"Anak umuwi ka ngayon dito mataas pa rin ang lagnat ni Janella." Tumawag ang nanay ni Ariella para maisugod na sa ospital dahil 2 araw na ring pabalik balik ang sakit ni Janella kaya ng hindi na bumaba ay nag panic na ang nanay ni Ariella.
"Ok po nay hintayin nyo ako dyn ihanda nyo mga gamit ni Janella." Natatarantang sagot nya sa tawag ng nanay nya
Narinig naman Ito ni Rajesh na agad nag volunteer na ihatid sya. Hindi na rin sya tumanggi dahil mas mapapabilis sila at isa pa maihahatid pa ang anak nya sa ospital.
Nagpaalam siya sa mga kasamahan at agad na umuwi kasama si Rajesh. Hindi na ipinasama ni Ariella ang nanay nya dahil baka makasama dito dahil sobrang nerbyosa ang nanay nya. Sa ospital napag alaman na dengue ang sakit ng anak. Napa iyak na lang sya sa awa sa anak nya. Ilang test pa at mga kung ano anong inilagay na apparatus sa anak nya. Nasa ward lang sila kaya siksikan ang mga pasyente. Kaya nasa waiting area sila ng ospital.
Laking pasalamat nya kay Rajesh na hindi sya iniwan nito hanggat hindi nagiging ok ang anak nya."Salamat Rajesh, Hindi ko alam Kung anong gagawin ko kung wala Ka"
Sobrang pasasalamat nya sa boss nya na kung iturin nya ay isa ng kaibigan kaya pag nasa labas sila ng opisina ay wala "sir" dahil iyon din ang bilin ni Rajesh sa kanya na tawagin sya sa pangalan nito pag silang dalawa Lang."Ano ka ba wag mong intindihin yun. basta nandito lang ako para sa iyo... Sa inyo Ng anak mo." Sabay hawak sa kamay ni Ariella.
Saktong papa lapit si Juaquim na masama ang tingin sa kanila. Na ikinagulat ni Ariella dahil hindi nya alam kung kanino nito nalaman na nasa ospital sila. Si ate Gen lang, kapatid nya at nanay nya ang nakaalam na nasa ospital sila. Or Baka dumaan Ito sa bahay nila at nai- tsismis ng kapitbahay nila.
"Why you never told me about this. You should have told me anak ko rin ang nasa loob ng ospital na to" sabay hablot sa braso ni Ariella. Lalong nadag-dagan ang galit nya ng makitang may ka holding hands si Ariella, kaya siguro iniiwasan na sya nito. At ipinalalayo sa kanila dahil may bago n Ito.
"Hey hey! what are doing" awat ni Rajesh kay Juaquim ng makita ang pag kakadaklot sa braso ni Ariella.
"I'm the one who's supposed to ask you that. What are you doing here kasama ng mag iina ko." Matapang na sagot kay Rajesh.
"Stop it both of you nakakahiya my mga tao. Juaquim this is Rajesh my boss, Rajesh he is Janella's father pagpapakilala ni Ariella para kumalma ang dalawa.
"First name basis na pala ang uso ngayon sa mga boss di ko ata nabalitaan yan." Patuyang wika ni Juaquim.
"Ariella I think I have to go if you need anything just call me ok. No need for you to come in the office tomorrow the team will understand. And nice meeting you" sabay tingin kay Juaquim ng mata sa mata.
"Ihahatid na kita" Sabi ni Ariella
"Bakit sobrang laki ba ng ospital na to at maliligaw pa yan papuntang parking." Banat naman ni Juaquim sabay pigil sa kamay ni Ariella na kaagad namang nyang inaalis kaso napaka higpit ng pagkakakapit nito sa kamay nya.
"It's ok I can manage I'll call you later ok" Sabi ni Rajesh sabay alis nito.
"Ano bang problema mo binastos mo yung boss ko." Mahina pero may galit na sabi nya kay Juaquim na pilit pa rin inaalis ang kamay.
" Sinong nambastos ako ang tatay ni Janella tapos ako ang huling makakaalam makikita ko ibang Tao pa ang magdadala sa kanya dito sa ospital." Sabay bitaw sa kamay ni Ariella.
"Where is her room I want to see my daughter." Sinamahan na lang nya si Juaquim sa ward at di na sumagot pa dahil ayaw nya ng mag away sila lalo nakakadagdag ng stress sa kanila.
