Ice's POV
"Ladies and Gentlemen, let's give a warm welcome The Hearts and Aces!!!", sabi 'nung parang announcer sa loob ng Bar.
Saktong-sakto, kakadating lang namin ni Red mula sa banyo. Medyo may kalayuan kasi masyadong malaki itong Bar para sabihing malayo talaga ang banyo mula rito.
Rinig na rinig ang mga hiyawan at palakpakan ng mga tao sa loob, siguro yung iba mga fans na nila dito kasi madalas na silang nagi-gig sa Bar na 'to.
Infairness, bentang-benta talaga yung banda nila dito.
Mula sa backstage, naunang pumasok si Ace na agad dumiretso sa may Keyboard at sinundan naman nina Christian at ibang kabanda nito.
Halatang di mapakali si Ace, parang kinakabahan at namumutla. Tinaas ko ang kaliwang kamay ko at saka kumaway sa kanya sabay sigaw, "Go Bro! Kaya mo yan!".
Agad s'yang tumingin sa akin at binigyan ako ng matatamis n'yang ngiti. Kahit papano, maramdaman n'ya ang supporta ko dito at sana mabawasan ang kanyang pagkaba.
Lumapit si Christian sa microphone stand ang nagsalita, "Uhmmm... Magandang Gabi sa inyong lahat!".
Naghiyawan naman ang mga tao dito sa loob. Pagbati palang 'yan anlakas na ng impact nila, ano pa kaya kung tutugtog sila mamaya.
"Tonight, we have a special performance for someone na close sa isa naming kasama...", sabi ni Christian.
Samu't sari ang naging reaksyon ng mga madla ang naririnig dito.
Jusko! Andaming gutom na gutom sa pagmamahal.
"Ayyyieeeeeee!"
"Sana ol Kuyaaaaaa!"
"Para sa akin yan mga beh! Kunin n'yo na ang panty ko mga bibi koooo!!!, biglang sigaw 'nung isang babae na tumayo pa mismo sa kanilang mesa.
Bigla naman itong binuhat pababa ng isang kasamahan nilang lalaki, boyfriend n'ya siguro.
Ang wild ni ate eh! Kaya ayon napagalitan tuloy.
"At saka ito palang kasamahan namin ang mismo nag-request na kumanta ng awitin namin ngayong gabi, sweet move master!", sabi nito sabay tingin kay Ace.
Naks! Siguro yung bestfriend ko ang kakanta ngayon? Nakakaproud aba!Pero teka, kung s'ya ang kakanta, sinong someone close n'ya ang tinutukoy ni Christian?
May hindi ba s'ya sinasabi sa akin?
Ay hindi! Baka nandito yung bago n'yang jowa, hindi n'ya lang siguro napakilala sa akin. Tatanungin ko na lang s'ya mamaya.
"Palakpakan natin ang charming keyboardist ng The Hearts and Aces... Ace Demiar!", dagdag ni Christian.
YOU ARE READING
My Best Friend's Game
Teenfikce"No one can change a person, but a person can be a reason why people changes." He just laughed. I replied, "You know what's more even funny?" "Haha." Cold replies, what's new? "I have chosen you a thousand times, but f*ck I was nothing for you."...