Dani's POV:Magkikita kami ni Luv ngayon for late lunch, medyo naging busy kasi ulit ako right after premier dahil sa promotion ng movie namin. Nagmamadali na ako dahil ang usapan namin ay 2pm, pero mag aalas tres na, sobrang traffic kasi talaga, and mas ginusto ko ng I-meet nalang siya kesa mag drive pa siya all the way to Makati.
Hindi ko napansin na matatapos na pala yung green light for pedestrians, pinilit ko paring makatawid pero wala pa ako sa gitna ay nag red na ito, at nag go naman na yung sa mga sasakyan. Para akong nag freeze sa sobrang nerbiyos ko, hindi ako makagalaw. Rinig na rinig ko ang pag busina ng mga sasakyan, lalo akong nanigas sa kinatatayuan ko, hindi ako magalaw, sobrang panic yung nararamdaman ko, tuloy tuloy tumutulo ang luha ko, sa hindi ko maintindihang dahilan, hindi ko naman maipaliliwanag ito sa lahat ng sasakyan na naaabala ko, may isang sasakyan na sumilip yung nagmamaneho at sumigaw sakin-
Driver: "Ayaw mong tumabi! Sasagasaan kita sige!"
Pinaandar nito ang sasakyan, at wala akong ibang nagawa kung hindi ipikit ang mga mata ko at iharang ang magkabila kong braso sa harap ko- pero laking gulat ko ng biglang may malakas na pag hatak akong naramdaman.
Jacob: "Hoy! Tarantado ka huh! Papatayin mo ba tong babae?"
Driver: "E ayaw tumabi e! Green light na oh! Nakakaabala siya e!"
Jacob: "She was obviously scared, look at her! She's having an anxiety attack, sana binaba mo nalang at tinulungan siya kesa pinagbantaan mo pa!"
Driver: "Oh itabi mo nayang babae na yan ng hindi kayo nakakaabala!"
Jacob:"Eh kung pasampahan kaya kita ng demanda ha! Alam mo bang verbal threats can also be a crime? It causes emotional distress to your victim, you stupid asshole!"
Driver: "Ano ka ba abogado!"
Jacob: "Oo, bakit? I am a lawyer, and a damn good one! Try me?"
Driver: "Tumabi nalang kayo!"
Bigla nitong pinaandar ang sasakyan niya.
Jacob:" Duwag naman pala tong gagong to! Miss, are you okay? Halika I'll get you to the other side of the road."
Sobrang nanginginig parin ako sa nangyari, hindi ko alam ang mararamdaman ko. Nakaupo kami sa labas ng isang convenience store. Tinawagan ko na si Luv para puntahan ako. Pag labas ng lalaking tumulong sakin, meron itong dalang maiinom.
Jacob: "Eto, uminom ka muna, it will calm you down. You're a little shaky, from too much anxiety I assume-"
Dani: "Doctor ka ba?"
Nangiti ito-
Jacob: "Hindi, how I wish I was one. But no, I'm a lawyer, sanay lang akong makakita ng mga tao na under too much stress, kaya nagkakaroon sila ng panic or anxiety attack, pagka kita ko palang saiyo kanina, kitang kita ko na, na hindi ka makagalaw-"
Dani: "Maraming salamat ha- kung hindi dahil saiyo, nasagasaan na siguro ako nung lalaking yun."
Jacob: "Mabuti na nga lang at hindi pa ako nakakalayo sa pag jo-jog ko. Alam mo you look familiar-"
Dani: "Uhm- baka nakita mo ako sa TV somewhere."
Jacob: "Oh yeah! I know you, my sister had forced me to watch one of your movies one time-"
Dani: "Forced you?"
Jacob: "Oh, I'm sorry- I don't mean it that way, please don't get offended, I am usually just not the type to watch TV or movies, I'm busy most of the time kaya, gustuhin ko man, madalas talagang hindi kaya ng oras. But it's nothing against you- I promise"
BINABASA MO ANG
Along came Dr. LUV
ChickLit(4th book) Dani is a famous model and actress who vowed never to fall in LOVE, as in no no sa love! Binansagan na nga siyang Asia's HEARTBREAKER dahil sa dami ng lalaking umasa at nasaktan lamang sa kanya. Para sa kanya, lahat ng lalaki ay tulad ng...