Prologue

59 5 1
                                    

Masasayang halakhakan at tilian ang maririnig sa loob ng malaking gymnasium.

Malalaking letra ang ipino-project ng isang projector sa wall ng stage.

'Alumni Homecoming'

"Baklaa!" sigaw ng isang lalaking nakasuot ng asul na button-up shirt at naka-tupi ang mahabang manggas sa siko.

"Ano ka ba! Parang hindi tayo nagkita nung isang araw!" sigaw ng kaibigan niyang papalapit sa kaniya, nakasuot ito ng navy blue, off-shoulder, fitted dress with matching blazer.

"Ang tagal nyo kaya!" reklamo naman niya, "Magiging kalansay nako dito eh!"

"OA mo bakla, hindi naman namin kasalanan na one hour ka ahead ka sa shedule ng program!"

"Pero ba't parang kasalanan ko?" Madramang sabi ng lalaki habang naka-hawak sa dibdib niya, pinalo naman siya sa braso ng kausap niya.

"Oh! Ayan na yung isa!" Turo ng kausap niya sa isang paparating na lalaki, tulad nila ay naka-blue din ito.

"Fransisco Amadeo! Long time no see," sabi nito at binigyan ng matamis na ngiti ang lalaki.

Patagong tumawa ang dalawa, binatuhan naman sila ng matalim na titig ng lalaki.

"France....ok na? Ha? Tara na, naghihintay na yung isa dun sa likod ng puno may dalang pala." Pag-aaya niya sa dalawa, inirapan lamang siya ni France at naglakad papalabas ng gymnasium.

Sumunod ang dalawa sa kaniya papunta sa isang malaking puno sa gitna ng playground.

Sa madilim na parte ay naka tayo ang isang lalaki na may dalang pala.

"Ang creepy ng porma mo dyan Gideon!" comment ng babae, dahilan upang makuha niya ang atention nito.

"Pasensya na po madam Shella!" Pabirong sabi ni Gideon samantalang inirapan lamang siya ni Shella.

Nagpunta siya sa likod na parte ng malaking puno at hinawi ang tumutubong damo.

"Teka hindi ba natin hihintayin yung dalawa?" tanong ni Gideon habang nakatingin sa paligid.

"Naku! Panigurado late nanaman 'yon," singhal ni France at tumingin sa parking lot, "Oh! Ayan na pala sila!"

Sa 'di kalayuan ay mayroong naglalakad na isang babaeng nakasuot ng baby blue na bellow the knee fit-and-flare dress samantalang ang kasama niya ay nakasuot ng midnight blue suit.

"Vaklaaa!" sigaw ng babae habang papalapit kay France.

"Buhay pa pala kayo" kumento ni Gideon habang may hinahanap sa mga damo sa likod ng puno.

"Tao ka pa pala" sagot naman sa kaniya ng bagong dating na babae."Akala ko kabute ka na eh, bigla bigla nalang susulpot!"

"Erynn! Teh!" biglang tili ni Shella sa kaniya.

Sa mga magkakaibigan ay sila lamang ang madalas na nagkikita, dahil na rin malapit lang ang lugar ng kanilang trabaho.

Nagtilian ang dalawa na parang magkibigang hindi nagkita ng ilang dekada.

"Manahimik na nga kayo! Eto na huhukayin ko na!" suway ni Gideon sa maiingay niyang mga kasama.

Nagsimula na siyang maghukay samantalang ang iba ay pinapanuod siya.

Makalipas ang ilang minuto ay huminto siya sa paghuhukay at yumuko.

"Ito yung ribbon ni Erynn oh!" sabik na turo ni France habang hinihila iyon ng kaniyang kasama.

"Nakikita ko na!" wika naman ni Shella habang iniyuyugyog ang katabi niya.

Isa pang malakas na hila ay lumabas sa hukay ang isang plastic container na mukhang pinaglagyan ng ice cream.

Tinanggal nila ang duming nakadikit dito at huminga ng malalim habang unti-unting binubuksan.

Tila nagpipigil na ng iyak ang magkakaibigan nang makita ito.

Sa pinaka-itaas ay mayroong isang envelope, naka- calligraphy ito at elegante ang style.

'22 years ago'

'The time when our bodies, minds and hearts are young. People may not be too nice back then, but the ones that are around us are.'

Hallway's SymphonyWhere stories live. Discover now