Pasyal
Sivan POV
Isang linggo naden ang lumilipas simula unang araw sa eskwela. Ayun den yung huling kita namen sa tatlong amazonas. Tinitiyak ko na aabutin kame kung sakaling naabutan kame pero salamat at sinalba kame ng may kapal.
Linggo ngayon napagkasunduan ng tropa na pumunta cloud 9 antipolo. Sisinghot lang kame ng sariwang hangin nakakasawa ang manila pollution.
Sobrang lalim ng mga naiisip ko na hindi ko namalayan na tatawag pala si mama! Shit. Sino bang iniisip ko nablablanko ako madalas.
"Arthur kumusta kayo ni Troy?." Malambing na tanong ni mama.
Nasa ibang bansa si Mama. Kahit hindi naman kailangan pero ginusto nya para matustusan kame magkapatid. Pero ayokong pahirapan si mama kaya dumidiskarte ako para sa sarili ng mabawas ang iniisip nya.
"Ayos lang naman po Ma. Kakasimula lang ng klase nung nakaraan linggo at tulad ng dati pinagkaka-guluhan paden ang gwapo mong anak." Natatawa kong sagot
Natatawa si mama "Kahit kelan talaga Sivan di paden nagbabago. Bantayan mong maigi si Troy."
"Kelan kaba babalik Mama? Alam mo naman di mo kailangan magtrabaho jan. Okay lang kahit dito ka basta magkaka-sama tayo." Seryoso kong tugon.
Isang buntong hininga bago magsalita si Mama.
"Sivan uuwe den ako. Wag kang mag alaala at hindi naman ako nahihirapan dito kung yan ang inaalala mo."
Sabagay nag oopisina lang naman si Mama sa Canada. Wala naman akong magagawa kung ayun gusto ni mama.
Inabot den ng halos isang oras ang pag uusap namen. Lage nyang pinapaalala na bantayan ko si Troy biro nya pa baka maging pilyo kagaya ko.
"Sige na Sivan kung may lakad ka ibaba kona. Magpapahinga naden ako. Mahal ko kayo mga anak." Marahan sambit ni mama
Binalik ang telepono sa dati. Nagpasya nakong gisingin si Troy at babakbak pa kame mamaya.
Small type studio apartment ang tinitirhan namen. Pag mamay-ari ni mama. Sa baba sala at playroom namen nandun den ang TV, sofa at dining area sa bandang kitchen naman nandun ang common bathroom namen.
Second floor namen tatlong kwarto isang malaking guestroom kung sakaling mag oovernight ang kaibigan o kaya may meetings kadalasan dito kame nag didiskusyon. Pero madalas lageng iniinuman ni Jerax lasinggero kase amp.
Habang pumapanik andami kong naiisip. Hanggang sa makarating tapat ng pinto. Sarap tulog Troy. Nakangisi may kalokohan ako na naisip.
Mabilis kong kinakatok ang pinto. Mistulang tinatambol.
"Troy! Troy! Bumangon kajan may naghahanap sayo sa baba. Babae kasama yung magulang! Anong kalokohan nanaman ang ginawa mong tukmol ka." Bulabog ko.
Isa... Dalawa... at Tatlo...
Sumabog ang pintuan at lumabas ang gulantang na bubwit sa lungga nya. Sabi na mas madaling mapabangon sa ganto to.
"A-anong babae!? Wa-wala akong ginagawang masama ba kame nagkamali lang ng address." Natatarantang nyang sagot.
Tignan mo nga tong loko nato agang na goodtime.
"Anong wala! Buong pangalan mo alam! Magfifile daw ng kaso sayo ano bang ginawa mo!" Patuloy ko
Hindi na alam ang gagawen. Naluluha na ang kapatid ko at wala ng makapang salita. Hindi ko na napigilan at nagsimula nakong
tumawa ng malakas at nilagay sa tyan ang dalawang kamay."HAHAHAHAHA Goodtime boss Troy!" Pang aasar ko sa kanya.
Nang natanto na pinag-trippan ko lang siya. Bumalik na sa katinuan si bubwit. Padabog nyan sinarado ang pintuan.