Experiencing Heaven..

11.8K 102 12
                                    

WARNING: SPG. NOT FOR YOUNG READERS.

THIS IS ONLY A ONESHOT. HOPE YOU LIKE IT!

-Simula-

"Ano ba Ren! Ang tagal mo naman! Hinihintay na tayo nila Jasper roon!" Sigaw ni Janilla habang kumakatok sa pinto ng kuwarto ko. Papunta kasi kami ngayon sa Bar ng kaibigan namin para i-celebrate dahil sa wakas ay matatali na siya sa Girlfriend niya na si Bella na dating kaklase namin ni Janilla noong highschool. oh diba, parang reunion lang ang peg.

"Saglit lang naman Jal! patapos na!" Sigaw ko pabalik. Inilagay ko na ang final touch ko. Ang lipstick. Pagkatapos kong ilagay ay tinitigan ko ang mukha ko sa salamin at nagpa-cute. Swak ang ginugol kong oras para magpaganda!

Kinuha ko ang purse ko at binuksan ang pinto kung saan bumungad saakin ang mukha ni Jal na lukot. Pheew! Ang pangit ng lola niyo! Haha

"Oh Jal! Ayos mukha." Sabi ko at tumawa.

"Punyeta ka. Pa-VIP ka masiyado. Pinaghintay mo pa ako! Gaga ka talaga." Sabi niya. kitang kita ko kung gaano siya kainis. Tumawa lang ako ng pang-asar. Wala kasing pasensya itong si Jal. Masiyadong mainipin.

"Punyeta ka din. Sino ba nagsabe sayo na hintayin mo ako? Sabi na kita-kita nalang sa Bar eh!" Sabi ko sakaniya. Napatahimik nalang siya. Tamo. Naisip niya siguro na tama ako.

"Tara na nga!" Sabi ko at naunang maglakad. Sumunod naman siya. Pumasok na siya sa Shotgun seat at ako naman sa Driver's Seat.

"Ay alam ko nah. Gusto mo lang makatipid sa gas nooooh?" Sabi ko sakaniya at tumawa. Bukod na sa mainipin, kuripot pa! Ewan ko nga ba't naging bestfriend ko 'to. Sobrang laking deperensiya namin. Siya nga bad Influence sakin eh! Haha.

"Tss. Manahimik ka nga diyan. Mag-Drive ka nalang!" Sabi niya at sinandal niya ang ulo niya sa bintana ng kotse. Napangisi nalang ako at nag-drive.

Pagdating namin sa bar ay maririnig mo na ang lakas ng tugtog na nanggagaling sa loob. Pumasok na kami ng walang ano-ano. Kilala kaya kami rito. Pagpasok ko palang ay maaamoy mo na ang usok ng sigarilyo, amoy alak. Inilibot ko ang paningin ko at nakita ang masasayang mga taong sumasayaw at gumigiling ayon sa beat ng kanta.

"Aish! Get a room!" Narining kong sabi ni Jal at hinanap ko kung sino ang sinasabihan niya. At nakita ko na, halos mahubaran na ang babae!

"Hayaan mo na iyang mga iyan!" At hinila ko si Jal at hinanap ang puwesto nila Jasper.

"Ren! We're here!" Narinig kong sigaw sa likod ko. Lumingon ako at nakita ko sina Jasper at Bella at ibang mga kaibigan namin. Agad kaming pumunta ni Jal sa puwesto nila at nakipagbeso.

"Whooo! Tangna mo Jas! Ikakasal ka na talagaaa!" Sigaw ni Seth at nakipag-apir rito. Tumawa lang kami at nagsimulang uminom.

Makalipas ang ilang oras ay nakaramdam na ako ng pagkahilo. Mababa ang tolerance ko sa alcohol. Nakita ko si Jasper at Bella na naghahalikan sa gilid. Napailing nalang ako at itinuloy ko ang pag-inom.

"Rhhhhheeen! Tara shayaw tahyooo!" Sabi saakin ni Jal at hinila ako sa dancefloor. Nagsimula na ako sumayaw. Upbeat ang tugtog kaya sobrang nakakaganang sumayaw. Gumiling ako ng bonggang bongga at i-feel ang gabing ito. Hinanap ko si Jal at nakita kong nakikigiling kay Seth.

Napahinto ako sa pagsayaw ng mapalitan ang tugtog. It's a sensual music at dahil wala akong magawa ay gumiling nalang ako. Nagulat ako ng may humapit sa bewang ko. Hinayaan ko lang iyon at gumiling. A sexy one. I'm a good dancer at inaamin ko iyon. Hindi ko makita ang mukha ng kasayaw kong lalaki dahil madilim at dim light lang ang ambiance sa dance floor. Ginanahan akong sumayaw lalo ng maamoy ko ang pabango ng kasayaw ko. A very manly scent. Tila nawala ang pagkalasing ko sa pabango na mayroon siya. Panaka-naka niya hinahapit ang bewang ko at idinidikit sakaniya. Naramdaman kong hinahaplos niya ang balikat ko pababa sa may puwetan ko. Naramdaman ko ngang pinisil niya eh. Napangiti ako at inangkla ko ang mga braso ko sa leeg niya at gumiling. Sabay ang paggalaw ng katawan namin. Mas lalo kong idinikit ang katawan ko sa kaniya at swuabeng gumiling. I can feel He's hard there.

Experiencing HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon