Ikadalawampu't pitong Pahina

33.9K 795 96
                                    

IKADALAWAMPU'T PITONG PAHINA

Ilang araw na ang lumilipas ng puntahan nila ako sa bahay na tinutuluyan ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na nahanap na nila ako. Napapalatak ako. Iba nga naman talaga kapag may pera ka, nagagawa mo lahat ng mga gusto mo.

Kahit ganoon ay hindi pa rin mawala-wala sa isip ko ang mga katagang binitawan nila bago tuluyang nilisan ang maliit na barangay kung nasaan ako.

"We need to make sure that you are safe, so they can function well. Paniguradong magwawala ang mga 'yun kapag may nangyari sa'yo. They're like a time bomb ever since you left them."

Napabuntong hininga na lang ako at pilit na inaalis ang mga napag-usapan namin dahil nase-stress ako! Hindi dapat ma-stress ang tulad kong jontis at diyosa ahe.

Nag-isip na lang ako ng mga masasayang alaala na mayroon ako. Ilang sandali pa lang ay naramdaman ko na, na nawala ang lungkot at panghihinayang na bumabalot sa pagkatao ko.

"Mame.." May bulinggit na nangangalabit sa akin kaya napatingin ako sa kanya.

"Ano 'yun, bebe?"

Lumabi siya at tumabi sa akin. "Iiwan mo na po kami?"

Napakunot naman ako ng noo. "Bakit mo naisip 'yun, Saab?"

"'Yung mga lalaki pong pumunta sa bahay ilang araw na ang nakakalipas, sundo mo po sila diba?" Nangingilid na ang luha ng panganay at heart ko. May mainit na humaplos sa puso ko. "Iiwan mo na ako, Mame. Sama mo na lang ako sa'yo.."

Oh, my Saab. Hinaplos ko ang ulo niya at pinahid ang mga luhang nasa pisngi niya. "Bebe, huwag kang mag-isip ng ganoon. Hindi ko naman kayo iiwan. Dito lang ako parati." Ngumiti ako sa kanya and hug him.

Ilang minuto rin kaming ganoon ng mapansin ng mga bata at sabay sabay silang tumakbo papunta sa direksyon namin.

"Sali kamiiii, Ate Ienne!"

Natatawa kong binuksan ang mga braso ko. Dahan-dahan silang yumakap sa akin. Siniguro nila na makakahinga si baby sa yakap na ibinibigay nila.

Ilang sandali pa ay tinawag na sila ni Sister para pumasok. Hinayaan ko lang sila at nanatili ako sa pwesto ko. Ipinikit ko ang mga mata ko. Hanggang ngayon ay iniisip ko kung totoo ba o hindi ang mga sinabi nila sa akin. Kinapa ko ang nararamdaman ko sa puso. Napag-isipan ko na bibigyan ko sila ng pagkakataon at sila naman ang paniniwalaan ko. Hindi ako magtatanong at maghihintay na lang sa kanilang pagbabalik.

Na-realize ko lahat ng mga mali ko sa nakalipas na buwan. I was too blinded of too much doubt in them. Hindi ko kasi sila kilala ng lubusan kaya madaling masira ang paniniwala na mayroon ako. I also realize na, we started our story in the wrong foot.

Tumayo na ako at pumasok sa loob. Ramdam na ramdam ko na kasi ang tirik ng araw sa balat ko. Pumasok ako sa loob at nakita ko na tinuturuang magsulat at magbasa nina Sister Mary at Sister Claire ang mga bata.

Napangiti ako dahil sobrang engrossed na engrossed ng mga bata sa pakikinig kina Sister. Ni hindi na nga nila ako napansin kaya hinayaan ko na lang sila. Dahan-dahan akong umalis sa pwesto ko at pumunta sa kwarto.

Inayos ko ang mga damit na pinamili namin noong isang araw para sa anak ko. Pati ang mga laruan niya ay inayos ko na rin. Pinalipas ko ang oras sa pag-aayos ng gamit ng anak ko, simula sa damit, lampin, bote at kung ano-ano pa.

Napangiti ako ng matapos ako sa pag-aayos. Tinignan ko ang buong kwarto ko dahil dito ko naisip na palakihin ang bebe boy ko. Habang inaayos pa ang gulo ay mananatili ako dito dahil mas sigurado ang kaligtasan ko.

Nang ma-satisfy ako sa hitsura ng buong kwarto ko at ng anak ko ay lumabas na ako. Pumunta ako sa kusina at sinaluhan ang mga bata sa pagkain. Nakipagkulitan pa ako sa kanila bago sila matulog at maghanda para sa simba mamayang hapon.

PMS 1: Tyron and Tyler Monteverde (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon