A/N: Nakakapagtaka man ang sinabi ni Lolo Baste na pamangkin niya si Catalina, huwag kayong mag-aalala, hindi totoong kadugo ni Lolo Baste si Mateo kaya hindi yun incest. Spoiler!!
------------------------------------------------------------
"Sino po ba kayo? " tanong ko sa kanya. Tumingin-tingin muna siya sa kaliwa't kanan bago nagsalita.
"Nais po ba ninyong malaman ang katotohanan sa pagkamatay ng dalawang bata?" pabulong na tanong niya sa akin. Hindi pa ako makasagot dahil wala naman siyang tinutukoy na tao.
"Kilala ko kung sino ang pumatay sa bunsong kapatid ni Mateo Monteveros at sa anak ni Aling Clarita. Kailangan mong makinig sa akin, binibini. Ako'y nagsasabi ng totoo. Ang salarin ay iisa at iyon ay si....."
"Paano naman po ako makakasigurong totoo ang sinasabi ninyo kung hindi ninyo sinasabi ang pangalan ninyo. Sino po ba kayo?" tanong ko sa kanya.
"Ako ang madre portera ng bayang ito. Maniwala kayo sa akin binibini, kilala ko kung sino ang pumatay sa dalawang bata."
"Sino?" tanong ko sa kanya. "Si..."
"Narito ka lamang pala. Magandang umaga, madre." bati ni Lucas. Napayuko naman ang madre at nagmadaling umalis. Ano ba yan! Hindi man lang sinabi sa akin kung sino ang sinasabi niya.
"Kanina ka pa namin hinahanap ni Aling Iza ngunit hindi ka namin matagpuan. Mabuti na lamang at narito ka lamang. Halika na."
Habang papaalis kami ay napako ang aking tingin sa pinuntahan ng madre. Sino ba kasi siya? Nakakainis! Hindi man lang niya nabanggit ang kanyang pangalan. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, parang totoo ang sinasabi niya.
"Kanina ka pa tulala riyan ah, masama pa rin ba ang pakiramdam mo? Lumalamig na ang pagkain." nakangiting tanong sa akin ni Lucas. "Ah.....E... Wala ito. Huwag mo akong isipin." sagot ko.
"Bakit hindi naman kita iisipin e mapapangasawa na kita?" sabi ni Lucas at siya naman ay ngumiti. Hindi ko na lamang iyon pinansin sapagkat may iba akong iniisip.
Nakasakay na kami sa karwahe nang mapagtanto kong kanina pa pala ako may malalim na iniisip. Agad naman akong napatingin kay Lucas sabay tanong sa kanya ng, "Saan nga pala tayo tutungo?"
"Dadaan muna tayo sa Hacienda Salazar. Nais kang makita nina Don Concepcion at ng kanyang maybahay. May mga itatanong lamang daw siya sa iyo." sagot niya. Napaisip naman ako kung ano ang dahilan, bakit nila ako gustong makausap?
Bumukas ang pintuan ng karwahe at kasabay nito ang aming pagbaba. Tumabad sa amin ang mansyon ng mga Salazar. Ngayon ko lang napagmasdan nang matagal ang bahay. Parang pamilyar na ewan.
Sinalubong kami ng mga katulong at ni Nene. Agad niya akong niyakap ngunit dahil sa kanyang pagyapos ay kumirot ang sugat ko dahilan upang mapasigaw ako. Mabuti na lamang at napabitaw kaagad siya kasabay ng paghingi ng tawad.
Inalalayan nila ako sa aking paglalakad dahil sa tindi ng pagkakalatigo sa akin ay halos mapilayan ako. Napakarami ko kasing natamong sugat sa binti, pigi at likuran. Hayop talaga yung lalaking iyon! Hinding hindi ko siya maaatawad! Sa oras na makabalik ako sa real world, buburahin ko karakter niyang animal siya!
Nakangiti kaming sinalubong nina Don Concepcion at sa kabiyak nito. Agad nila kaming pinaupo sa sala. "Hija, anong nangyari sa iyo't bakit napakarami mong sugat?" tanong sa akin ng donya.
"Huwag po ninyong isipin ito." sabi ko sabay tago ng aking mga pasa. "Ano pong dahilan bakit po ninyo ako nais makita't makausap?" tanong ko naman sa kanila nagkatinginan muna silang dalawa bago sumagot ang isa sa kanila.
BINABASA MO ANG
If You're Real Elegiac
Ficción históricaRemorse and wakes up on the book she dreamed to be summoned. Date Started: February 1, 2020 Date Published: April 9, 2020 Date Finished: July 31, 2020 Date Completed: August 1, 2020 ©All Rights Reserved 2020 -Pahimakas: If You're Real-