Prolouge

15 6 0
                                    

Bilog ang buwan ngayong gabi at ang mga bituin ay nagkalat sa langit. Malakas ang ihip ng hangin at ako'y binabalot ng lamig.  Habang naglalakad ay biglang bumuhos ang ulan.

"Bakit ngayon pa naman umulan?" aking sambit.

Ako ay dali daling tumakbo at sumilong sa labas ng simbahan. Ako ay nanahimik at pinagmasdan ang kagandahan ng kalangitan.

" Ang ulap at ang buwan pati ang mga bituin na nagkalat sa kalangitan"

"Tila ba ako'y inyong pinaglalaruan, Pinaglalaruan ang aking kapalaran"

Aking binigkas na parang isang makata.
Ako ay nagulat at nabigla ng marinig ang mga salitang.

"Ngunit hindi ba sila mukhang masaya? Tila nais nilang tulungan ka?"

"Dahil kung hindi umulan, Hindi tayo muling magkikita Samantha Jianne"

Ito ay ang mga salita na nag alis ng ginaw na aking nararamdaman. Ang boses nya ay malumanay at malalim. Ito ang boses na hindi ko makakalimutan. Ang boses na nagbigay kulay sa minsan kong malungkot na buhay.

Biglang bumalik lahat ng mga ala-ala . Ang mga ala-alang kami'y magkasama at masaya. Di ko maipaliwanag ang aking nadarama at ako'y natataranta.

Bakit bakit ngayon ka lang? Kamusta ka na? Meron ka na bang iba? Ito ang ilan sa mga tanong na tumatakbo sa aking isipan. Ngunit hindi ko maisambit.

Di ko mapigilang tumulo ang luha sa aking mga mata. Ang nag iisang lalaking minahal ko ay nasa harapan ko na. Ngunit bakit wala akong magawa.

Bakit di ako makapag salita? Patuloy lamang na tumutulo ang aking luha.
Wala akong ibang nagawa kundi ang tumakbo, tumakbo papalayo sayo.

At habang tumatakbo papalayo ay lumingon ako sa iyo. Umaasang ako ay hahabulin mo. Umaasang hahawakan mong muli ang mga kamay ko.

Ako'y nakalayo na nga sa iyo. Basang basa ang buong katawan ko. Ngunit hindi ko ramdam ang ginaw. Hindi ko ramdam ang pagod sa pagtakbo. Ang tanging nadarama ko ay ang lungkot mula noong iwan mo.

Ngunit di kita masisisi. Dahil di naman ikaw ang pinili ko noon. Kaya bakit hahabulin mo ako ngayon? Ako ang dahilan ng iyong pag alis.

Kaya bakit ang pagbalik sa akin ay iyong nanaisin? Alam kong nasaktan kita ngunit nais kong piliin mo ako noon sinta.

Lumuluha kang nagpasya lumuhod ka pa para mag makaawa sakin di ba? Ngunit  hindi kita pinakinggan. Lalo lang kitang pinahirapan.

Kaya ngayon aking naiintindihan na wala akong karapatan. Na harapin ka at kausapin ka. Kahit pa sabihin kong mahal na mahal kita.

Hindi ito sasapat para patunayan na mahal kita. At hindi ito sasapat para mapatawad sa lahat ng aking nagawa sa iyo.

Ako'y lumuhod sa gitna ng ulan. Umiiyak at unti unting binabalot lamig. Pinagsisihan ang ginawa ko sa iyo. Pinag sisihan kung bakit ang tanga tanga ko.

Habang umiiyak ay naiisip ko kung pano nawala ang ngiti sa labi mo. Nung mga panahong lumisan ako sa piling mo.

Sising sisi ako sa lahat ng ginawa ko.

Laking gulat ko ng ang lamig ay unti unting nawawala. Ang ginaw na nararamdaman ko ay naglahong bigla.

Ako'y niyakap mo at naramdaman ko ang pagmamahal na kasama nito. Ika'y ngumiti at naluha ako. Ngunit hindi dahil malungkot bagkus dahil masaya. Dahil naibalik mo ang ngiti sa labi mo na nagkulay sa aking mundo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 06, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One in Ten ThousandWhere stories live. Discover now