Chapter 5

220 106 33
                                    

Chapter 5
Mad

Inalalayan niya ako para makaangkas kay Lacey, the horse. Hawak ng isa niyang kamay ang kamay ko at ang isa naman, nakaalalay sa bewang ko. Hindi ako naging komportable sa hawak niya pero hindi na ako nagreklamo, baka mahulog pa ako, mahirap na.

"You're not going to ride?" Hindi ko maiwasang magtanong dahil nagsimula nang gumalaw si Lacey. Not that I want him to ride with me, okay?

"Saan mo gustong pumunta?" Pagbabalewala niya sa tanong ko at nagsimula na siyang maglakad habang hawak ang tali ni Lacey.

"Dinala mo ako dito, kaya ikaw ang bahala. Saan ba maganda? Hindi ko pa kasi nalilibot ang buong baryo."

"Doon muna tayo sa farm."

Which farm?

Nakaalalay pa rin siya sa gilid ko habang papunta kami sa bukid. Napapalingon ang mga magsasaka saamin habang nagttrabaho. Minsan naman tumitigil para bumati kay Senyorito.

Nadaanan namin ang coffee plantation at ang malawak na taniman ng mga kalamansi that has been harvested and packaged for export. Ang mga farm animals ay nagkalat.

"Magandang umaga, Senyorito." Bati nila at dumako ang tingin sa akin. Napapangiti sila at naghahagikgikan pa.

Marami ang nakakakilala sa akin pero hindi lahat.

"Kier..." Tumigil kami sa tapat ng isang matipunong lalaki,pawisan at walang pang-itaas na damit at kumikinang ang suot niyang kwintas na krus.

Ibinaba nito ang bitbit na mga kahoy na nakasabit pa sa balikat niya at tumingin sa akin pagkatapos kay Senyorito Kier naman.

"A girl,Kier? Really?" Natatawang sabi nito. Hindi ko naman maintindihan. I startled a bit because of his deep and dark voice. Katulad kay Kier.

"Hi Miss! I'm Cross Sullivan. You are?" katulad ng pendant niya, huh?

"She's none of your business, Cross. Not your troublemaker, probably." Iritadong sabi ni Senyorito Kier at nagpatuloy na sa paghila kay Lacey.

"You're rude. Who is he? Kaibigan mo? And he's a Sullivan? How is he related to the Sullivan who owned the whole Sta. Ines?" Hindi ko naiwasang maitanong.

"Why are you interested?" Mataray na bulyaw niya sa akin at hindi na ako kinausap pa.

"Good morning, Senyorito! Hi, Chairman!" May tatlong lalaking kabataan ang lumapit saamin. Babatiin ko rin sana kaso bigla nalang hinila ni Senyorito si Lacey.

"I noticed that almost all the people here called you 'Chairman', ang iba naman, tinatawag ka sa ibang pangalan." he said out of the blue.

"Oh? Ano namang problema doon? Bakit ikaw? Iba-iba naman ang tawag mo sa akin, diba?" Tinigil niya ang kabayo sa isang maliit na cottage sa gilid ng bukid.

"What do you want me to call you, then?"

"Which name are you comfortable with?" Sinubukan kong bumaba pero agad niya akong nahawakan sa bewang. Walang kahirap-hirap, nasa baba na ako. "Thanks."

"Bakit hindi mo ako tawagin sa pangalang sinambit mo kanina sa court?"

"What do you mean?"

"Don't deny it, Senyorito. I heard you."

"Then, you stop calling me 'Senyorito' and start calling me 'Kier', how is that, Chairman?" Seryosong sabi niya.

"Whatever...Kier." Mataray na sabi ko at nginisihan siya.

A long pause came. Only our deep breaths I heard. Nagkatinginan din kami,pero saglit lang 'yon. I can't look at his eyes longer the way he's looking at me. Hindi ko kaya, naiilang ako sa mga titig niya. Parang...parang nahahalayan ako?

Lies of the Heart (La Tierra de Conde Series#1)Where stories live. Discover now