Father's Downfall
Chapter: 13
"Ely!"
"Papa!" Halos salubungin niya ito nang makitang dinalaw siya nang kanyang ama.
"What happened?"
"Hindi ko po alam, basta na lamang na pinagbintangan kami ng mga kaibigan ko. Then eto, pumatay daw kami at nang rape." Paliwanag niya
Lumingon naman si Judge Tomas Shu sa lawyer na katabi niya.
"Can you tell me exactly ang kaso na ipinatong kay Ely?"
"Drug possesion and murder po ang ikinaso sa kanya."
Lumingon muli siya kay Ely.
"It's only a false Pa, you know me na puro trabaho lang ako. At kung magkakaroon man kami nang bonding ay yung manunuod lang kami nang GIG " paliwanag niya
"May mga matibay ba na ebidensya?"
"Yung babaeng biktima po ang testigo at kayang patunayan na si Ely ang pinaka mastermind ng lahat "
Huminga ito nang malalim at lumingon muli kay Ely.
"Gagawan ko muna nang paraan ngayon para makalabas ka." Sagot nito at tumalikod.
Lihim naman na ngumiti si Ely sa nadinig mula sa ama.
~
"Anu?" Halos mapatayo ako sa sinabing balita sa akin ni Azeneth, hindi ako makapaniwala na napalaya sila Ely.
"Alam ba nang ama niya ang pinag gagawa ng kanyang anak!" Halos tumaas ang tono ko sa sobrang galit.
"Napawalang sala sila dahil wala masyadong matibay na ebidensya. May nagpapatunay na nasa isa silang bar nang gabing maganap ang insidente."
"Hindi totoo yan!" Sabat ni Sam,
"Pinasok nila ang bahay namin, tila kinabisado nila dahil alam nila kung saan ang kwarto ko!"
"Apo." Humarap na din si Conrad
"Kakausapin namin ang ama ni Ely, alam ko na judge siya pero mas malaki ang laban namin sa ngayon."
Tumango si Azeneth.
~
"Okay, salamat!"
"Judge, may bisita po kayo."
Agad naman na pumasok ako kasama si Papa at si Inspector Azeneth. Hindi ko na sinama si Sam dahil walang magbabantay kay Jove.
Napatayo si Tomas, nakilala na niya ang mga ito sa picture. Kaya hindi na bago sa kanya ang lahat.
"Nagpunta ba kayo dito para lamang makiusap?"
Tumindig ako sa harapan nang kanyang table, lalaki sa lalaki, ama sa ama.
"Hindi ako makikiusap sayo dahil alam ko na magiging bulag at bingi ka sa mga sasabihin ko. Ama ka din at naging asawa ka, baliktarin natin ang sitwasyon alam ko na ganito din ang gagawin mo."
"Wala kang matibay na ebidensya Mr. JAVIER."
"Alam kong wala ,pero alam ng anak mo ang ginawa niya sa pamilya ko. Lalung-lalu sa anak ko."
"Kung nagkasala man si Ely, malalagot siya sa batas. Pero madami ang nakapag patunay na nasa isang Restobar sila nang gabi na mangyari ang insidente sa pamilya mo."

BINABASA MO ANG
Father's Downfall (COMPLETED STORY)
General FictionFather' s Downfall Prologue: Naging masaya at makulay ang buhay ni Pj lalu nang makasal at magka anak muli sila ni Mika. Ang kumpleto at masayang pamilya ay biglang mapapalitan na lungkot at sakit sa puso at damdamin niya. Paano nga ba niya malalag...