Warning: Language
"Ang landi mo!"
"Kabit!"
"Lumayas kana dito sa pamamahay ko!"
Pagkababa ko palang ng tricycle sa tapat ng bahay namin ayan na agad ang narinig ko. Matagal ko nang alam na may iba si Mommy pero takot lang akong aminin kay Daddy.
Takot akong mawala kami. Takot akong masira ang pamilya namin na akala ko perpekto.
Ngunit eto ako nagmamadali na pumasok sa bahay para malaman kung anong nangyari na sa aking magulang.
"Ang kapal ng mukha mo na bumalik pa dito pagkatapos kong makita kitang bumaba at halikan ka nung lalaking yun sa kotse nya!" galit na galit na sabi ni Daddy. "Mayaman pa ang nabingwit ng nanay nyo!"
"Mommy, totoo ba talaga 'tong sinasabi ni daddy?" tanong ni Caily kay mommy. Mas nakaka bata sakin siya ng isang taon.
"Hindi anak, nag sisinungaling lang yang tatay nyo!" sabi ni Mommy sabay turo kay Daddy.
"Huwag ka ng magsalita pa at lumayas kana dito! Kaya kong buhayin ang mga anak natin kahit wala ka! Kalandian lang naman alam mo!" sigaw ulit ni Daddy sabay tulak palabas kay mommy. Nilagay ko ang school bag ko sa gilid at agad na niyakap si Caily habang pinapalayas ni Daddy si Mommy.
"Caily, tumahan kana. Naandito naman si Daddy para sa atin" naiiyak na pagtatahan ko sa aking kapatid ngunit kailangan kong lakasan ang loob ko.
"A-ate, ibig sabihin ba no'n hindi na tayo kumpleto? H-hindi na tayo babalikan ni Mommy?" bumitaw sya sa pag kakayakap sakin at tinignan ako nag namumugto nyang mata.
"Hindi ko alam, Cai. Basta ang sigurado ko lang, tayo ang hindi magkakahiwalay. Naandito lang lagi ako para sayo- satin, satin nila Daddy" naka ngiti kong sabi sa kanya at niyakap ko ulit sya.
Pumasok na ulit si Daddy ng umiiyak at agad kaming niyakap.
"Cali,Cai, mahal na mahal ko kayo mga anak ko. " bulong ni Daddy habang yakap nya kami.
"Kami din, Dad. Mahal na mahal ka namin" tingila ko kay Dad.
Isang taon na din ang nakaraan nung nangyari yung pag alis ni Mommy. Nung taon na yun 12 years old palang ako at 11 years old palang si Caily.
Mag ha-high school na ako in three weeks at ngayon palang namin nalaman na nakapasa ako bilang scholar sa isang pribadong paaralan. Ngayon 13 na ako at si Caily ay kaka 12 lang.
Naandito kami ngayon sa Divisoria para mamila ng kailangan namin ni Caily. Kasama namin si Tita Jolie, dahil may trabaho si Daddy bilang Callcenter agent.
Team Leader dun si Daddy kaya sakto para sa pang araw-araw namin ang sinesweldo nya. Trenta mil ang nasasahod ni Daddy at puro overtime pa yun. Kaya minsan umuuwi sya ng masakit ang ulo.
"Mga hija, ito dito maganda ang bag. Marami pang lagayan." tawag pansin samin ni Tita dahil naandito kami ngayon sa isang shopping mall dito sa DiVi.
"Hwag nyo na po ako bilhan Tita, si Ate Calixta nalang po. Tutal nakakuha naman sya ng scholar" proud na sabi ni Caily.
"Hindi huwag na, maayos pa naman yung bag ko dati. Hindi porket bagong school, bagong bag na" tanggi ko at namili ulit ng ballpens at notebooks.
"Sige na, Calixta, hija, bilhin na natin itong bag na ito dahil deserving mo naman" panghihikayat pa ulit ni Tita.
"Oo nga ate, 'wag ka ng manghinyang. Kung iniisip mo na baka mag tampo ako, don't worry hindi ako magtatampo. Next year pa naman ako dapat mag pabili kapag nakakuha din ako ng scholarship dyan sa school nyo." Panghihikayat naman ni Caily.
BINABASA MO ANG
To Utopia with You
RomanceBeen friends since high school until they need to seperate because of what? Family? ...common Financialy?...common School?....maybe Love?....maybeeee