MITSA NG PAG-ASA
Isinulat ni: Maria RicaSa unti- unting pagyakap ng takipsilim,
Buong mundo'y nilalamon ng dilim,
Kasabay ng pagkawala ng pandemya sa hawla,
Laksa-laksang angka'y nasindak, nagdusa't lumuha.Sa umaalingawngaw na pagtangis ng karamihan,
Mga kumakandiling frontliners sa kanila'y nagpatahan,
Ninamnam ang haplos ng peligrosong kinalalagyan,
Buong tapang na lumaban, lulunasan ang karamdaman.Umaapaw ang adhikaing pandemya'y magapi,
Sariling kapakana'y sa isipa'y hindi na sumagi,
Frontliners, mga bayaning nagsilbing ilaw,
Upang butil ng pag-asa'y muling matanaw.
Pag-ibig sa Inang Bayan ang namayani sa puso,
Mahigpit na kumapit sa kanilang mga pangako,
Iparating ang kanilang kalinga sa mga tao,
Pawiin ang takot, ibalik ang tunay na kulay ng mundo.
Mga mandirigmang mula sa departamento ng medisina,
Lumalaban sa kontrang hindi nakikita ng mga mata,
Buong bansa'y sa kanila ay sumasaludo,
Sa kanilang hindi pagsuko hanggang dulo.Ang tulang ito ay tumatalakay sa kabayanihan ng mga Frontliners laban sa pandemya, Coronavirus.