Gab's POV
"Ma, ate, alis na ako! Bye! Labyu!"
"Mag-iingat ka anak"
sabi ni mama."You behave Gabriella. I swear tatamaan ka talaga sakin"
bulong ni ate sakin.Nakasimangot ko namang kinuha gamit ko at lumabas na ng bahay.
Fine! Magbebehave na ako! Tch!Nakakainis kasi yung Maxspaun Thaddeaus na yun! Pahamak!
Habang naglalakad papuntang BIS, tinext ko si Lea na mauuna na akong umalis. Sinilid ko na ang phone ko sa bulsa at tinuon ang pansin sa daan.
Sumama ang mukha ko nang maalala ko nanaman yung nangyaring insidente nakaraan samin ni Maxspaun habang naglalakad ako.
Nakakainis! Hindi nalang kasi aminin na siya yun! Pwede namang umamin nalang at mag sorry! Edi sana hindi na umaabot sa ganito yung away namin! Nakakaasar! Tatanggapin ko naman yung sorry niya pero ang loko, sobrang taas ng tingin sa sarili! Ang yabang talaga!
*Beep!* *Beep!*
"Ay mayabang!"
napatalon ako sa gulat.Agad kong nilingon at sinamaan ng tingin ang walangya na bumusina sa likuran ko.
Isang pulang kotse ang tumapat sakin at pagbukas ng bintana sa passenger's seat, nakita ko ang malawak na ngiti ni Aki.
"Hi Gab!"
kaway niya.
"Maglalakad ka lang papuntang school?""Hindi. Lilipad"
seryosong sabi ko.Bigla siyang natawa.
"Ang aga-aga ang init ng ulo mo. Hahaha!""Tch. Masama lang ang gising ko"
nakanguso kong sabi."Bakit? Napanaginipan mo si Maxspaun noh? Hahahahaha!"
Tch. Hindi na yun panaginip. Bangungot na yun kung ganun!
"Sige. Kita nalang tayo sa school"
tumalikod na akong kumaway sakaniya."H-hey! Gab wait!"
Lumingon ako sakaniya.
"Bakit?""Sumabay ka na sakin"
"Eh? Hindi na. Maglalakad nalang ako. Malapit lang naman eh"
Taka niya akong tiningnan.
"Malapit?"
Napatingin siya sa daan at tumingin ulit sakin.
"It takes 10 minutes to get to school from here when you take a car. I think you will get to school 20 to 25 minutes kung maglalakad ka lang. Malapit na yun sayo?""Oo, malapit na yun"
Napamaang siya. Napakamot sa ulo.
"P-pero hindi ba nakakapagod yun?""Para sa mga mayayamang katulad mo at sanay na umalis na may dalang sasakyan, nakakapagod talaga"
Bahagya siyang natawa.
"Dali na Gab. May magagalit kapag pinabayaan kitang maglakad ng malayo""Ha? Sino?"
"Yung dahilan ng pagkasama ng gising mo. Hahaha! Tara na. Sakay na kasi"
Tinaasan ko siya ng kilay at napangiwi.
Bawal na ba maglakad?! Huhu. Namimiss ko na kayang maglakad. Pano kasi, lagi akong hatid sundo ni Lea.
Umikot siya sa kotse niya at pinagbuksan ako ng pinto. Sinenyas niya ang ulo niya na sumakay na ako.
BINABASA MO ANG
Never mess with an Enrile-Moon
Fiksi Remajaa Maxspaun Thaddeaus Enrile-Moon story (ON-GOING) He's into Her Fanfiction ^_^ Credits to the owner of He's into Her: miss Maxine Lat Started: May 11, 2020 Ended: Highest ranks: #1- he's into her #1- maxinejiji #55- fanfiction #1-tagsen #435- teen f...