto namin dali!” nasasabik na sabi ni Mama sa kabilang linya. 

“What‘s wrong, Ma?”

Kaninang alas singko kami umuwi, magko-commute sana kami dahil walang Kuya Jul na susundo sa amin. Kaya lang Tita Lyn insisted na si Jace na lang daw ang maghatid sa amin which is pabor talaga sa huli kaya ang naghatid sa amin ay si Jace.

Ako sa front seat sa likod naman si Kuya at Kent. Samantalang sa sasakyan naman ni Archie sina Trisha at Chesca, ayaw pa nga ng dalawa kaso sa isang direksyon lang naman din ang daan papunta sa mga bahay nila kaya napilitan na lang sila.

“Basta, we have something to tell you.”

Ngumuso ako dahil hindi ko alam kung bakit. Bago pa man ako makapagsalita ay ibinaba na ni Mama ang tawag.

Lagi na lang akong binababaan!

Nang pumasok ako sa kuwarto nila Mama ay nadatnan ko sila na parehong nakaupo sa kama at nakatutok sa laptop na nasa harap nila. 

“Come here! May ipapakita kami.”

Naglakad ako patungo sa kanila at sumiksik sa gitna nilang dalawa.

Meet Me In Clark High (Reistre Series #1)Where stories live. Discover now