Prolouge

23 2 0
                                    

This story is just a work of fiction names,place,event,date is just a coincidental this story if just a author's imagination

Disclamer: This story contains MATURE THEMES and STRONG LANGUAGE that are not suitable READ AT YOUR OWN RISK.

*****

"Monieth,anak manguha ka nga ng kangkong duon sa ating likod bahay"sigaw ni mama habang nasa kusina sya dali dali ko namang sinunod para matapos na din sya sa pagluluto dahil nagugutom na din ako.

"Mama ito na po hugas na din po iyan"sabay abot kay mama,tatalikod na sana ako ng bigla syang magsalita...

"Anak di kaba talaga sasama sa akin sa manila?"nakatalikod na banggit ni mama dahil nagluluto siya,di ako nasagot kaya umimik uli siya"Mas maganda magiging kinabukasan mo duon anak,mas magaganda unibersidad duon kesa dito sa atin"dagdag nya pa

"Pag-iisipan ko pa po mama kasi dami ko din pong maiiwang kaibigan dito"ayun lang nasabe ko lumabas na sa bahay

Habang naglalakad ako papuntang tindahan ni alin merna nakita ko si Abie ang matalik na kaibigan ko,simula elementary kame sya na ang naging kaibigan ko pamula ngayong magcocollege na kame...

"Uy Monieth ikaw pala yan"sambit ni abie sabay akbay sa balikat ko"San mo balak mag-college?"tanong niya sa akin

"Gusto ni mama na sa manila"sambit ko ng may bahid na lungkot,napatitig pa muna sakim si abie bago magsalita..

"Huh?Manila?Edi iiwan mo na ako?"may bahid na lungkot sa kanyang tanong at nawala ang pagkakaakbay nya sa akin

"Di pa naman sigurado yun kase di pako napayag kaya wag kang magalala"sambit ko at nginitian siya at sabay bili sa tindahan

Pagkauwi ko naghapunan nako at naligo pag tapos kong maligo nakita ko si mama sa may labas na mukhang malalim ang iniisip..

"Mama mukhang malalim iniisip mo ah"sambit ko sabay yapos sa kanya sa likudan

"Oo anak eh,gusto ko na kasing lumipat tayo sa manila"sambit nya sabay kinalas nya ang pagkakayapos ko sa kanya at iniharap ako sa kanya"Mas maganda magiging kinabukasan mo dun anak at may gusto akong ipakilala sayo duon"sambit nya na agad ko namang ikinagulat kaya napatitig lang ako sa kanya ng matagal...

"Pag-aaral koba talaga ipupunta natin don oh si papa?"sambit ko ng halos mangiyakngiyak na pero wala akong nakuhang sagot kay mama dahil tinalikudan nya na ako pagtapos ng tanong ko

Si papa,si papa na mas pinili kaming iwan at ipagpalit sa nakilala nyang babae sa manila diko alam kung pano sya haharapin kung sakaling pilitan ako ni mama na ipakilala sa kanya diko alam kung san ako kukuha ng lakas ng loob.

Kinabukasan nakita kong nagiimpake na si mama..

"Mama anong ginagawa mo?"i mean alam kong nagiimpake sya pero para saan at bakit?ngayon naba agad aalis papuntang manila?

"Pupunta na akong maynila"sambit nya na akin namang ikinagulat kaya diko napansing ready na din pala yung akin at naimpake na nya

"No mama hinde ako sasama sayo dito lang ako!"sambit ko at agad na inagaw ang aking mga gamit at pinagbabalik iyon sa aking damitan

"Ano ba monieth bat ang tigas ng ulo mo?ngayon mo pa ba ako hinde susundin ha?!"padabog na kinuha nya ang gamit ko at hinala ako paharap sa kanya"Bakit ba ayaw mo na lang sumama sa akin at nagmamatigas kapa ha?!"inis na sigaw sa akin ni mama

"Ayokong makita yung demonyo kong pa-"di kona natuloy ang aking sasabihin ng biglang may dumamping kamay sa aking pisngi

Wala akong sinabe sa kanya pagtapos nya akong sampalin kundi nilayasan ko lang sya rinig kopa habang natakbo ako palayo ang pagtawag nya pero diko pinapansin,dumeretcho agad ako dito sa may puno ng mangga malapit sa ilog kung san kami kadalasang natambay nuong highschool

Nagmunimuni muna ako at nagisip pagkatapos umuwi na din,nakita kong nakaupo si mama sa labas ng aming bahay at mukhang hinahanap ako ng mahigip ako ng kanyang mata dali dali syang tumakbo patungo sa aking direksyon

"Anak sorry sa nagawa ko kanina sorry"umiiyak na sambit nya sa akin"Diko sinasadya yun anak,nabigla lang ako"hagulhol na sabi nya sabay yapos sa akin

"Tama na yan ma,sorry din dahil nasigawan kita"inalis ko sya sa pagkakayakap sa akin"Tulungan na kitang magimpake ma sasama na ako saiyo sa manila"sabay yapos ko sa kanya

                     HAPPY READING :)                


Modern LoveWhere stories live. Discover now