(P) ATAY

95 0 0
                                    

Hingal na hingal na naman sa paghahabol si Mang Tomas, tila gusto na ng

kanyang katawan na mag-retiro. Sa nakalipas na halos apatnapu’t limang taon,

hindi na maikakailang beterano siya sa pangangaso at pangangahoy sa

kanilang baryo. Kahit walang patibong na gamit ay nakabibilib na hindi pa rin

kumukupas ang mano-mano niyang panghuhuli.

Habang binabaybay niya pabalik sa kanilang tahanan ang maputik pang daang

naliligiran ng mga punong hinahamog, dinaanan niya ang mga noon pa

inilatag na patibong, nagbakasakaling mayroong nahuli upang madagdagan

sana ang kanyang iuuwi sa kanyang maybahay. Iyon si Mama Sita kung

bansagan sa kanilang baryo. Napakamatulungin niya sa lahat ng batang paslit

na hindi niya naman kakilala; pinatutuloy niya ang mga ito sa kanilang

mumunting kubo upang alagaan at ituring na mga parang tunay na rin nilang

mga anak. Sa katunayan, umabot na rin sa halos kinseng bata ang kanilang

naalagaan ngunit habang lumalaki ang mga ito, isa-isa na rin silang

nagsisipag-alis at hindi na muling nagpakita. Wala kasi silang naging mga

supling ni Mang Tomas; hindi nila alam kung sino sa kanila ang may

deperensya sapagkat hindi na nila pinag-aksayahan pa ng panahon ang

pagtawid sa dalawang bundok upang makapagpatingin sa doktor.

“O, Tomas, ang bilis mo ngayong nakauwi. Maupo ka muna, ipagtitimpla kita ng kape.”

“Sige, Sita, Salamat. Kanina kasing paglabas ko ay nakakita agad ako ng mahuhuli kaya

iyon na lang ang hinabol ko,” sagot ni Tomas habang hinihimas ang kanyang mga

tuhod.

“Tumatanda na talaga ako, Sita.”

“Bakit kasi hindi na lang natin dagdagan ang mga patibong diyan sa gubat? Para naman

hindi ka na masyadong nahihirapan. Sa tanda mong iyan, malamang ay marupok na

‘yang mga buto mo diyan.”

“Mas gusto ko naman iyong tumatakbo-takbo ako para hindi ako manghina, Sita,” tugon ni Tomas habang humihigop ng mainit na kape.

 “Magpapadingas na muna ako ng mga kahoy sa likod para maisalang ito’t mabalatan

na. ‘Yung isa nating suki ng mga sawsawan ay kumukuha ng marami. Dadalhin niya raw

sa siyudad.”

“Aba, magandang balita iyan, mga ilang garapon daw ba ang kanyang kukunin?”

“Kukunin niya kung gaano raw karami ang ating maibibigay sa kanya mamayang gabi.

Bukas na kasi ng madaling araw ang kanyang alis.”

“Buti naman, para hindi ka na maglako muna sa buong baryo natin. Mainit pa naman

ang panahon, mamaya atakihin ka pa sa labas,” pahaging ni Tomas habang binibitbit

ang nahuling baboy papunta sa likod na bahagi ng kanilang kubo.

Mula pa noong naging mag-asawa na sina Tomas at Sita, naging kabuhayan na nila ang

paggawa ng sawsawan gamit ang atay ng baboy. Iyon ay kanilang inilalako sa mga

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 22, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

(P) ATAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon