-Krystal-
"Bakit magkasabay kayo?" Kakaupo ko palang at nagtatanong na sina Lucy
"Katabi niya condo ko,that's it" pagpapalusot ko dahil ayaw kong malaman nila na ex ko si Dean,baka maissue
"Bakit wala kang kotse?" Mukhang hindi naniniwala si Ella hays
"Bahala nga kayo may aasikasuhin pa'ko" tumayo na'ko at naglakad paalis.Naisipan ko munang bumili ng Iced coffee since maaga pa naman.
Pumunta ako sa may coffee shop sa harap ng hospital.Napaka malas lang kase madaming nag oorder.Hindi ko napansin na malapit na palang mag 8:30 kaya binilisan ko ang paglalakad papunta kung saang room ako naka assign
"Oh sh!t" Napamura ako nang biglang natapon sa coat ng isang doctor ang Iced coffee ko
Oh familiar!Damien ata pangalan yung nakabangga ko dati
"What the hell?!" Tinaasan niya ko ng kilay at tinignan ng masama
"Kasalanan mo harang harang ka dyan eh!" Nakakainis hindi pa man kalahati natapon na
"At kasalanan ko pa?!" Mukhang nainis pa siya lalo pero kasalanan niya naman humaharang siya sa gitna ng hallway
"Talagang kasalanan mo!" Nakipaglaban ako ng tingin sakanya pero masama pa din ang tingin niya sakin "Natapon yung Iced coffee ko 'di ko pa nga nakakalahati!"
"Eh yung white coat ko?!Anong plano mo di-" hindi niya na natapos ang sasabihin niya nang may maghagis ng white coat sa mukha niya
"Ang ingay mo" masungit na sabi ni Dean sakanya tsaka humarap sa'kin "Pinapatawag na tayo"
Hinawakan niya ang kamay ko at naglakad na kami papalayo
"Bakit ka nakikipag away?" Tinignan niya muna ako at tinaasan ng kilay bago binalik ang tingin sa hallway
"Nakakainis kase eh!I mean magpapa sorry naman ako kaso pinagtaasan ako ng boses!" Pagsusumbong ko.Umiling lang siya at binilisan ang lakad dahil kanina pa'ko late dahil dun sa masamang engkantong yon!
Natapos ng maayos ang araw ko kaso minsan naiinis ako sa mga nurse na makikipag usap kay Dean tas magtatanong ng mga simpleng questions.I mean naiinis lang ako kase dapat magtrabaho muna sila
I told you,you don't have to do this" sabi ko pagkasakay ng kotse "I have my own car"
"I want to" seryosong sabi niya bago pinaandar ang kotse " And pareho lang din naman pupuntahan natin ba't 'di nalang sabay,less traffic"
He has a point tho
Napansin kong ibang daan ang pinupuntahan namin kaya kinabahan ako
"Is this a kidnap?!" Nataranta ako.I mean ilang weeks ko palang siyang kasama
"Chill,we're just going to have a dinner"
he explained while chuckling"Nang walang asungot" bulong niya pa sakto lang na marinig ko
"Ako na magbabayad" pakikipagtalo ko.Nahihiya na'ko lagi nalang siya ang nagbabayad
"No.I will" pagmamatigas niya
"I can pay for my own meal"
"How about this,it's my treat today tapos bukas mag dinner tayo tapos treat mo"