Prologue..
Nasa harap ko siya ngayon. Isang babaeng may kayumangging balat, may katamtamang haba ng buhok, matangos na ilong at mapupungay na mata. May hawak siya sa kamay niya. Hawak niya ang isang gubat. Sinusubukan niyang lumipad. Mahirap, mahirap na mahirap. Tumatakbo ang mga nakatira dito. At agad nila siyang tinulungang ibuka ang kanyang pakpak. Bumulusok siya paitaas at duon nagsimula ang kanyang paglalakbay.
Whoah! Ang surreal ng intro ko ha! Ayos ba? You may think it's weird. Pero sabihin na lang nating palawakin niyo ang imagination niyo at huwag niyong kalimutang ang papel ay puno at ang tinta ng kahit na anung panulat ang mga tumitira dito. At sabihin na lang nating ang inyong lingkod ay may konting sapak na nagsusulat sa harap ng isang salamin.
Kung minsan, nagtataka ko. Bakit ba lagi na lang kailangang ipakilala ang sarili sa mga introng ganito? Hi ako nga pala si blah blah blah.. Tapos naisip ko, medyo magiging weird pala kung daldal ako ng daldal tapos di mo naman ako kilala. Para ka lang nakipagkuwentuhan sa kung sino sa kalye, as in todo usap kayo, sabay sabi pagalis niya, "sino yun?"
Hmm.. Ok, Lewis,17, a typical college student and an aspiring writer. Mundo ko na ang pagsusulat. Mula sa mga poems, stories, song lyrics , or diary. Pero baka ma-misinterpret mo ko. It's more like a hobby than a talent. Kadalasan, puro hindi ko natatapos o nawawala. Pero dahil matigas ang mukha ko, eto ko't pagsisiksikan parin ang sarili ko sa pagsusulat.But this time, I'm gonna drain some flavor.I'd prefer na ibang atake naman. Naisip ko baka kaya hindi nagiging successful ang mga ginagawa ko eh, masyadong malayo sa reality. Puro imagination lang. Ngayon I'll try something na malapit sa puso ko. Pero I'll play with your minds. Bahala na kayong maghiwalay ng puti sa dekolor, ng balat sa tinalupan, ng totoo sa hindi. And take note that this is about my life. Not yours, not them. Mine. You only have two choices. To read it or read it. So sit back and enjoy.
____________________________________________________________
Kusot ng mata. Tingin sa building. Kusot ng mata. Tingin sa building. Hindi talaga siya makapaniwala sa nakikita niya. Parang laro laro lang nung una. Ngayon totoo na pala. Na tutungtong siya sa kinatatayuan niya para sa nakatakdang contract signing sa pinakatanyag na publishing company sa bansa.
" Miss Lewis, good morning. You are given the opportunity to write for us. We've seen your stories uploaded to an amature website and we thought it would be a great idea to turn it into a different way of diffusion. We want to publish your works into books." Seryosong sabi ng lalaking nakaeyeglasses, nakawhite na polo at nakablack pants na mukhang nasa late 30's na.
" Oh sir, it's my honor to be part of this company."
" But we have a strict policy. We'll be checking your developments from time to time and if we are not satisfy of the results. I'm sorry to say but we will not consider your work."
"Don't worry sir, I won't disappoint you."
" So pano, good luck na lang. Siguro dapat ka nang magisip ng pen name mo. By the way, I'll just e-mail the date of your deadline and just to inform you, you could call me Tatay Bob. That's my pen name when I was still a writer."
"Ok. Thank you sir, Thank you very much." Lumabas siya ng opisina na may abot tengang ngiti.
___________________________________________________________
April 5, 2012
Yes!! Pinagpapasa na ko ng manuscript. Lalo tuloy akong naiinspire. Akala ko imposible eh. Yun pala ganun lang kadali. Watch and learn, bukas makalawa magiging best selling book ang libro ko at walang ibang makakapigil sakin. Eto na 'to. Wala nang atrasan.
BINABASA MO ANG
Deadline
Mystery / ThrillerNapublish ko na 'to sa isa ko pang wattpad. Who cares! Well, medyo nabubulok na kasi yun so I'm gonna start from scratch. . Ito ang istorya ni Lewis, bilang isang manunulat.. tsaka.. ahhm.. ok, spoiler na.