CHAPTER 24 #SECRETARY
[ EXPLANATIONS ]
Nagising ako sa isang malambot na kama sobrang sakit ng mga binti ko pero mas masakit 'yong puso ko. Nanatili lang muna akong nakahiga paglingon ko sa bintana madilim na gabi na pala.
Agad kong naalala ang mga nangyari kanina mula sa pagdating ni Claire sa mansion pagtuklas ng katotohanan pag habol samin ng dalawang armadong lalaki at may humintong kotse na lulan ng misteryosong lalaking tumulong samin.
Hanggang sa pag dating namin sa isang hideout kung saan kami dinala ni Claire.
"Si Arris at Luiz ay iisa Vanessa, matagal ka ng niloloko ng lalaking 'yon"
Paulit ulit na nagplay sa utak ko ang mga sinabi ni Vanessa.
"Luiz just use a mask and changed his eye color pati na rin ang boses nito."
Ayaw kong maniwala sa mga sinabi ni Claire ngunit ng maalala ko ang mga nakaw kong larawan sa cabinet ni Arris na si Luiz din pala ay sumakit ang ulo ko at napamura na lamang.
"I'm telling the truth Vanessa why would I lie to---"
"Kailan mo pa alam ang tungkol dito?"
Putol ko sa sasabihin ni Claire.
"Nang umalis ka patungong probinsya"
Pagak akong natawa
"So ang tagal na pala Claire bakit hindi mo sinabi agad! Hinayaan mo akong mag mukhang tanga!"
"Sorry Vanessa at may isa ka pang dapat malaman."
Tinignan ko sa mukha si Claire ngunit umiwas ito ramdam ko ang kaba sa kung ano mang sasabihin pa ni Claire.
"Noong nag punta tayo sa club at nalasing tayo may nakilala akong lalake."
Naghintay lang ako sa susunod pa niyang sasabihin at di na muna umimik pakiramdam ko hindi maganda ang lalabas sa bibig ni Claire ngayon.
"Arris ang pangalan niya--- nakipagsayaw ako sa kanya lasing na ako noon at tinangay na ng hangin ang natitirang katinuan sa katawan ko."
"Faster! Claire spill it!" Naiirita na ako.
"I really like that guy pero habang mag kasayaw kami nakatitig siya sa'yo ng malagkit. I did tell him na 'di papatol kung yayain ka niya, I flirted on him para sa'kin madivert ang atensyon niya. Pero hindi ako nag tagumpay sa huli iniwan niya ako at lumapit sa'yo hanggang sa may lalaking nagtakip ng panyo sa Ilong ko hanggang nawalan ako ng malay."
Umiyak na si Claire sa harapan, ako naman napapamura na lang sa isip.
"Kailan ko lang din nalaman ang tungkol sa totoong pagkatao niya ng magtanong ako sa lalaking nakasama ko ng gabing 'yon. I know you hated Luiz so much dahil sa nangyari noon sa restaurant that's why I'm telling you this..."
Hindi ko alam ang sasabihin ko nanatili lang akong tahimik. Sa gilid namin ay prenteng nakaupo si Aries, Natawa nalang ako sa isip ko bakit kapangalan pa talaga niya.
"Vanessa, please talk to him all this time minahal ka lang naman niya. He did that just for you to love him back. Hindi mo man lang ba kayang suklian 'yon Vanessa?"
Hindi ako makaimik tila may nakabara sa lalamunan ko.
"Sinabi ko sa'yo ang katotohan para
maging maayos na ang lahat sa pagitan niyo. Can't you see it? That guy is madly in love with you to the point he even lied just to feel your love. Your so lucky to have him Vanessa, your so lucky that he loves you that much. Naiinggit nga ako sa'yo, at kung ako ang nasa posisyon mo. I won't hesitate to give the exact love he can give to me. Vanessa hindi ko kayo sinisira, oo sa una plinano ko 'yon pero 'di ko tinuloy."Hinawakan ni Claire ang kamay ko at pinisil akala ko tapos na siya sa sinasabi niya pero hindi pa.
"Please Vanessa 'wag kang magbulagbulagan. I know you love him too, just give him a chance to enter your life."
"I want to clear one thing Claire, ano ba talaga ang nangyari sa'yo?"
"Hindi na 'yon mahalaga----"
"Si Luiz ba talaga ang may gawa nito sa'yo?"
Hindi sumagot si Claire.
"Claire sagutin mo'ko!"
"Sa tingin mo ba kayang gawin ni Luiz 'yon?"
Malamang hindi sagot ko sa aking isipan.
Tinalikuran ko na si Claire at nagpatuloy na sa pag lalakad bukas ko na haharapin si Luiz pag kalmado na 'ko. Ngunit bago kami tuluyang makapasok sa kotse ni Aries nag salita ulit si Claire.
"Nagbalik na siya Vanessa, at gagawin niya ang lahat maagaw lang si Luiz. Hindi ako ang kalaban mo dito."
******
Bumukas ang pintuan ng aking silid at iniluwan non si Aries na may dalang try ng pagkain.
"Kumain kana Vanessa"
Sabay patong niya ng pagkain sa tabi ng kama.
"Wala akong gana Aries" napapangiwi ako sa pangalan ng lalaking ito.
"Huwag kang mag pa apekto sa nalaman mo. Susuko ka na lang ? Hahayaan mong mapunta sa iba ang mahal mo?"
Turan ni Aries habang prenteng nakatayo at nakapamulsa.
"Hindi" tipid kong sagot.
"Naman pala eh, bumangon kana diyan at maligo sa kumain na. Pupunta tayo ng opisina niya"
Lumingon ako kay Aries
"Salamat sa pag tulong mo"
"Tama na ang drama Vanessa ang aga dalian mo. Ang dami kong meetings na kinansela dahil dito"
Bumangon na 'ko at agad na niyakap ang lalaking 'to tila natigilan naman si Aries sa ginawa ko.
Pinakawalan ko siya sa pagkakayakap at mabilis na tinungo ang banyo.
Humarap ako sa salamin.
"Kaya mo 'to Vanessa ikaw ang mahal ni Luiz at hindi ang impakta maarte na 'yon"
Pangungumbinsi ko sa sarili saka tuluyang naligo. Tama si Claire siguro panahon na para suklian ko naman 'yong pag mamahal na binigay ni Luiz. Na natutunan kong mahalin sa katauhan ni Arris.
-lots of errors ahead sorry for typos ✌✌
-sino 'yong nagbalik? At hindi naman si Claire eh😎
YOU ARE READING
MS. SECRETARY - On going
CasualeMATURE CONTENT INSIDE!!! Unang kita pa lang ni Luiz kay Vanessa ay nabighani na ito sa angkin niya natural na ganda na kinalaunay nauwi sa pagiging obsess nito sa dalaga. But when Luiz confess his love for her the feelings not mutual. Hanggang isa...