MATAGUMPAY NA PLANO

189 0 0
                                    

GENERAL'S PROVERBS

Nang matapos na ni Pirena ang kanyang mga dapat lagdaan ay nagtungo agad siya sa Lireo upang magawa na ang kanilang plano ng kanyang hadia na si Lira na magtungo sa kaharian ng Etheria upang lansihin ang mga kalaban.

PIRENA:Lira handa ka na ba?

LIRA:Opo Ashti..

Nang walang ano ano ay agad silang nag-ivictus patungong Etheria.

KAHARIAN NG ETHERIA

Pagdating nila sa Kaharian ng Etheria ay naabutan nila sina Ether,Ravana,Agatha at Lucio na nasa punong bulwagan kasalukuyang nakaupo si Agatha at Lucio sa trono habang nakatayo sa gilid ang dalawang Bathaluman pagdating ng dalawang Hara ay agad silang sinugod ng mga Kawal Etherian habang sila Ravana ay nanonood lang sa labanan pagkatapos ng ilang sandali ay pinatigil din ni Lucio ang kanyang mga alagad.

LUCIO:Tigil!,magaling mga diwata natutuwa ako sa inyong munting palabas.(Sarkastikong sabi ng Rama ng Niyebe)

AGATHA:Hindi lang ikaw ang natutuwa Mahal kong Rama pati ako din tama nga si Bathalumang Ravana na kayo mismo ang lalapit dito.

ETHER:Batid ko ang inyong sadya nandirito kayo para makipagkasundo.

LIRA:Oo nandito kami upang makipagkasundo sa inyo nang saganon ay wala ng magbubuwis ng buhay sa aming hanay.

RAVANA:Batid niyo naman na ang hihilingin namin ay kami ang mamumuno sa buong Encantadia,kaya niyo bang ibigay iyon?

PIRENA:Kung ganon man ay kailangan namin ng sapat na panahon hindi namin basta basta ibibigay nalang sa inyo ang pamumuno sa buong Encantadia.

AGATHA:Alam ko na ang lumang istilo niyong iyan mga diwata humihingi lang kayo ng sapat na panahon upang makakagawa ng plano o kaya lansihin kami,batid niyo naman na hindi ako deyande malalaman at malalaman ko rin kung ano ang pinaplano niyo!

LIRA:Bakit naman namin kayo lalansihin batid niyo rin naman na mahina na ang aming pwersa,kung gagawin kaming plano ay natitiyak kong hindi kami magtatagumpay pagkat hindi namin kakayanin ang inyong bilang!

LUCIO:Anong patunay niyo na hindi niyo nga kami nililinlang?!

PIRENA:Bigyan niyo kami ng tatlong araw para pag-usapan namin ito ng mga ibang pinuno at titiyakin ko na ang aming pasya ni Lira ang masusunod.

ETHER:Patibong na naman ba iyan Hara Pirena kagaya ng ginawa mo kay Hagorn dati para lang mabawi sila Mira at Lira?

PIRENA:Wala na kaming rason para gumawa ng anong hakbang laban sa inyo,bakit niyo naman naisip na gumagawa lang kami ng patibong ni Lira?!

LIRA:Tama si Ashti Pirena wala na kaming rason para gumawa ng patibong,sa katunayan ay hindi alam ng iba naming mga kadugo na nakipagkasundo kami sa inyo!

RAVANA:Siguraduhin niyo lang na hindi niyo kami niloloko,kapag malalaman namin na kami ay niloloko niyo ay meron iyong katumbas na kaparusahan kikitlin namin ang mga buhay ng inyong nasasakupan at titiyakin namin na kayo ang masisisi!

PIRENA:Naunawaan namin,meron din kaming hihilingin sa inyo habang pinag-usapan pa namin ang inyong hinihiling hindi niyo kami sasalakayin hangga't hindi pa kami makabuo ng pasya kung sasalakayin niyo kami ay magdedeklara kami ng digmaan at hindi niyo makukuha ang inyong kahilingan!

LUCIO:HAHAHAHA!nagpapatawa ka ba Pirena?At sa tingin mo ba ay matatagumpay kayo kung magdeklara kayo ng digmaan.

PIRENA:Mukha ba akong nagpapatawa Rama?Huwag muna kayong maging kampante na magtagumpay ang inyong hanay kung magkakaroon man ng digmaan pagkat hindi pa natin alam ang magaganap.

ENCANTADIA BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(IKALAWANG LIBRO) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon