Kahit hindi na kami masyadong nagkakasundo ni Cristof ay pinagbutihan ko pa rin ang aking pag-aaral. Pinakita ko sa kaniya na kaya kong makakuha ng matataas na marka kahit minsan lang.
Nasa bahay ako ngayon at sinisimulan nang mag-aral para sa midterm exam namin para sa susunod na linggo. Muli kong inaral ang lahat sa Law, simula sa Article 1156 na pinakaunang article na diniscuss namin noong unang araw ng klase hanggang sa Article 1304.
Paulit-ulit kong inaral at binasa ang mga iyon. Pilit na iniintindi ang bawat salitang nandoon. Nang matapos ko ng basahin iyon ng dalawang beses ay nagpahinga muna akong saglit. Binuksan ang facebook app at nagscroll doon.
Ang daming nagviviral na kung ano-ano, hindi mo na malaman kung kailan ba tatahimik ang mga tao. Lahat ay may opinyon, may kanya-kanyang saloobin. Ang iba naman ay puro panghuhusga ang ginagawa.
Isang beses ko na rin tinigilan ang pagfafacebook noon dahil sa tingin ko ay nagiging toxic ang paggamit nito para sa akin. At totoong gumaan ang pakiramdam ko nang may ilang buwan na akong hindi nagfafacebook ay mas kalmado ang buong sistema ko.
Matapos akong magpahinga ay bumalik ako sa pag-aaral. Sa tingin ko ay mas maaalala ko pa at mas maiintidihan ko ang mga dapat maalala kung isusulat ko ito. Kaya naman kumuha ako ng yellow pad paper at ng ballpen at sinimulang isulat isa-isa ang mga Article at ang mahahalagang bagay na nakapaloob doon.
Nang matapos akong makapagsulat sa dalawang yellow paper ay sumakit ng husto ang aking mga kamay. Tumigil muna ako doon at lumabas ng kwarto para kumuha ng pagkain at ng tubig. Ginutom ako ng pagsusulat ko na iyon.
Nakarating ako sa kusina at pinapaikot ang mga kamay kong nangalay kakasulat. Kumuha ako ng tinapay at pinalamanan iyon ng nutella at peanut butter. Matapos noon ay pumunta ako kung nasaan ang mga fruits namin saka kumuha ng banana doon. Hiniwa-hiwa ko iyon saka nilagay sa tinapay ko.
Pero hindi ako doon natapos dahil pumunta ako sa panini maker namin saka sinalang ang tinapay doon. Kakaiba ang lasa kapag nagtoast ka talaga ng tinapay, lalo itong sumasarap. Habang hinihintay na matapos matoast ang tinapay ay kumuha na ako ng baso at saka nilagyan iyon ng malamig na malamig na tubig.
Gusto ko sanang magjuice noong una pero parang hindi naman ata bagay doon sa nutella-peanut butter-banana bread ko kaya naman napagdesisyunan kong magtubig na lang. Nang tumunog na ang panini maker namin na naghuhudyat na tapos na ang tinotoast ko ay kinuha ko na iyon at bumalik na sa kwarto.
Kinain ko ang bread habang nagsusulat. Hindi naging madali iyon pero ayos na rin dahil nakakakain ako. Sampung yellow paper, back-to-back, ang nagamit ko nang matapos kong isulat ang mga articles. Hindi ko na maramdaman ang kamay ko pero ayos lang dahil totoong mas maintindihan ko ang bawat article na iyon.
Nagkakausap din naman kami ni Cristof kahit sa text o chat man lang pero iba na talaga ang pakikitungo niya. May nag-iba, hindi ko lang alam kung ako ba iyon o siya. Dahil sabado naman ngayon ay pinahinga ko muna ang isip ko sa kakaaral.
Kinabukasan, linggo, ay inaral ko naman ang para sa Accounting subject ko. Gano'n ulit ang ginawa ko, binasa ko ng dalawang beses ang mga kailangan aralin at saka isinulat sa yellow paper ang mga kailangan maintindihan.
Katulad rin kahapon ay sumakit ang aking mga kamay kakasulat kaya naman nakahanap ako ng panahon para makapagpahinga.
Mabilis na natapos ang sumunod na linggo. Nakakatuwang isipin na sobrang sigurado ako sa mga sagot ko dahil sa pag-aaral na ginawa ko noon weekend.
Nang sumunod na linggo ay binalik na rin agad sa amin ang mga exam namin. Wala naman akong problema sa ibang subject dahil kayang-kaya ko ang mga iyon. Tanging 'yung ObliCon lang talaga at Accounting subject ako sumasablay. Kaya naman iyon ang pinakainaabangan ko na maibalik. Kinakabahan ako.
BINABASA MO ANG
Ang Simula ng Kwento Nating Dalawa
Novela JuvenilKailan ba kita unang nakita? Kailan ba kita unang nakilala? Kailan ba kita unang nakausap? Saan nga ba tayo nagsimula? Ah! Naalala ko na. Sa dulo. Sa dulo tayo nagsimula. "I cried almost every night after the day you broke up with me and tonight...