Epalogue

6 0 0
                                    

Oras: 8 pm

Lokasyon: ? (Basta sa NCR)

"Pakawalan niyo na ang mga 'yan" Utos ng isang boses lalaki na masasabing mataba dahil sa anino na ginawa ng liwanag ng buwan na pumapalibot sa isang madalim at malawak ng bodega.

"Ilan lahat ang bagong salta, Kaliwa?" tanong ng boses na lalaki sa kasama nitong mapayat at may hawak na batutang lalaki.

"Bale, lima lahat. Dalawang batang babae isang bakla at dalawang matanda." Sagot ng lalaking may alyas na "Kaliwa."

"Puta, may bakla. Maiingay yang mga 'yan e. Sige, busalan mo na sila para makatulong na sila" Utos ng matabang lalaki.

"Sssiggeee. Pero hindi ba muna sila papakainin o papainumin? Anlayo ng byahe nila." Kumunot ang noo at nag-aalangan na tanong ni Kaliwa sa lalaking kausap.

"Tanga!" Sigaw na sagot ng lalaking kausap na sa lakas nito ay nahulog ni Kaliwa ang batutang hawak nito at naging dahilang ng pagtahol ng mga aso na mas lalong kinabad-trip nito.

"Bakit mo sila papakainin?" Tanong ng lalaking mataba at naglakad papalapit sa kausap.

"May pera ka ba?" Dagdag na tanong nito. Sabay tinulak ng malakas ng kausap,

"Wa.wa.wa.la. Gusto ko lang naman makatulong sa kanila e. Paliwanag ni Kaliwa.

"E ayun naman pala e! E kung pinakain mo yang mga 'yan, pano sila magmumukhang patay-gutom kapag namalimos na sila bukas? Tang-ina mo rin e. Hindi ka nag-iisip." Paliwanag ng matabang lalaki.

"Kuya. kasi. ano – baka kasi" Magpapaliwanag pa sana si Kaliwa.

"Putang-ina kasi Nok! Tagal na nateng ginagawa, dapat matic na 'to" Paliwanag nito.

"Tsaka alam mo naman, mag eeleksyon na. Kailangan ni Ama ng pondo" Dagdag pa nito.

"Alam ko naman, kuya." Sagot nito, sabay hawak sa braso ng lalaking tinatawag niyang kuya.

"Kilala mo yung tang-inang un. Satin ibubuntun ang galit nun. Kapag walang perang nalimos tong mga pinagkukuha mo." Paliwanag nito.

"Ang akin lang naman kuya---" Nagsimulang magpaliwanag si Kaliwa.

"Paghingain mo muna sila tapos kapag okay na sila papuntahin na natin sila sa mga pwesto nila" Dagdag na paliwanag ni Kaliwa.

Sandaling tumahimik ang dalawa. Ang kanilang mga bihag ay nasa harapan pa rin nila. Nakaupo't nakabusal at ang bodega ay patuloy pa rin naiilawan ng mga sikat ng buwan.

"Sige. Ganito na lang. Lumapit ka dito." Utos ng matabang lalaki sa kanyang kapatid.

At sumunod si Nok. Lumapit ito sa kanyang kapatid at inilapit ang kanyang tainga sa bibig ng kanyang kapatid at napatungo sa ibinulong ng kanyang kapatid. Pagkatapos , itinuro ni Nok ang batang lalaking bibilugan ang tiyan at may headband na puso sa ulo. Naglakad papunta si Nok sa bata, tinaggalan ng busal at saka pinatayo. Naglakad ulit si Nok pabalik, katabi ng kanyang kapatid.

"Hoy ikaw." Tinawag ng matabang lalaki ang bata. Nilabas nito ang kanyang baril at tsaka itinututok sa batang tinawag.

"Huh? Ako po?" itinuro ng bata ang sarili at tumingin sa kanyang paligid.

"Puta, malamang! Ikaw lang naman nakatayo sa kanila." Sagot ng matabang lalaki.

"Anong pangalan mo? Tanong ni Kaliwa

"Uhmm. Christian po?" Sagot ng batang nakatayo na may malaking tiyan, may headband na puso sa dulo at may suot na putting tshirt ng Powerpuff Girls na bitin na naging kulay lupa dahil sa mga alikabok at dumi na dumikit dito.

"Lalaki ka ba?" Tanong ng kapatid ni Nok.

"Babae po." Sagot ni Christian

"Ay tang-ina haha lilet nga!" Sagot ng kapatid ni Nok sabay tumawa ng malakas.

"Christian po pangalan ko hindi Lilet" Itinama ang bata ang kapatid ni Nok sa kanyang pangalan.

"Alam ko, tae! Hindi ako bingi." Sagot ng matabang lalaki.

"Hoy, Lilet! Sabi ng kapatid ko may pipti pesos ka daw na nakatabi sa bulsa mo ah?" Tanong ng kapatid ni Nok.

Hindi umimik ang bata at sa halip ay umiling ito at hinawakang mabuti ang bulsa ng maikling shorts na suot nito.

"Anong wala? E ba't hawak hawak mo ung bulsa mo?" Tanong ng kapatid ni Nok.

Hindi umimik ang bata.

"Isa! Kapag ako pumunta diyan at may nakuha ako sa bulsa mo, may kutos ka sakin?" Pansisindak ng matabang lalaki.

"Dalawa!" Dagdag nito.

"Tatlo, nako talaga! Kapag ako talaga pumunta diyan! Kototongan kita!" Pambubuyo nito.

"Eto na nga!" Sagot ng bata pagkatapos kunin mula sa bulsa ang fifty pesos na tanging natitira sa kanya at iniabot.

"Tignan mo to. Bibigay ka rin pala!" Sabi nito at lumapit, kinuha ang perang inabot sa kanya. Pagkatapos ay inaabot sa kanyang kapatid.

"O" sabi nito sa kanyang kapatid.

"Kuya, para san?" Tanong ni Nok sa kanyang kapatid.

"Bili ka ng pagkain para sa kanila." Sagot ng kapatid nito.

"Bili ka ng Magicflakes at Sparkle para sa kanila." Dagdag nito.

"Pano kapag Skyflakes lang meron sa tindahan, kuya?" Tanong ni Nok sa kapatid.

"Wag un. Kasi apat dapat hahaha." Tumawa ito ng malakas pagkatapos nito sabihin ang famous line ng commercial nito na napanuod niya sa TV ilang araw makalipas.

Nagkatingan si Nok at si Christian pagkatapos at habang patuloy pa rin tumatawa sa joke niyang siya lang nakakaintindi ang matabang lalaki. Napailing ang kapatid nito at pumunta sa mga bihag nila para isa isang tanggalan ng busal at pagkatapos ay umaalis ito para bumili ng pagkain. 

Habang nakatingin si Christian sa lalaking payat na dahan-dahang nawawala sa kanyang paningin, napaisip siya – sana makabalik agad ito dahil hindi kayang matagalan ang korny at walang kwentang joke ng lalaking mataba na bihag siya at ang ilang kasama.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 05, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kapitan Ganda at si BekiloidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon