Chapter 12: Remorse

2 1 0
                                    


Crisline's Point of View

"Pa, do you believe in magic?"

I was playing my clay on my hands. Nandito ako sa maliit na garden namin sa labas ng malaking bahay na pag-aari namin. I love playing clays.

"Magic? Hahahaha. I believe, hindi totoo ang magic anak." My father said. Sinusuklayan niya ang buhok ko ng marahan.

"Bakit po don sa TV may magic? May fairies din at sirena. Totoo po 'yon papa." Tumawa siya sa naging sagot ko. I pouted.

"May mga taong biniyayaan ng kakaibang abilidad anak. Hindi iyon isang mahika, kundi isang regalo mula sa langit."

"Talaga? Meron? Anong abilidad po ba? Gaya po ba ni Blossom, Bubbles at Butter cup na nakakalipad?" Tawa ng tawa si papa sa sinabi ko.

"Hindi natin alam anak. Pero baka posible ang sinasabi mo. Pero ito ang tatandaan mo," Napatigil si papa ng pagsusuklay sa buhok ko. Ipinaharap niya ako sa kanya. Ngumiti si papa at ginulo-gulo ang buhok ko.

"Lahat ng taong may abilidad ay hindi perpekto at may kahinaan. Parang tao rin lang sila na nasasaktan at nahihirapan." Hindi ko pinagtuunan ng pansin ang sinabi niya. I giggled when I flattened the snowman I made.

"Gagawin ko ang lahat para mamuhay ka ng normal anak. Mahal na mahal ka ni papa."

---

Hindi ko akalaing iyon na pala ang huling pag-uusap namin ni papa. That night something happend to me tragically. Ang mga sinabi niya sa akin noon, naibaon ko sa limot. Sinabi ko sa sarili ko na walang ganong uri ng tao. Nagbibiro lang si papa at sinasakyan lang niya ang mga imahinasyon ko.

Hindi ko masyadong maalala ang mga nangyari. Ang hindi ko lang malilimutan ay ang tanawin ng isang malaking bahay na nasusunog sa harapan ko. My mom was holding me and crying in front of me. Sinabi niya sa akin na wala na si papa. At mula non, nag-iba na ang trato sa akin ng sarili kong ina.

We moved out. Nagpakalayo si mama at dinala niya ako sa probinsya. Ipinagpatuloy niya ang pagiging guro sa syudad ngunit kapalit naman non ang pag-iisa ko. Naging malungkot ako, pumapasok ako sa skwelahan na umiiyak hanggang sa may isang taong tumanggap sa aking pagkatao at iyon ang unang naging kaibigan ko. Si Celine.

We made a promise together. She said, our friendship will last long forever. Hindi raw niya ako iiwan, kahit na anong mangyari.

But she left me alone, too.

Hindi ko akalaing maging miserable akong tao ulit pagkatapos non. Hindi ko lubos maisip kung bakit iyong mga taong kailangan ko ay iniiwan ako sa huli. They made me feel that I'm worth it but at the end they will make me feel the opposite.

Ang mas masakit pa, iyong taong kilala kong mabait at mapagmahal ay siya palang taong papatay sa itinuring kong bagong kaibigan. Now I realized something. Dapat pala nong una hindi ko na siya kinaibigan pa. She was just a traitor since then. Hindi na dapat ako nagtiwala pa.

Sobrang sakit sa akin. Domoble pa ang sakit na idinulot nito sa pagkamatay ng ama ko. Minsan na akong nawalan ng mahal sa buhay at nawalan na naman ako ulit. Masama ba akong tao para mangyari lahat 'to sa buhay ko? Ano bang nagawa kong kasalanan at nararanasan ko ang ganito?

"Wag mong papabayaan ang sarili mo Cris. Hindi mo pa ginagalaw ang pagkain mo." Sam said. He's now fine. Hindi ko alam kung bakit nagagawa pa niyang maglakad ng normal sa kabila ng sinapit niya. He's immune of pain.

Hindi ko siya sinagot. Nakatitig lang ako sa ceiling ng kwartong ito. Pagod na akong umiyak at wala na akong mailuluha pa. Wala akong naging pakialam sa paligid. Hindi ko nga alam kung san ako ngayon at kung bakit ako nandito.

Sparks of Imagination Where stories live. Discover now