Basta Mahalin Ka'y Taguan

54 0 0
                                    

Sa panahong nagtatanong

Ang oras ay tumatakbo

Binabagtas ko'y palayo

Ang Puso ko'y nananaghoy

Iniisip kung sa'n ako

Sa pag-ibig na malaro

O pagkakaibigang sa'yo

'Lam kong tayo'y pinagtagpo

Hinihiling ko ay ikaw

Makasama sa May Kapal

Bakit ba kay ilap-ilap

Ang tunay mong pagsisinta

Nang minsang makasama ka

Ako'y napuyos ng saya

Tinatanong kung bakit ba?

Ako'ng piniling kasama

Litanyang kaibigan lang

Dinildil sa'king isipan

Nahihiya ang damdamin

Unti-unting nagsalamin

Ninais ko pong sambitin

Ang katagang "Mahal kita"

Ngunit ito'y nauwi sa

"Dating ako'y hanga sa'yo"


Pinilit ko pang ikubli

Tunay ko sa'yong pagtingin

Nagpatuloy sa pagbagtas

Didilawing kalupaan

Hanap ang sarili sayo

Ngunit sugat natagpuan

Ang bahid ng nakaraan

Muli nating sinariwa

Naramdaman ang lungkot mo

K'ya piniling mapalapit

Sa'yong mga bisig mahal

Ikinapit ang pagsinta

Kalangita'y nagliwanag

Nagsaya ang bawat isa

Nagpatuloy ang dibdi ko

Sa pagtambol, "mahal kita"

Ayoko mang matapos pa

Sandaling ika'y kasama

Nagpaalam sa kaibigan mo

At tayo'y muling napag-isa

Nag-usap ang mga puso

Hawak kakuntentuhan

Isinadiwang kaibigan lang

At sandali'y nagpapagal

Buong sandaling ikaw lang

Palad natin ay nagkadampian

At sa minutong nalalabi

Ika'y lunduyan ng aking himigan

Masaya ako sa pagkakataon

Kahit hindi nasabi ng tuluyan

Pag-ibig kong takot sayo

Baka mawala kapag naging lantaran.

PASKOng HANapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon