END

17 2 0
                                    

END

Alas tres pa lang  nang madaling araw pagtingin ko sa wall clock dito sa kuwarto namin ni Luiz. Tumingin ako sa aking tabi. Wala si Luiz bumangon ako at pinulot ang damit kong nag kalat sa sahig.

Pag labas ko ng silid ay agad kong hinanap si Luiz sa sala pero wala ito roon. Nag punta din ako sa kusina wala din kaya kumuha muna ako ng malamig na tubig sa ref. Natuyo ang lalamunan ko dahil sa nangyari kani-kanina lang.

Tinotoo kase ni Luiz ang sinabi nag
"Marathon" nga kami mag damag at paulit ulit naming tinungo ang finish line na kapwa habol ang hininga, basa ng pawis at lulong sa sarap ng pag iisa namin.

Lumabas ako at nagtungo sa swimming pool. At tama nga ang hinala ko nandoon nga si Luiz lumalangoy at tanging boxers pa din ang suot. Tumayo ako sa gilid ng pool at pinanood si Luiz na lumangoy.

Tumigil ito ng mapansing nandoon ako kaya lumapit ito sa gilid saka umahon. Tinungo nito ang mesa kung saan may nakapatong na tuwalya at isang bote ng wine, baso at may kulay pulang folder.

Binalik ko ang paningin kay Luiz na naka bathrobe na ngayon.

"Ang lamig na nga sa madaling araw nag swimming kapa. Nababaliw kaba ha? Gusto mo ang magkasakit eh" 

"Naiinitan ako eh" saka ito nag kamot ng batok. Hindi na niya ito pinansin at naupo sa gilid ng pool habang ang paa ay nakalubog sa tubig. Tumabi naman sa kanya si Luiz na may hawak na dalawang baso, inabot niya ang isa sinalinan naman iyon ni Luiz ng wine.

Habang sumisimsim ng wine ay nakatingin siya sa kalangitan kung saan ang buwan ay kitang kita ang ganda at nag sisilbing ilaw ngayong gabi. Ang mga bituin ay kumikinang din, ang sarap pag masdan ng langit at ang payapa ng paligid.

Naramdaman ko ang braso niya na pumulupot sa aking bewang habang pareho kaming nakatingin sa kalangitan.

"Napagod kaba?" Natawa ako sa naging tanong ni Luiz

"Hindi pa" sabi ko sa sarkastikong boses.

"Mabuti naman dahil may special moves pa ako mamaya eh" saka ito kumindat sa'kin ng linungin ko ito.

"Seriously? May pasok pa tayo bukas Luiz. Kailangan natin ng pahinga" ngumuso naman ang loko at sumenyas ng 'isa na lang'

Umiling naman ako bahala siya diyan.

"Close your eyes sweets," inirapan ko at hindi sinunod at gusto niya

"Ayoko nga! Ano na naman bang kalokohan ang naiisip mo ha?"

"Just close your eyes, sasabihan na lang kita pag imumulat muna" ngumiti ito ng matamis sinunod ko na lang din siya at pumikit na.

Naramdaman kong tumayo ito at umalis saka bumalik ulit.

May inilapag ito sa'king palad

"Open your eyes now sweets," pag mulat ko ng aking mata nakita kong hawak ko na ang pulang folder.

"Para saan ito?"

"Basahin mo ang nakasulat sa loob. Pag nabasa muna give me sure answer" kabado ang mukha ni Luiz tiningnan ko uli ang folder saka ito unti-unting binuksan.

Bumungad sa'kin ang mga salitang matagal ko ng inaatay. Mga salitang babago sa kung anong lebel ng relasyon namin. Mga salitang lubos alam kong habang buhay ay nasa aking memorya.

"Will you marry me?"

Nag uunahang umagos ang mga luha mula sa'king mata. Hindi iyon luha ng lumbay kundi luha ng kaligayahan.

Humarap ako kay Luiz at nakita ko siyang nakangiti habang may hawak na maliit na box. Sa loob noon ay ang isang singsing may hugis pusong diyamante sa ibabaw n'yon.

"Y-yes" nauutal na sagot ko habang patuloy paring lumuluha.

"C-can you repeat it sweets?" Nangingilid na din ang luha sa mga mata ni Luiz.

"Yes! Magpapakasal ako sa'yo Luiz"

Mabilis na isinuot sa'kin ni Luiz ang singsing na saktong-sakto sa'king daliri. I can't take off my eyes there, my heart filled with joy.

Niyakap ako ni Luiz ng mahigpit at saka tumingin sa'king mga mata.

"This is the new beginning sweets, I'll make sure to you that saying Yes to me is damn worth it until we both grow old with our future kids"

Hindi ko alam ang aking sasabihin. I'm really happy and high in love. Hinapit ko na lang ang kanyang batok at saka siya hinalikan ng buong pagmamahal sa labi.

In that kiss I let him feel how I love him and how happy am I that he choose me to be with me him. Our love goes deeper every day and we both know no one can tear us unless death.

Under the shine of the moon and the twinkle of the million stars here we our again. Screaming our love to each other just like the first night we did confess to each other.

But tonight is most precious, coz finally... Finally were now Engaged.

Nag umpisa man kami sa magulong daan papunta sa kung ano kami ngayon. Ang masasabi ko lang its all worth it. Hindi ko aakalain na ang lalaking inaayawan ko ng ilang beses. Ang lalaking desperado na mag alok ng trabaho sa'kin ang mamahalin at pipiliin ng puso ko.

THE END

AUTHORS NOTE:

So ayon! Omg! This is it pancit! Natapos na po ang story na "MS.SECRETARY" July 21,2020. Maraming salamat sa mga nagbasa at mga komento niyo na nakakapagpalundag ng aking puso sa tuwing nababasa ko. Thank you ate VANESSA ALINDAYU dahil hinayaan niya akong gamitin ang kanyang pangalan para sa istoryang ito. Sana ay nakapagbigay ako ng tuwa sa inyong lahat sa bawat chapter nito na nakakainis , nakakakilig nakakatulo ng laway 😂✌ nakasisirang bait😆😂. Sana andiyan pa din kayo para magbasa ng mga storyang gagawin ko sa hinaharap. I love you all!

I'm Ms. Snow Demetrix your Lazy writer is very thankful ang blessed to have all of you😘😘. I'm now taking my rest see on next stories! 💖

MS. SECRETARY - On going Where stories live. Discover now