Chapter: 8

24 2 0
                                    

Father's Downfall

Chapter: 8

"Ma'am may deliver po sa inyo."

Napaangat ako ng ulo at nakita ang secretary ko, may dala siyang bouqet at ibinigay sa akin.

"Kanino daw galing?" 

"Wala pong sinabi yung delivery boy." 

Tumango lang ako at ngumiti.

"Sige po ma'am." Paalam nito at tumalikod na.

Agad ko napansin ang card kaya kinuha ko yun at binuklat.

"YOU'RE MINE!" 

Halos mapatayo ako at maitapon ang bulaklak sa sahig, tila kinabahan ako ng husto. Almost 9 years mula nang makatanggap ako ng mga ganitong pananakot mula kay Christian.

"At ngayon?" 

"Sam?" 

Napalingon siya at nakita niya ang kanyang Daddy, agad na pumatak ang luha niya at tumakbo palapit dito.

"Anak bakit?" Agad kong tanong at saglit na niyakao siya. Naramdaman ko na para siyang nangangatal at hindi lang yun talagang natatakot ang anak ko.

"Daddy, ay nagpadala sa'kin ng bulaklak. Then may note na nakalagay sa card."

"Nasan ang card?" Tanong ko agad.

Lumingon si Sam at tinuro ang bandang table niya.

Agad na muna siyang kumalas kay Sam at mabilis na pinuntahan ang lamesa. Dinampot ko ang card at binasa ang nakalagay na "YOU'RE MINE" sigurado na ako na yung lalaking kumausap dito kahapon ang nagpadala nitong mga bulaklak. Kinuha ko din yun at mabilis na tinapon sa basurahan.

"Magligpit ka na muna nang gamit mo, uuwi na muna tayo."

"Pero-"

"Wala nang pero Sam, mag stay ka na muna sa bahay. Ako na lang muna bahala s amga trabaho mo, hangga't hindi ko napapa-trace ang lalaking yun."

Wala nang nagawa si Sam kundi sundin ang Daddy niya, kaya mabilis na siyang lumapit sa table at inayos ang mga papeles. Itinabi na muna niya ang mga ito bago niya kinuha ang bag.

Pinauna ko na siyang lumabas, dahil dinampot ko muli ang card at binulsa.

~

"Hi ate!" Bati ni Jove, 

Ngumiti naman si Sam, dumiretso kasi sila sa kanyang lolo dahil naririto nga si Jove.

"Bakit ang aga po ninyo umuwi ni Daddy?"  Tanong nito

"Kasi, nag half day lang kami ni Daddy." Sagot niya at lumingon, nakita niyang kausap ng kanilang daddy ang kanyang lolo.

"Ate, dun tayo sa Garden laro tayo ng chess. Tinuruan ako ni Lolo!" Yaya ni Jove sabay hawak sa kamay niya.

Muli siyang ngumiti at sa sumama sa bunsong kapatid.

~

"Tumawag na ako sa mga pulis. Para lang ipa-trace ang lalaking yun." Naupo ako saglit, naalala ko ang mga sinasabi sa'kin ni Mika at eto nga, meron na naman naging stalker ang anak namin 

"Siguro huwag mo muna palabasin si Sam, wag mo na din muna payagan tumugtog."

"Yun na nga napag-usapan namin ni Mika, she still have a phobia sa mga nangyari noon. Dumadagdag pa ang mga balita ngayon."

"I heard nga ang isang balita, ang alam ko malapit pa yun sa company nila Mika."

"Balitang?" Palibhasa wala na ako masyadong time na manuod dahil naging sobra ang pagka busy ko sa trabaho.

"May natagpuan na bangkay malapit sa company nila, hindi nalalayo ang edad ka Sam. Hindi lang yun, matagal na may kumakalat na balita about sa mga nabibiktima na babae. And base sa investigation, iisa lang ang ikinamatay." Paliwanag ni Conrad.

Bumuntong-hininga ako at lumingon kay Sam, naglalaro sila ni Jove ng chess.

"Balita ko mag leave ka?" Tanong muli nang kanyang ama

"Yes Papa, nangako na kasi ako kay Mika na sa Father's day magkakasama kami. So mamaya tatapusin ko muna last meeting ko mga 3pm pa naman."

"Kung gusto mo dito muna ang mga bata?" 

"Sige Pa, sasabihan ko na lang si Mika na daanan niya dito para na din may kasama siya kapag umuwi sa bahay." Sagot ko at muling tumingin sa relo, 2pm na.

"Pa, magpapa alam muna ako, dadaanan ko na lang pala si Mika para sabihin na naririto ang mga bata." Sabay tindig ko 

"Magpaalam ka na din muna sa mga apo ko."

Ngumiti ako at tumango. Agad na ako lumapit sa dalawa, pansin ko na seryoso ang mga ito sa paglalaro ng chess..

"Eheemm." Kunwa'y ubo ko

Lumingon naman ang dalawa at ngumiti.

"Girls, dito muna kayo kay Lolo. Dadaanan ko na di si Mommy ninyo para masabihan ko siya na sunduin na lang kayo dito."

"Saan ka pupunta dad?" Tanong ni Sam

"May meeting kasi ako. Medyo importante, nangako din kasi na leave ako nang one month kaya ayun. Kailangan ko talaga maka-attend."

"Yehheeyy! Matutuloy na bakasyon natin Daddy? Sa disneyland?" Sabat ni Jove

"Yes baby, matutuloy na promise ko yun di ba?"

Kapwa na tumayo ang dalawa at yumakap na sa kanilang daddy.

"Hayss , ang mga anak ko dalaga na lahat." Bulong ko sa kanila at kapwa na hinalikan ang mga noo.

"Ingat ka daddy ahh!" Bilin ni Sam

"Opo, daddy tapos pasalubong po yung cake!" Sabat ni Jove

"Okay, i promise dadalhan kita." Sagot ko at hinaplos kapwa kanilang mukha.

"Sige dito muna kayo."  Tumalikod na ako para makaalis na, kailangan ko pa daanan si Mika.


~

"Okay thank you! Yes, one month kasi ang leave ko. Magbabakasyon kami buong pamilya, maybe dalawa or tatlong country lang ang pupuntahan namin." Nakangiti si Mika habang may kausap sa kabilang linya.

Sakto naman na pagtingin niya sa pintuan ay nakita na pumasok si PJ.

"Ahh, okay. Sige thank you." At binaba na ang telepono.

"Oh, bigla ka na lang sumusulpot sa office ko Mr. Javier?" Pagbibiro niya.

Natawa ako at agad na lumapit.

"Hinatid ko lang si Sam sa bahay nila Papa, maaga ko siya pinauwi para makapag pahinga ng maayos " hindi na muna ako nagbanggit nang kahit na anu, isa pa pinag usapan na namin yun ni Sam. Ayoko na madagdagan pa ang stress ni Mika

 

"Mabuti naman at pinagpahinga mo ang anak natin. Aba lagi na lang siyang puyat!" Sabay ngiti nito at tumayo, lumapit siya kay PJ at kinawit ang braso sa leeg nang asawa.

"I love you PJ. Pakiramdam ko ang saya-saya ko lalu at magbabakasyon tayo at sama-sama." Bulong ni Mika

"Ako din sobra, atlis kahit paano makakapagpahinga tayo."

Hinalikan ni Mika ang labi niya at muling tinitigan si PJ.

"Anuman ang mangyari, tandaan mo na mahal na mahal kita."

"Anu ba sinasabi mo, of course mahal na mahal din kita. Mula noon hanggang ngayon." Hinawakan ko ang mga kamay niya at hinagkan yun.

Ngumiti si Mika at muling niyakap si PJ.

Naramdaman ko ang yakap ni Mika, medyo mahigpit yun na parang ayaw na niya ako pakawalan. Ngumiti na lamang ako dahil alam ko na naglalambing lamang siya.

#AuthorCombsmania

Father's Downfall (COMPLETED STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon