Short-Story

15 1 0
                                    


Nasa 21 taong gulang lamang ang 38 weeks ng buntis na si Czaria. Araw nalang ang hinihintay n'ya at masisilayan n'ya na ang kanyang anak. kaya naman napapanay na ang kanyang paglalakad sa tabing dagat upang hindi rin manasin. Nagpahinga sandali si Czaria ng matanaw ang malaking bato na naroon malapit sa mga puno ng niyog at kalaunan ay naupo dito.

Papasikat na ang araw at natutuwa siya dahil panay panay ang sipa ni baby sa kanyang tiyan. animo'y gustong gusto nito ang tunog ng alon.
pag uwi n'ya mga bandang alas-otso ng umaga ay plano n'yang matulog muli dahil maaga syang nagising kanina para maglakad lakad. pinaghainan muna s'ya ng pagkain ng kanyang ina at kumain bago bumalik sa higaan.

Naalimpungatan siya bandang alas nuebe 'y media dahil naramdaman nyang basang basa ang kanyang kama pero alam n'yang 'di naman siya naihi.
Hindi rin s'ya mapakali sa kakaibang nararamdaman, nakunot ang noo n'ya sapagkat medyo madami ang tubig na lumabas sa kanya, kaya naman dumeretso s'ya banyo, doon n'ya lang napansin ang dugo sa kanyang panloob na kasuotan ng tangka niyang papalitan ito.
Napasigaw na sya at walang patid ang pagtawag nya sa kanyang ina. bigla ding nanigas ang kanyang tiyan at sinabayan iyon ng matinding hilab. hangos na dumating ang kanyang ina at tatlong kapatid.

“Manga-nganak na yata ako, ma!” may hingal na sambit n'ya. agad tumalima ang mga ito ang isa ay nagtawag ng taxi na masasakyan nila papuntang hospital.

“Its a baby Boy!” Sigaw ng nurse na isa sa nag assist sa kanya. nakangiti nyang nayakap ang kanyang baby habang pumapalahaw ito ng iyak Nang ilagay ito sa kanyang dibdib. nahalikan nya pa ito bago mawalan ng ulirat dahil sa sobrang pagod at panghihina.

Naging napakasaya ng kanilang tahanan sa pagdating ni baby Jeferr. Inalalayan s'ya ng kanyang ina sa pag aalaga kay Jeffer na labis niyang ipinagpasalamat dito.

Napakabata man maging ina ay napamatured naman nito ang kanyang kaisipan.

Lumipas ang ilang buwan, may napansin syang kakaiba sa kanyang anak, magsasampung buwan na si jeffer ngunit ni hindi nya man lang ito nakitaan ng improvement. 
Ni hindi ito nagreresponse sa kahit anong bagay. Nakatingin lang ito ngunit parang blanko ang mga mata. Ni hindi ito makitaan na tumawa man lang kapag hinaharot gaya ng ibang ka-edaran nito.

Kahit tawagin ang pangalan nito ay hindi ito lumilingon man lang kung kaya nag alala na si czaria para sa anak.
Inisip nya ngang baka late learner lamang ang anak ngunit di nya parin ito pinagsawalang bahala.
Kinabukasan ay agad naghanap si Czaria ng isang magaling na pedia at isinangguni dito ang mga napapansin sa anak. May ilang test na ginawa sa anak nya at ang naging resulta ay tunay namang nagpahina sa kanya.
Magkahalong awa at lungkot ang naramdaman nya para sa anak.

“O, anak kamusta si jeferr?” Tanong ng kanyang ina pagkauwi nila galing sa pediatrician.
Inilapag nya muna ang anak sa kuna na kasaluyan ng nahihimbing sa pagtulog bago nanghihinang napayakap sa ina si Czaria at dito inilabas ang kanina pa n'ya tinitimping luha.
Nag-alala ang kanyang ina kaya hinaplos-haplos lamang nito ang kanyang likod at hinayaan muna s'yang umiyak ng umiyak bago sya nito tanungin muli.

Naupo sya sa kalapit na Sofa at nagsimulang ipaliwanag sa ina ang kalagayan ng kanyang anak.
“May - Autistic Spectrum Disorder daw po si jeferr, Ma.” paliwanag ni Czaria na nagpatulo muli ng kanyang luha.

“Ha? A-ano yun?” kunot-noong tanong ng kanyang ina..

“Austism, yun po ang kadalasan na tawag nila dun, Ma.
Tinatawag na isang medical mystery ng mga dalubhasa dahil sa kawalan pa ng eksaktong kasagutan tungkol sa sakit na yun. Sila daw yung mga batang may kakaibang mundo.
Ang autism daw ay isang uri ng neurological disorder kung saan ang isang batang meron nito ay naapektuhan ang normal na development ng kanyang utak na nagkakaroon ng problema sa lahat ng aspeto ng kanilang pamumuhay at pakikisama sa pamilya, kaibigan, sa bahay , eskuwelahan o maging sa komunidad na kanilang ginagalawan.”

Autistic Spectrum Disorder (Autism)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon