NUEVE

70 3 2
                                    

CHAPTER 9





ARRA MARTINA




NAKATINGIN ako sa kawalan at nalulunod sa dilim na bumabalot sa aking silid. Paghinga ko na lang ang aking naririnig. Ganito ako parati, malamig...walang kabuhay-buhay.




Nasa out of town photoshoot si Eri kaya hindi ko siya puwedeng abalahin. Si Bebang na Rosette naman ay nanlalalake. May jowa-jowaan siya ngayon kaya hindi ko mapuntahan. Kahapon nga ay mag-isa akong kumain sa favorite resto namin ni Bf. Iyong may-ari binigyan na naman ako ng free dessert, kasi mag-isa daw ako at mukhang sad. Haay buhay!  Minsan nate-tempt na akong sumunod kanila Mama at Papa sa Australia. Kaya lang, hindi ko talaga trip mangibang bansa.




Napalinga-linga ako, pakiwari ko ay may gumalaw sa may bintana. Madilim sa parte na iyon ng bahay kaya hindi ko maaninag. Hindi ko na lang pinansin at bumalik na ako sa pagkakahiga. Patuloy akong nakiramdam at napanatag nang wala nang sumunod na paggalaw o kung ano man. Pumikit ako at nagpasyang matulog, para lang mapadilat muli dahil may kung anong ingay akong narinig mula sa kusina. Bigla akong kinabahan. Wala namang makakapasok na pusa sa bahay ko, dahil sarado lahat.




Maingat akong tumayo at dahan-dahan na lumakad. Titignan ko kung ano ang nangyayari. Baka mamaya ay may nakapasok sa bahay ko na masamang tao. Kinuha ko iyong pepper spray sa bag ko at saka lumapit sa may pinto. Idinikit ko ang tainga ko sa pinto para marinig ko ang anumang kaluskos ng sino mang nasa labas.




Napapikit ako at napadasal nang may mga yabag ng paa akong narinig. Mabuti at ni-lock ko itong pinto ng kuwarto. Paano sila nakapasok?! Pero… una sa lahat, kailangan kong makahingi ng tulong o makaalis man lang dito. Sh*t natatakot ako!




Inilang hakbang ko ang cellphone na nasa side table. As much as possible hindi ako gumagawa ng ingay. Pumasok ako sa bathroom at dahan-dahang isinara at ni-lock ang pinto. Abot-abot ang dalangin ko na walang mangyari na masama. Kaagad akong nag dial ng number, Police hotline number 911. Nanginginig ang kamay ko at halos naba-blangko na ang isip ko. Sana matulungan nila ako kaagad. Ilang ring pa ay sumagot na ang sa kabilang linya.




"Hello."  Baritono at malalim ang boses nang sumagot, medyo maingay ang background niya. Loud music?! Ah basta!




"Sir, emergency po. May nakapasok po sa bahay ko. Tulong p---"




"Amar?!"  Nagtaka ako nang banggitin niya ang pangalan ko. Kilala kaagad ako ng pulis?




"Mamang Pulis kailangan ko ng tulong, may nakapasok sa bahay ko..."  Pabulong akong nagsasalita.




"What the hell?! Nasaan ka?!"  Aba! Attitude pa nga itong pulis. Juismio!




"Sir pa-trace na po ang GPS ng phone ko. Baka po nila ako mahanap dito sa tinataguan ko, nasa loob po ako ng CR, dito ako nagtatago."  Ang alam ko naman ay mahahanap ako ng rescue, oh paano ba?! Nawawala na ako sa tamang wisyo. Tumitindi na ang takot ko. Paano ay nakakarinig na talaga ako ng mga paggalaw sa loob ng bahay. Ano bang ginagawa ng mga iyon?!




"O---Alright I'm coming. Hang on. Stay in there ,okay?"  Tumango ako kahit hindi niya nakikita. Tapos ay pinatay ko ang tawag. Umupo ako sa sahig at sumandal sa pinto. Lord, kung magnanakaw sila ay hahayaan ko nang makuha ang gamit. Huwag lang nila akong sasaktan at higit sa lahat ay huwag papatayin. Ayaw ko pang mamatay kahit di na ako virgin!




Ilang sandali din akong tahimik at nakalugmok sa madilim na sulok ng banyo ko. Hanggang sa marinig ko na kinakalampag nila ang pinto ng kuwarto at wari ko ay pinipilit buksan. Oh my God! Please please dumating na po sana ang tutulong sa akin.





Who Do You Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon