Crisline's Point of ViewMiyerkules na. Kailangan kong tapusin ang ibang test sa PFT ko. Hindi ko 'yon natapos noong nakaraang miyerkules, kasi nga ako yung nagbantay kay Kia sa infirmary.
Mamaya na rin ang alis ng tatlo. Kahapon, don din ako natulog sa bahay ni Vincent at naglaro lang kami ng cards at nagkuwentuhan hanggang sa makatulog kami.
"May changes sa magiging partner niyo ngayon. Para sa iba na nakatapos na, magiging free time niyo na ito."
Narinig ko ang mga natutuwang komento ng mga kaklase ko. Karamihan sa kanila napapa 'yes' ng malakas, halatang natutuwa dahil sa free time na ibinigay ni Miss.
"So the rest na maiiwan, lumapit kayo dito."
Lumapit naman ang iba kabilang na ako. Mga nasa bente na lang kami ang hindi pa na nakakatapos sa test. Patuloy lang na tumatawag si Miss ng mga pangalan namin at napunta na ito sa akin.
"Crisline Dafroze and Celine Quihano"
"Miss?" Nagtatakang tanong ko.
"Ah, oo nga pala. Out of list na si Celine. Eto na lang. Crisline will be partnered by Sandra Aguilar."
Hindi na lang ako umangal pa. Lumapit si Sandra sa akin at tinaasan ako ng kilay. As much as I know, si Sandra ay isa sa mga kaibigan ni Celine. May nalalaman kaya siya kung san nagpunta si Celine?
"San ang paper mo?" Mataray na tanong niya sa akin. Binigay ko naman sa kanya at isinuri niya ito at kinabisado.
"Ang dami mo namang kulang." Reklamo niya sabay balik ng papel ko. Tinalikuran niya ako at nauna nang pumunta sa sa side ng court para kuhanin ang bola ng basketball.
"Wait!" Pagpigil ko sa kanya. Hinarap niya ako at tinaasan ng kilay.
"Wag kang magsayang ng oras! Ang dami mo pang kulang Crisline!" Sigaw niya.
"May itatanong lang sana ako."
Natigilan siya saglit. Lumapit siya sa akin.
"Ano naman ba?" Naiinis na tanong niya.
"May alam ka ba sa pagkawala ni Celine?"
She just smiled at me sarcastically. Parang hindi na siya nagulat sa tanong ko.
"She met with her parents in the city right? Ang sabi niya sakin, don na daw siya papaaralin ng mga magulang niya. Bakit mo naman natanong? Close ba kayo? Hahahaha"
Hindi ko pinansin ang pang-iinsulto niya. Peke akong ngumiti.
"Bakit parang wala lang sa'yo na umalis siya?"
Bigla siyang natawa sa sinabi ko. She even tapped my shoulders and laughed sarcastically.
"Ha ha! True ka naman. Celine was our friend. But not now. Iniwan niya na kami diba? Our friendship is nothing. Isa lang naman siya sa mga barkada ko at wala naman talaga kaming pakialam sa kanya."
I suddenly felt sorry for Celine. Hindi ko alam na ganito pala ang naturing niyang mga kaibigan.
"Ano? May tanong ka pa ba? Kasi kung wala na. Aba! Wag na tayong magsayang ng oras dito!"
Napatango na lang ako sa sinabi ni Sandra. While we were doing some test, hindi mawala sa isip ko ang mga sinabi niya. Hindi matanggap ng sistema ko ang mga dahilan ni Celine.
YOU ARE READING
Sparks of Imagination
FantasyShe is Crisline Dafroze. Her mother is workaholic and her father died at her 7th existence. Her life is a mess. She is living lonely that she learnt to clean her own wounds and heal her own scars without the help of anybody. Not until she discovered...