Kabanata 30- BIRINGAN

2.5K 195 30
                                    

Jelie

"'Di ba sinabi kong huwag kang maingay? Nagsisigaw ka pa!"

Napapalibutan kami ng mga engkanto... at ang kapre ay masama ang tingin sa amin.

Magkatalimukan kami ni Jake at nakatayo ito in full height. Handa na siyang lumaban samantalang ako ay natataranta pa rin. Bubuyog na naman ang matatawag ko nito, ampucha.

"Sabihin ang inyong ngalan," sigaw ng isang engkanto na may matulis na tainga.

"Jelie," sagot ko.

"Anak ni?"

"Janice," sagot ko. Natawa ng bahagya si Jake.

"What? Janice talaga pangalan ng nanay ko."

"Ikaw? Pangalan?" sigaw ng engkanto kay Jake.

"Jake," sagot niya na mukhang nasisiyahan. "Anak ni Sitan."

Nagkatinginan ang mga engkanto.

"May kailangan lang akong kuhanin na kakilala ko. Hindi kami manggugulo," mabilis na dugtong ni Jake.

"Paano kayong nakapasok sa Biringan?"

"Oh, so Biringan nga ito," I commented.

"Gate keeper si Jelie," sagot ni Jake.

Putangina, hindi ko alam ang nangyari... biglang tinutukan nila ako ng sibat. At dahil natataranta nga ako, napalabas ko ang mga bubuyog. Iyon ang pangalawang pagkakamali ko.

"Hindi ko alam kung anong kamalasana ng dala mo," paninisi ni Jake sa akin. Puno kami ng sugat sa katawan. Lumaban kami—err siya lang pala. Mali-mali ang natatawag ko kanina sa laban. Consistent lang talaga ang bubuyog na nakapupog sa mga engkanto na lalo nilang ikinagalit.

Nakatali kami ni Jake sa isang malaking torso. Nasa gitna kami ng plaza at napapalibutan ng naggagandahang mga dalakitnon. Pero meron din namang mga pangit na engkanto, sila siguro ang mga lamang lupa.

Magkatalikuran kami ni Jake pero nararamdaman ko pa rin ang inis niya sa akin.

"Sino ba ang nangidnap? Kasalanan ko ba?"

"Ang sabi ko, huwag kang maingay!"

"Magiging cool pa ba ako kung may kapre na sa harapan ko? Napaka unreasonable ko ba kung natakot ako at nalito?"

Tulong!

"Taga-bantay ka nga ba ng tarangka, babae?" May nagtanong mula sa madla. Hinanap ng paningin ko ang pinagmulan ng tanong. Isang babae na mukhang aparisyon ang lumapik sa akin.

"Iyon ang tawag sa akin," sagot ko.

"Alam mo bang ipinagbabawal na ang taga-bantay sa Biringan?"

"Hindi ko alam."

"Isang kahangalan," wika niya.

Oh, kasalanan ko na naman?

"Sabihin ang huling habilin bago kayo patawan ng parusa," ani ng babae. Si Jake ay tatawa-tawa sa likod ko.

"Umayos ka, Jake. Tangina mo ka, nanahimik akong natutulog, ngayon, last day ko na!" mangiyak-ngiyak na wika ko.

"Gusto kong makita ang babaeng kinuha ng mga lahi ninyo," wika ni Jake.

"Huwag kang mangbintang—"

"Hindi ako nangbibintang, Miss. Siya lamang ang kailangan namin at aalis kami ng wala ng labanan na mangyayari," sagot ni Jake.

"Walang sapilitang—"

"Hindi nagsisinungaling ang mga engkanto ngunit kayang bumali ng salita. Walang sapilitang naganap, iyon ba?" mapaklang tanong ni Jake. "Bakit ayaw ninyong iharap kung walang sapilitang naganap?"

"Ilabas ang taga-lupa," utos ng babae.

"Jake—"

"Tumahimik ka lang, Jelie," saway ni Jake sa akin.

"Tatlong bagay na kapag tinanggap ay mananatili ang babae rito," paalala ng babae.

Tatlong bagay... gaya ng ginawa nila kay Julie. 

"Makikita natin, Miss," sagot ni Jake sa kanya. "Hindi ikaw ang magpapasya niyan."

"Hindi ka makakalabas ng buhay sa Biringan," wika ng babae kay Jake.

"Nagkakamali ka d'yan," mayabang na sagot ni Jake.

"Jake..." banta ko. Hayop, mamatay yata akong virgin.

Sa may dako paroon... nagkakagulo ang mga engkanto at may maitim na usok na lumulukob sa kanila.

Napatayo ng tuwid ang babae at nagdilim ang mukha. Isang matalim na tingin ang iniwan niya sa gawi namin bago lumakad ng kaunti upang salubungin ang bagong dating... na parang kilala ko base sa tibok ng puso ko.

"Sidapa," bati ng babae.

Putang-ina, nagpakita na ang multo. Dito ba nagtatambay ito?

Mula sa makapal na usok na itim ay lumitaw si Sidapa, kasunod si Bunao, Rose at Zandro.

"Nagawi ka sa kaharian namin. Ano ang iyong sadya?"

"May kinuha ka na pag-aari ko,"sagot ni Dodong. Medyo scary ang tarantado dahil nakasuot ng hood at may dalang scythe.

"Wala akong kinukuha—"

"Kung ganoon ay bakit nakatali ang taga-bantay sa harapan ko?" tanong ni Dodong.

Wow? Kailan pa ako naging kanya?

"Tongno..." napa-comment tuloy ako. Si Jake ay hindi mapigilan ang pagtawa. Nakaka-gago ang gago.

"Ah, siya ba ang bago mong... laruan?"

"Mukha ba akong Barbie?" sarcastic na tanong ko sa babaeng kanina pa ako binubwisit.

"Kakalagan mo o mabubura ang Biringan sa mapa? Ano ang iyong pasya, Carolina?"

"Hindi mo gagawin, Sidapa!"

Muli ay lumabas ang itim na usok mula kay Dodong at isa-isang nabuhal ang mga nasa paligid niyang mga engkanto.

"Itataya mo ang kasunduan dahil sa isang taga-lupa?" hindi makapaniwalang tanong ni Carolina.

Hindi sumagot si Dodong. Patuloy ang pagbagsak ng mga engkanto at ang iba ay naglalaho at ang ilan ay nagiging abo. Ganito ba sila mamatay?

"Dodong—"

"Tama na... Huling tapak mo na ito sa Biringan, Sidapa. Sa susunod na may kuhanin ka pang engkanto ay matitikman mo ang ganti namin," ani ni Carolina.

"Hindi kailanman ako umayon sa sinabi mo. Pakawalan mo ang taga-bantay, bago ko ubusin ang lahi ninyo."

Bumunot ng patalim si Carolina at itinutok sa leeg ko.

"Kung gigilitan ko ba ng leeg ang taga-bantay ay magiging pangahas ka pa rin, Sidapa?"

"Magiging bangungot mo ako Carolina, kung kakantiin mo ang taga-bantay," sagot ni Dodong. "Pakawalan mo si Jelie."

Ngayon ko lang naunawaan kung gaano nakakatakot si Dodong. Malapit na akong maihi sa salawal ko dahil sa galit na nakikita ko sa kanya.

Patuloy sa pagbuhal ang mga engkanto. Ilan na ba ang nawala? Ilan na ang namatay?

"Tama na—" wika ko. "Dodong."

"Bitawan mo, Carolina!"

Bumaon sa leeg ko ang patalim na hawak na Carolina. "Sa wakas, may kahinaan ka na rin, Sidapa."

Naramdaman kong bumaon ang patalim sa leeg ko at kinapos ako ng hininga.

"Jelie!" sigaw ni Dodong.

Nagkagulo sila... ngunit hindi ko na alam kung ano ang nangyari. Lumabo ang paningin ko. Naramdaman ko ang hapdi ng patalim na hinugot mula sa pagkakasaksak sa leeg ko. Nararamdaman ko ang dugo na dumadaloy. Nararamdaman kong bumabagal ang tibok ng puso ko. Hanggang sa nagdilim ang lahat. Wala na akong maalala. Madalim na ang lahat.

The Book of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon