Christmas Eve.
Halos mapuno ang lamesa namin sa handa. Hindi naman ako informed na magpapakain si mama ng isang baranggay sa dami ng niluto nya, sabagay pang-isang linggong pagkain namin to. Tamang init init lang. Nakakaloka dahil may spaghetti na, may carbonara pa. May fried chicken na, may inasal pa. May mango float na, may ice cream pa. Nakakaloka. Kotang kota ang bituka ko ngayon sa dami ng handa namin.
Katatapos lang ng mass for christmas eve. Naglalakad na kami pauwi since walking distance lang naman ang simbahan dito sa amin. Feel na feel mo talaga ang spirit of christmas ngayon. Mga christmas lights na nagkikiningan sa iba't ibang kulay at nakadesign sa labas ng bahay, may nagvivideoke, mailaw ang paligid, may mga last minute karoling, at syempre hindi naman mawawala ang mga magkakapitbahay na nagbabatian ng merry christmas. Nakangiti pa ako habang naglalakad, wala natutuwa lang ako sa ganitong atmosphere. Lahat ng tao masaya, sana ganito na lang lagi ano?
Pagkarating sa bahay, agad namang nilabas ni mama ang mga handa, syempre tumulong ako. Sinet-up ni papa ang videoke, habang si ate naman ay pinailaw ang christmas tree namin, si Santino naman ay binibilang ang nakuha nyang pamasko.
Ininit pa namin ang mga handa, isang oras na lang bago mag-12am. Naririndi ako sa boses ni mama sa videoke dahil feel na feel nya mag-ala Mariah Carey kaya umakyat muna ako sa kwarto ko para tawagan si Neo. Pagkasara ko ng pinto ay dinial ko na ang number nya. Nakailang ring pa ito bago nya sagutin.
"Po?" sabi nya sa kabilang linya.
"Ang galang naman. Merry christmas!" sagot ko.
"Merry christmas din! Pamasko ko?" sya.
"Sa pasukan hehe! Papamaskuhan kita ng pagmamahal!" natutop ko pa ang bibig sa sinabi! Narinig ko naman ang pagtawa nya sa kabilang linya.
"Aasahan ko yan ah." sagot nya.
"Ano handa nyo?" tanong ko pa.
"Marami hehe. Andito sila tita norma eh. Nagvivideoke sila ni mommy kaya andito ako sa taas kasama tong makulit kong pinsan. Bochog wag nga makulit!" narinig ko pang saway nya, katabi nya ata yung pinsan nya. "Ang kulit nitong pinsan ko, 6 years old palang kasi, kaya aashsjsjkksh-" hindi ko na naintinidihan ang sinabi nya dahil parang may umagaw sa cellphone nya. Narinig ko pa ang boses ni Neo. "Ibalik mo yan!"
"Hoy Neo! Anjan ka pa?"
"Hellow?!" boses ng bata ang narinig ko. "Rawr rawr rawr rawr!" gusto kong matawa dahil sa pinagsasabi nito.
"Raaaaaawrrr!!" malakas na sabi ko.
"Kuyaaaa!!" umiyak naman ang bata sa kabilang linya! Natakot ata. Halaaa.
"Hello Sab? Ano sabi mo dito? Bat biglang umiyak?" boses na ni Neo ang narinig ko.
"Wala! Nag-rawr lang ako." sagot ko pa.
"Kuyaaa! Wag mo kausapin yan! Chanak yan!" dinig ko pang iyak nung pinsan nya. Naknampota? Chanak daw?
"Wag mo na agawin yung cellphone ko! Chanak tong kausap ko, kukunin ka nito sige ka." dinig ko pang pananakot ni Neo sa pinsan nya.
"Leche ka. Ginawa mo pa akong chanak hayup." natatawang sagot ko.
"Para di na manggulo. Ano handa nyo? Penge ako." sabi nya pa.
"Madami kaming handa eh. Magpapakain ata si mama ng isang baranggay. Well pang-isang linggo naman na namin yon charot." sagot ko pa.
"Gusto kita makita." sabi nya. Napangiti ako.
"Ako rin. Sobrang miss na kita." sagot ko naman. "Pagkatapos ng pasko, punta ulit ako jan."
-------------------

BINABASA MO ANG
Someday, We Will Be: 1
RomanceDalawa lang yan: Someday, we will be happy, we're together, and we're living our lives to the fullest. O di kaya, Someday, we will be happy for the both of us because we're both already with someone else, and we're living our lives to the fullest.