Father's Downfall
Chapter: 17
"Look!"
Tiningnan ni Azeneth ng folder na binigay sa kanya ni Paul, binuklat niya yun at may bagong kaso na ulit ang Gang nang Lunatic.
Napasandal siya at buntong-hininga.
"Parang nagphinga din sila, halos one year mula nang huling kaso ay sa pamilya Javier."
Napatango lang si Azeneth, halos one year na nga ang nakalipas. Natalo din ang kaso nila dahil hindi pinanigan ang mga ebidensya pati ang pag-testigo nang dalawang bata. Dinala din sa state si Ely nang mga magulang para iiwas sa gulo, sila Sam at Jove naman ay nagpa-Therapy dahil sa phobia na dinanas. Pero wala na din siyang naging balita lalu kay PJ.
"Hoy?"
Napalingon siya kay Paul at tumaas ang kilay
"Bakit?"
"Anu ba iniisip mo ha?" Tanong ni Paul.
"Wala, bumalik ka na nga sa trabaho mo." Sagot nito.
Hindi na umimik si Paul at iniwanan na si Azeneth.
Napailing na lamang si Azeneth at pinagmasdan ang litrato nang bagong biktima.
~
"Laman na naman tayo ng mga news!" Sigaw ni Aim at ngingiti- ngiti na lumapit kay Archie
"Sikat na naman ang Gang natin!"
"Binyag talaga natin ito, one year death anniversary ng asawa ni PJ." Sabay tawa din ni Archie
"Anu sa tingin mo Ely?" Tanong naman ni Peter at lumingon.
Ngumiti lang siya, kakauwi lang niya galing amerika, at sinakto talaga niya na umuwi sa ika-isang taon nang pagkamatay ng asawa ni PJ.
Humahanap lang siya ng tyempo kung pa'no makikita muli si Sam.
"Hinay-hinay lang tayo, para hindi masyadong halata."
"Grabe ang tagal ko nagtiis ah, ang tagal bago ulit nakapatay." Muling tawa ni Aim.
"Excited ka talaga lagi mokong!" Sabat ni Peter.
"Bakit hindi ka ba na-tigang?" Banat ni Aim
"Tama na, isa lang dapat ninyong asikasuhin." Sabay lingon sa mga kasama.
"Dapat na natin hanapin si Sam, hindi ako papayag na hindi siya mapunta sa'kin"
"Go!!! Pero,bigla na din kasi sila naglaho. Saan kayo tayo magsisimula?" Si Aim ang unang nagtanong.
"Mag search na lang tayo, kilalang tao naman sila." Sabat ni Archie.
"Oo nga, mag search na lang." Si Peter.
"Si Rain nga pala?" Tanong ni Ely.
"Hayss, matagal nang hindi active si Rain. Pero don't worry bantay sarado naman siya." Sabat ni Aim.
Tumango lang si Ely at ngumiti.
~
"Daddy!" Sigaw ni Jove habang tumatakbo palapit sa ama.
Ngumiti ako at tila medyo nawala ang pagod. Pansin ko na may dala-dala siyang papel.
"Daddy look drawing ko! Happy Father's day po!" Bati niya
Ngumiti ako at binuhat siya,
"Salamat baby, ang sweet naman patingin nga ako." At agad na tiningnan ang drawing niya na tila family picture.
"Ikaw, si Mommy si ate at ako."
"Ung bilog ba na nasa ulo ni Mommy mo means na angel siya?"
"Yes po daddy!"
Hinalikan ko siya sa noo. At muling binaba,
"Thank you baby, napakaganda."
"Daddy, breakfast na!" Sigaw naman si Sam.
"Sige susunod na ako!" Sagot ko
"Punta ka na kay Ate okay."
"Opo daddy!" At mabilis na tumakbo ito sa ate niya.
"One year ago na, isang taon na hindi na ako umalis sa piling nang dalawa kong anak. " bulong ko na pinagmamasdan sila habang palayo.
Naging tahimik ang buhay namin dito sa Rancho ni Papa, ako muna nagpatakbo dito. Lagi din ako gumagawa nang mga mabibigat na gawain kaya mas lumaki yata ang katawan ko. Medyo nagka-balbas din ako dahil nga yun sa hindi naman ako masyado naglalabas.
"Sir, eto po diyaryo."
"Salamat Linda." Kinuba ko yun, naging libangan ko na magbasa nang mga balita.
At isa sa pumukaw nang aking paningin ang babaeng nakahadusay sa larawan.
"New victim from Lunatic Gang." Basa ko, mukhang sinadya nila ito dahil ngayon ang ika-isang taon na namatay si Mika.
Tila nabuhay muli ang galit sa dibdib ko ng mga oras na yun, para bumabalik tanaw lahat ang mga naganap noong isang taon.
~
"Daddy, bakit gising ka pa?" Tanong ni Sam at lumapit pansin niyang umiinom ito.
"Dad, may problema po ba?"
Umiling lamang ako, magaling na sila at ayoko silang bigyan nang bagong iisipin. Mas gusto ko sarilihin ang nabasa ko, lalu at buo na ang loob ko.
"Dad."
Lumingong ako kay Sam at ngumiti
"Balak ko sana dumalaw kay Mommy mo."
"Miss na miss ko na din siya Dad."
"I know, pero gusto ko na dito lang kayo dahil delikado."
"Kelan ka aalis?"
"Mamayang madaling araw. Come here."
Mas lumapit naman si Sam at naupo sa tabi nang ama,
"Makinig ka Sam, habang wala ako yung mga tinuro sayo ha?"
"Opo Daddy, i will."
Niyakap ko siya , hindi ko na sinabi ang balak ko. Basta buo na talaga ang desisyon ko ngayon.
~
Masarap ang tulog ni Jove nang puntahan ko sa kwarto, ready na ako sa pag alis papuntang Maynila.
Naupo ako sa gilid ng kama at nilabas ang kwintas na dapat ibibigay ko kay Mika noon.
"Jove, mahal na mahal kita bunso. Mahal na mahal ko kayo nang ate mo." Bulong ko at isinuot ang kwintas dito nang dahan-dahan.
"Bagay na bagay sayo, kamukhang-kamukha mo si Mommy mo. Kasi Sam kamukha ko daw. " bulong konat ngumiti sabay halik sa noo niya.
"Promise magdadala ako ng cake pag uwi ko." Tumayo na ako at humakbang palabas ng kwarto.
Tumungo naman ako sa kwarto ni Sam, nakita kong tulog na siya lumapit ako at inayos ang kumot . Masaya na ako na medyo nakabangon na ang anak ko, pansin ko ang gitara na regalo ko sa kanya noon na nasa tabi niya.
"Mag iingat ka palagi, be brave always my Little Princess." Bulong ko at hinalikan ang noo niya.
Tuluyan na ako tumindig at humakbang palabas nang kwarto.
Ngayon haharapin ko na ang dapat kong harapin.
#AuthorCombsmania
BINABASA MO ANG
Father's Downfall (COMPLETED STORY)
Aktuelle LiteraturFather' s Downfall Prologue: Naging masaya at makulay ang buhay ni Pj lalu nang makasal at magka anak muli sila ni Mika. Ang kumpleto at masayang pamilya ay biglang mapapalitan na lungkot at sakit sa puso at damdamin niya. Paano nga ba niya malalag...