CHAPTER 18

13 0 6
                                    

ADIRA'S POV

Apat na linggo na ang makalipas nang dumating kami dito sa Cagayan. Higit tatlong linggo kaming nagstay sa Resort ko at ngayon bumalik muna kami sa town house para kumuha ng mga gamit at para hintayin na din si Marquis.

Madaling araw na kaya hindi na kami natulog para salubungin na din si Marquis.

"At sino naman ang pinagbigyan niyo ng bagong number ko?! Gusto niyo bang tirisin ko kayo? Sa susunod na may manghingi ng number ko tanungin niyo ang pangalan at ipaalam niyo sa akin!!" galit na sigaw ni Avery sa kausap sa telepono saka pagod na umupo sa sofa.

"Galit na galit?" pang aasar ko.

"Paano naman, pangalawang palit ko na ng number pero may tumatawag pa din sa akin na hindi ko kilala" inis na sagot niya.

"I'm here" biglang masayang bati ni Marquis na ngayon ay nakatayo sa pintuan.

Agad naman tumayo si Avery at akmang yayakap kay Marquis.

"Thank God dumating ka. Nawala yung stress ko" masiglang sagot niya nang iharang ni Marquis ang braso niya sa leeg ni Avery.

"Lumayo ka nga sa akin KUYA Avelino" pagdidiin ni Marquis dahilan para mapabusangot na naman si Avery.

Agad namang lumapit si Marquis sa akin at yumakap.

"Kamusta? Namiss kita ate" bulong niya bagp bumitaw sa pagkakayakap "May binili pala akong papaitan sa bayan, kain na tayo dahil nagugutom na ako" pag aalok niya.

Tumayo naman agad ako saka psumunod sa kanila sa kusina.

Si Mae ang nag ayos ng mga pagkain namin at masayang kumain kami habang nagkekwentuhan.

"Si Mae nga hindi nakatulog sa Santa Anna nung unang tatlong araw hahahaha" natatawang kwento ni Avery.

"Ikaw nga hindi ka makatae kasi namamahay pwet mo" ganti ni Mae.

Tahimik lang ako dahil medyo masama ang pakiramdam ko. Siguro dahil sa pagod na din.

Hindi lang papaitan ang binili ni Marquis kundi marami pang iba na Ilocano dish gaya ng pinakbet, dinengdeng, la-oya at igado. Lahat 'yon ay isa isa kong tinikman dahil nakakatakam.

Nang isubo ko ang pangatlong kutsara ng papaitan ay nakaramdam ako ng pagsusuka kaya agad akong tumakbo sa lababo at doon sumuka.

"Ate are you okay?" nag aalalang tanong ni Marquis na ngayon ay nasa likuran ko na.

"Baka natamay (nakulam) ka ha" pag aalala ni Mae habang patuloy pa din ako sa pagsusuka.

"May an annib (pangontra) siya kaya hindi siya pwedeng matamay (makulam)" pagpapaliwanag ni Avery.

Hindi ko maintindihan pero patuloy pa din ako sa pagsuka dahil sa pait ng panlasa ko.

"Napapaitan lang ako sa papaitan" sagot ko para di na sila mag alala.

"Gaga! Papaitan nga eh. Alangang matamis tapos papaitan?" pamimilosopo ni Avery.

Ilang sandali pa hindi na ako nakaramdam ng pagsusuka kaya bumalik na kami sa hapagkainan.

Maya't maya naman ako pumupuntang CR dahil mayat maya ako nakakaramdam ng pag ihi.

"Ano ba kanina ka pa pabalik balik sa CR. Okay ka lang pa?" nag aalala ngunit pataray na tanong ni Avery.

"Pakialam mo ba? Naiihi ako eh" pagsusungit ko.

"Alam niyo mas mabuti pang pumunta na tayo ngayon sa Santa Anna. Alasingko pa lang naman oh" suhestiyon ni Marquis.

AsierWhere stories live. Discover now