Awang awa si Juaquim sa anak nya agad nyang kinausap ang doctor nito. Gusto ni Juaquim na ilipat Ito sa isang private room kung saan kumportable ang anak nya. Kaya agad agad ay ginawan ng paraan ng mga staff na mailipat si Janella sa isang private room duon kumpleto ang kwarto my TV, mini refrigerator, toilet, at sofa na pwede para sa bisita.
Galing si Ariella sa labas dahil bumili Ito ng hapunan nila tatlong siopao at dalawang softdrink in can baka sakali gusto kumain si Juaquim. Pag pasok nya sa loob ng ward wala na ang anak nya sa loob kaya itinanong nya Ito sa nurse station.
" Ma'am nasa taas na po ang pasyente ipinalipat po ng father nya. Room 4005" sagot ng nurse.
Agad syang pumunta sa nasabing room. Nandun at naka upo si Juaquim sa tabi Ng anak at hawak ang kamay nito. Ibinaba nya ang biniling pagkain sa lamesa at napalingon si Juaquim sa kanya.
"Next time if there is emergencies like this sabihin mo agad sa akin. Paano kung lumala ang kalagayan ni Janella at isa pa Dengue ang sakit nya nakuha nya sa lamok I told you hindi magandang nanatili kayo sa bahay na yun nasa tabi kayo ng estero. Maraming sakit ang makukuha ng bata dun." This time Mahinahon na ang paguusap nila.
"I'm sorry nataranta na rin kse ako kanina kaya di ko nasabi agad sayo." Pag hingi ng paumanhin ni Ariella
Bumuti na rin ang lagay ni Janella pero kailangan pa rin ng marami pang test at gamutan. Mag aalas onse na pero hindi pa rin umuuwi si Juaquim. Kaya sinabihan nya Ito na sya ng bahalang mag alaga Kay Janella pero hindi pumayag si Juaquim gusto nya magbatay hanggang bumuti ang lagay ni Janella.
Nakatulog si Ariella sa sofa marahil ay sa sobrang pagod na rin kinumutan nya ito at hinalikan sa noo. Pero bumalik pa rin ang galit nya dito. Di nya ma-explain sobrang galit nya kanina nung nakita nyang mag kahawak ng kamay si Ariella at yung bumbay na iyon. Di sya papayag na magkaroon ng ibang lalaki bukod sa kanya si Ariella at lalong na ang magkaroon ng ibang kikilalaning tatay si Janella. Kasalanan ito ni Magena kung hindi nya ito sinugod at pinaalis ito sa trabaho hindi sila magkakakilala nung lalaking un at isa pa ok na sila masaya na sila ng mga nakaraang araw pero ngayon nagulo nanaman.
Nagpaalam muna sya kay Ariella na aalis muna dahil aasikasuhing papeles sa opisina babalik agad sya pag katapos.Nasa opisina na sya at pinipirmahan ang mga papers na naka pending para ma review nya ng pumasok si Magena sa opisina nya.
"Are uou trying to avoid me its been a week, wala ka man lang paramdam sa akin." sabay yakap kay Juaquim
"I'm busy Magena please nagmamadali ako" sabay tanggal ng kamay nito na nakapulupot sa kanya
" why because of that gold digger bitch na napulot mo kung saan. Wake up Juaquim ang daming babae dyan na nag kakandarapa sayo kukuha ka lang sa basurahan pa." sigaw nito kay Juaquim
" shut up Magena wala kang alam sa aming dalawa. Kaya pwede ba tigilan mo na sya ... Kame, wala na tayo matagal na alam mong hanggang business partner na lang tyo And thats it" sagot nya kay Magena
" akala mo di ko alam na may anak na yung babae yun at ikaw naman inako mo agad are you crazy ni hindi mo alam kung sayo yun ni wala kang DNA test na ginawa paano kung pineperahan ka lang nya." halos lumabas ang ugat sa litid sa galit.
" that child is my daughter and i dont care kung ako or hindi ang tatay nya mahal ko si Ariella.... There i said it.. I love her and i will marry her. So back off bago pa maubos ang pasensya ko sayo. " padabog na lumabas ng pinto si Juaquim at iniwang tulala si Magena.
Hindi sya titigil hanggang hindi nawawala sa landas nya si Ariella hindi ang tipo nito ang makaka agaw kay Juaquim sa kanya...
"akin ka lang Juaquim mula noon hanggang ngayon you are mine"....
BINABASA MO ANG
my secret lover is Juaquim Montenegro
RomanceThis is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely...