Chapter 24

5.3K 271 28
                                    

Five years later...


"Oh Sab, Marilyn Monroe ka daw ngayon sabi ni Mamu!" sigaw ni Julie sa kanya pagpasok niya ng dressing room. Binato din nito sa kanya ang costume niya ngayong gabi. Isang white cocktail dress na halter-like bodice at may plunging neckline. Katulad na katulad iyon ng sinoot ni Marilyn Monroe sa pelikula nito. Friday kasi ngayon at maraming parokyano kapag ganitong araw sa bar na pinagtatrabahuhan niya.

Tuwing byernes obligado silang mag-costume. Pakulo iyon ng bagong manager nila sa bar - panghatak daw ng mga costumer.

Nagbihis na lang siya at nagsimulang magmake up. Nag-search muna siya sa cellphone niya ng picgure ni Manrilyn Monroe saka niya ginaya ang pagkaka-make up nito. Sa paglipas ng panahon napag-alaman niya na may talent pala siya sa pagma-make up. Kumuha siya ng cosmetology sa tesda at nakapagtrabaho sa mga saloon hanggang sa naging on call make up artist siya ng magsara ang salon na pinapasukan niya noon, kaya siya nag-apply dito sa bar.

Napangiti siya nang makita ang ayos niya. Kinuha niya ang itim na eyeliner saka naglagay ng pekeng nunal kagaya ng kay Marilyn Monroe saka sinuot ang maikli na blonde peluka.

"Ay pak, pa-authograph naman girl! So pretty! Sana all pinagpala!"

Puri sa kanya ni Julie. Nakaayos na rin ito at si Angelina Jolie naman ang ginagaya nito. Maganda si Julie at maganda ang hubog katawan. Maraming parokyano ang tumatable dito kaya naman ang laki ng kinikita nito gabi-gabi.

Minsan na rin siyang napa-table ng kinailangan niya ng pera pero hindi na siya umulit nadala siya ng hipuan siya ng costumer. Muntik pa siyang matanggal dahil hinampas niya ng tray ang ulo ng costumer na nanghipo sa kanya. Buti na lang napakiusapan niya ang manager nila.

Lumabas na sila at nagsimulang magtrabaho. Halos mapuno na ang bar at mga vip rooms sa dami ng tao ngayon. Maingay ang loob ng bar at mausok. May bandang tumutugtog sa stage at ilang dancer na nagsasayaw.

"Sab!" Napalingon siya kay Mamu na kumakaway sa kanya.

Si Mamu ang floor manager nila. Na sa late forties na ito pero mas batang tignan. Isa itong transgender.

"Bakit po?"

"Baka gusto mong tumable sa VIP, kulang kasi tayo sa tao ngayon. Pero 'wag kang mag-alala, mga professional ang mga nando'n at hindi bastos," anito.

Napasimangot siya. "Ganyan din ang sinabi mo sa akin dati pero nabastos pa rin ako," angal niya dito.

Napangiwi naman ito. "Mga young professionals ang mga na sa taas, mga may pinag-aralan. Saka maawa ka naman sa akin yung isa do'n anak ng kaibigan ng may-ari ng club. Malilintikan ako pag nagsumbong yo'n!"

"Tss. Sila Julie na lang."

Napatirik ang mga mata into. "Andun na sila, kulang nga e, kaya pinakikiusapan kita. Sige na, kahit two days kang mag-off next week."

Napabuntong-hininga siya. Pagkuwan ay pumayag na rin. Wala naman siyang magagawa dahil paniguradong kululitin lang siya nito hanggang sa pumayag siya. Umakyat siya sa second floor kung nasaan ang mga VIP na KTV rooms. May apat na mga lalaki doon at pulos magagandang lalaki. Lahat ay may kapareha. Nangunot ang noo niya dahil mukhang hindi naman na siya kailangan sa loob.

"Excuse me..." ani ng baritonong tinig sa likuran niya. Tumama pa sa batok niya ang mainit na hininga nito.

"Ayan na ata ang chicks mo, Gab!" ani ng lalaking katabi ni Julie.

Para naman siyang naparalisa sa pagkakatayo. May kilabot na gumapang sa katawan niya lalo na ng maramdaman niya ang pamilyar na mga bisig na humapit sa baywang niya at giniya siya papasok.

Iginiya siya nito sa bakanteng sofa at pakandong na iniupo. Nagkaharap ang mga mukha nila at para siyang binuhusan ng malamig na tubig ng tuluyang mabistahan ang mukha ng lalaking kumandong sa kanya.

Si Gabin!

Nakatingin din ito sa kanya. Pero wala siyang nakikitang rekognisyon sa mga mapupungay nitong mata, langhap niya ang amoy ng alak sa bibig nito. "What is your name, sweetheart?" tanong nito na napasinok pa.

Napalunok siya at hindi makasagot. Hindi niya alam kung paano mag-react ngayong kaharap niya na itong muli. Sa loob ng limang taong nakalipas lagi niyang ini-imagine ang muling pagkikita nila, at kung ano ang mga nais niyang sabihin dito. Pero ngayong laharap niya na ito wala siyang maapuhap na salita. Nanatili siyang nakatitig dito.

"I'm Gabin, Gabino Melchor," nakangiting pakilala nito sa kanya.

Alam ko... Alam na alam ko kung sino ka. - Bulong niya sa sarili.

Kusang gumalaw ang mga kamay niya at pumulupot sa leeg nito.

"I'm... Marilyn."

"Monroe?" nakangiting anito.

Parang gusto niyang umiyak. Kung panaginip man na nasa harapan niya si Gabin ngayon, ayaw na niyang magising.

"Obviously," iiling-iling na anito. "You really look like... her," anito pero may kung anong sakit na dumaan sa mga mata nito. Pero agad din nito iyong pinalis. Iniupo siya nito ng ayos sa tabi nito at parang gusto niyang manghinayang. Gusto niya pa itong yakapin.

Nakatitig lamang siya dito habang nakikipagkwentuhan ito sa mga kasama. Parang walang nagbago dito maliban na lang sa mga mamahaling kasuotan nito. Bigla siyang nanliit. Mukhang hindi siya nito nakikilala. Sabagay sa kapal ng make-up niya at sa wig na suot niya, idagdag pa na mukhang lasing na ito. Hindi nga siguro siya nito agad makikilala.

Pero gusto niya bang makilala siya nito na nasa ganitong ayos at lugar? Anong mukhang ihaharap niya dito kung sakaling nakilala siya nito ngayon?

"Kamusta na pala ang paghahanap mo sa ex-girlfriend mo?" tanong ng lalaking katabi ni Julie.

Bigla siyang nanigas sa kinauupuan. Siya ba ang tinutukoy ng mga ito?

Tumungga muna si Gab bago nagkibit-balikat.

"Alam mo kung ako sa'yo mag-moved-on ka na lang. Patusin mo na si Millet, 'tol!" ani pa ng lalaki na lihim niyang tinignan ng masama. Ngani-nganing pasakan niya ang bibig nito. "Intelligent, fricking hot and - oh fuck!" Napatayo ito ng pasimple niyang tapunan ito ng alak.

Bad influence pala ang mga kaibigan ni Gabin. Naramdaman niyang hinapit siya ni Gabin sa baywang. Tumingala siya dito. Napasinghap siya ng ilapit nito ang bibig sa tenga niya.

"Bad girl... " bulong nito na bahagya pang hinalikan ang leeg niya.

The Crazy Tease (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon