Sa Isang Kondisyon

242 10 16
                                    

Author's Note:

Ang storyang ito ay dedicated kay unknownxxuser. Eto ang story mong matagal mo ng nirerequest sa akin! XD HAHAHAHAHA! Sorry kung ngayon ko lang napost. :D Thank you for waiting. :)

~~~

Feel free to vote, and comment po para mas lalo kong ma improve ang pagsusulat ko. :) HAHAHAHAHA! :) 

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Sa Isang Kondisyon
By BinibiningMiaka

TUTOK na tutok ang atensyon ko sa pagtingin ng mga pictures ng mga inaasam-asam kong maging asawa sa future. Grabe! Kinikilig talaga ako kay Sehun! MY GAD! Juice colored naman. Ang cute-cute ng rainbow colored hair niya! Ang cute ng style and also his eyes. Hindi na talaga ako magsasawang titigan ang mga mukha nito! Grabe. Ang gwapo! Napakababy face pa o at ang puti pa! Gad. I kennot.

Humagikhik ako sa kaechosang pinaggagawa ko. Hilig ko talagang pagmasdan ang mga mukha ng mga pinapangarap kong maging asawa. Bukod kay Sehun, may Chanyeol, D.O., Jimin, Suga, Jungkook pa ako. I really like them. Kapag hahalungkatin mo ang laman ng cell phone ko, puro mga pictures ng mga dream husbands ko at siyempre mga selfie ko rin ang laman nito. I have pictures of them na nakatopless, nakapormado, nakaportrait, landscape, at kung ano-ano pa na nakakalaglag-panga. Sa playlist ko naman, puro mga kanta lang nila. I always sing their songs kahit na hindi ko maintindihan ang mga lyrics. Gora pa rin ako!

Biglang napabaling ang atensyon ko sa babaeng humahagikhik sa’king tabi na halatang kilig na kilig sa kung ano man ang sinasabi sa kanya ni Marvin. May binubulong si Marvin kay Lisa at masyadong nakahilig si Lisa na para bang ang kanyang pinapakinggan ay interesante. Nakapulupot pa ang isang braso si Marvin habang ngiting-ngiti itong nakatingin sa kanyang binubulungan. Eto na naman ang dalawa, nag-uumpisa na naman!

                                                                                                                                                                                                                                  

“Ano bang feeling kapag hinalikan ka ng isang tao?” malamyang sinara ni Lia ang kanyang makapal na libro sa mesa at saka nagpangalumbaba, sa kanya naman tumama ang mga mata ko. Nagbabasa rin ito at ‘yon nga lang, kanina ko pa naririnig ang mahihinang boses nilang dalawa ni Jonel. Napataas ang isang kilay ko sa kanyang tanong. Talaga lang ha? Pati ba ganung bagay ay itinatanong pa? Wala na bang iba bukod diyan?

“Gusto mo i-try natin?” Ngumisi ng nakakaloko si Jonel kay Lia. Ayan na naman ang mapaglarong ngiti ng mokong! Napangiwi ako sa isinagot niya habang namumula na ang pisngi at namumungay na rin ang mata ni Lia. Ginagamitan lang ni Jonel si Lia ng charm! Tsss.

Padabog akong tumayo at naagaw ko ang atensyon ng apat na naglalandian. Lagi na lang ganito ang scenario! Feeling nila, sila lang ang mga na andito?! Mga wala na silang paki alam sa kanilang paligid kapag nagsama-sama na sila. Napapadalas na ‘to. Hindi na ‘to tama! Napalakas ang pagdabog ko dahilan para mapatalon sa gulat si Lia. Maglalapit na sana ang mukha nila ni Jonel.

“Ugh! What the hell Andrea?!” singhal ni Jonel. Iritadong ekspresyon ang ipinakita niya sa akin dahil sa pagsira ko sa moment nilang dalawa ng Lia niya. Nagsalubong ang kanyang kilay sa inasal ko. Aba! May pa English-english pa siyang nalalaman? Hindi naman bagay!

“Panira ka naman o! Kahit kailan talaga, epal ka. Can’t you see, I’m almost there!” Ngumuso siya kay Lia at nagbalik ulit ng tingin sa akin. “You fre—“

The Love ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon