Chapter: 14

27 2 0
                                    

Father's Downfall

Chapter: 14

Bigla ako nag-angat ng ulo lalu nang maramdaman ko ang kamay ni Jove, mabilis kong tiningnan siya.

"Jove." 

Napatayo din si Sam nang madinig ang pagtawag nang ama sa pangalan ng kanyang kapatid.

"Jove?" Ulit ko, unti-unting dumilat si Jove.

"Sam, tumawag ka muna nang Doktor."

"Opo dad!" At agad na lumabas si Sam ng kwarto.

"Jove, andidito ako." Pero pansin ko na tila nakadilat lang siya at walang imik tila hindi niya na ako nadidinig 

"Anak." Sakto naman na dumating na ang Doktoe na pinatawag ko kay Sam.

"Dok! Hindi siya umiimik." 

Mabilis na lumapit ito kay Jove, chineck nito ang mga mata. Pero tila hindi lamang kumukurap si Jove.

"Jove iha." 

Pero tila hindi lamang ito umiimik.

Huminga nang malalim ang doktor at humarap sa mag-ama.

"Marahil na may shock si Jove kaya ganito siya nang magkamalay."

"Shock?" Tila ulit kong tanong 

"Marahil sa mga huling eksenang nakita niya."

"Doc, pa'no babalik sa normal ang anak ko?" Nanlulumo na naman ako,nagising nga siya pero tila wala naman ang kanyang isipan sa mundong ginagalawan.

"Maaring bumalik ang sarili niya kapag naulit ang mga eksenang nangyari sa kanya."

"Anu! Ipapaulit ninyo sa anak ko, naloloko ba kayo?" Biglang taas ng boses ko.

"Daddy." Sabay hawak ni Sam sa braso nang ama na tila sinaway.

Hinawakan ko ang kamay niya, bigla na lamang uminit ang ulo ko.

"I'm sorry."

"Naiintindihan ko kayo Mr. Javier at sa mga pinagdadaanan ninyo, pero yun lamang ang makakatulong sa anak mo."

"Pag iisipan ko Doc, ayoko na dagdagan ang sakit at takot na dinanas ni Jove. Kaya kung maaari sa ibang paraan na lamang."  Sagot ko at lumapit muna kay Jove para hawakan ang kamay niya.

"Iuuwi ko na muna siya, kailangan lang namin magbakasyon." 

"Kung yan ang desisyon mo Mr. Javier, maiwan ko na muna kayo." Tumalikod na din ang Doktor at lumabas na nang kwarto.

"Daddy." Lapit ni Sam

"Sobra-sobrang pahirap ang ginawa sa inyo, hindi na ako papayag na masaktan pa muli si Jove at maging ikaw. " lumingon ako kay Sam

"Alam ko na magiging bulag ang batas, matataas na tao kalaban natin. Pero hindi bulag ang diyos dahil sa ang nakasaksi ng lahat."

"Dad" yumakap na si Sam sa ama, alam niyang hindi ito titigil hangga't hindi nakakamit ang hustisya.

"Hindi na ako papayag na may mapahamak pa sa inyo, nangako na ako sa mommy mo. Maniningil naman ako ngayon." 

Humigpit ang yakap ni Sam sa ama, hindi niya alam kung may balak ito pero natatakot siya na baka pati ang Daddy niya ay mapahamak.

~

"Grabe galimg talaga ni Ely mag paawa effect!" Natatawang wika ni Aim at uminom ng beer.

"Kaya nga mayayari ako kay Erpat, mabuti na lang to the rescue si Judge." Sabat naman ni Peter.

"Atlis malaya na tayo ulit!" Segunda naman ni Archie at lumingon kay Ely.

"Anung balak mo?" 

"Pinagbabakasyon nila ako sa state, kailangan ko muna maglaylo" iniikot niya ang laman ng alak sa kanyang baso.

"Nasaan nga pala si Rain?" Bigla niyang tanong

"Naku, baka andun sa kanyang Mama. " agad na sagot ni Aim

Tumango lang si Ely, tanging si Rain lang naman ang hindi nakikisali sa kanila. Barkada nga nila ito pero ni minsan hindi ito tumikim sa mga biktima nila.

"Bantayan ninyo si Rain, baka mag-traidor sa atin yun"

"Grabe ka Ely, ang tagal na natin kasama si Rain!" Tugon ni Archie.

"Kahit na, basta bantayan niyo siya." Sagot niya at ininom na ang alak na nasa baso.

~

"Sam?" 

"Tita Che." 

Agad naman na yumakap si Cherry sa pamangkin, wala kasi siya nang mangyarinang insidente kaya ganuon na lamang ang gulat niya nang mabalitaan ang nangyari sa pamilya Javier at kay Mika.

"I'm sorry, hindi agad ako nakauwi." Bulong niya na umiiyak.

"Tita, parang di ako makapaniwala na wala na si Mommy." 

Kumalas si Che at tiningnan ang mukha niya.

"Be brave iha, i'm sure na lagi kayong binabantayan nang mommy mo." 

"Alam ko po, sigurado ako na kahit nasaan siya kaligtasan pa din namin ang iniisip niya." Sagot niya at muling naiyak sabay yakap muli sa kanyang tita.

Napapikit na lamang si Che, mamimiss niya ang kanyang pinsan dahil ito lamang ang ka-close niya. Isa pa mabait sadya si Mika kaya wala siyang masabi dito.


#AuthorCombsmania

Father's Downfall (COMPLETED STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon