Chapter: 12

29 2 0
                                    

Father's Downfall

Chapter: 12

"Mr. Javier?" 

Napaangat ako saglit nang tingin, at nakita ang isang babaeng sigurado ako na alagad ng batas.

"I'm inspector Azeneth Gutierez." Pakilala niya kay PJ sabay lahad ng palad.

Tumango lang ako at tinanggap ang palad niya.

"May, may balita na ba sa kaso?" 

"Ayun sa Police Report, nabitikma ang pamilya ninyo nang isang Gang, isa sa mga sikat na Gang na talagang kilalang-kilala sa ngayon."

"Anung ibig mong sabihin?" Tanong ko, hindi na kasi ako masyado nakakapanuod ng balita dahil na nga sa sobrang busy ko sa trabaho.

"Ang Gang na ito ay tinatawag nila na "Lunatic" bawat biktimang babae ay may tattoo sa parte ng katawan na sumisimbolo sa isang buwan.  Kaya ko nasabi na biktima ang pamilya mo dahil sa drugs na tinurok nila kay Samantha."

"Ibig sabihin ang mga biktima lahat ay naka-drugs."

"Yes,  overdose sometimes binibigti nila ang biktima." Sagit nito at bumuntong-hininga.

"Mabuti na lamang at nakatawag kaagad si Sam ng mga pulis, kung hindi baka pati si Sam-"

"Please." Putol ko sa sasabihin niya ...

"I understand sir, and my condolece sa pagkawala ng inyong asawa."

Tumango na lamang ako at muling tumingin sa kanya 

"Kilala ko ang nasa likod nito, kilala siya nang anak ko na si Sam. Kaya hangga't maaga gusto ko siya makaharap." 

Si Azeneth naman ang napatitig sa kanya.

~

Halos mga kakilala lang nila ang kasama noong araw nang libing ni Mika.

Napapikit ako lalu nang ibinababa na ang kabaong niya, pakiramdam  ko na pati ako ay nililibing ng mga oras na yun. Isang mahalagang bahagi ng buhay ko ang nawala, ang katuwang ko sa lahat nang bagay. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula kung paano ko haharapin mag-isa ang mga problemang ito.

Nailibing na si Mika, pero wala sa tabi ko si Sam. Hindi na siya sumama para may kasama si Jove sa ICU.

"PJ?" 

"Mauna na kayo Papa." Sagot ko 

Hindi na umimik si Conrad at nauna nang humakbang palayo kaya PJ, nakatingin lang ako sa lapida ni Mika.

Nang biglang bumuhos ang malakas na ulan.

"Sana, sana ako na lang ang namatay. Sana ako na lang nakaramdam ng sakit na dinanas mo." Lumalakas ang patak ng ulan kasabay noon ay ang pag agos ng luha sa aking mga mata.

Nang mawala si Mika, pakiramdam ko na patay na din ako dahil sa mga nangyari. Nanghihinayan ako na hindi ko lang man siya naipagtanggol.

"Ipinapangako ko sayo Mika, pangako na magbabayad silang lahat."

~


"Yes?"  Tanong ni Ely dahil may mga pulis na pumunta sa opisina niya.

"You have a warrant of arrest!" 

"Bakit? Anung ginawa ko?" Tanong niya at nakita niya si PJ,

Hindi ako nakapag-pigil at agad na sinuntok ito, halos sugurin ko pa ngunit pinigilan na ako nang mga pulis.

Father's Downfall (COMPLETED STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon