Father's Downfall
Chapter: 19
"Grabe yung sinapit nung barkada ni Ely noh? Nangingilabot pa din si Paul.
"May pagka brutal nga, akalain mo na tinanggal niya pa ang ari nito." Naiiling si Azeneth nasa morgue sila at iniimbestigahan ang pagkamatay nito.
"Balita ko inatake ang ina ni Peter. Syempre ikaw pa naman ang ina na makita mo ang anak mong ganyan."
"Inspector!"
Lumingon si Azeneth
"May nakuha po kaming tape at recorder."
Tumango lang si Azeneth at lumapit na dito, agad naman na binigay sa kanya ang tape pati recorder.
Nilagay niya yun at pinindot ang play.
"Trip lang namin, lalu kapag naka droga."
"Ilan kayo?" Tanong ko muli.
"Lima kami, pero halos apat lang kami na gumagawa. Si Rain hindi kasali, kasi lagi lang siya nasa labas. Halos hindi ko na siya nakikita."
Pero dun na lang nag play ang record, nagkatinginan tuloy sila ni Paul.
~
"Welcome back iho!" Bati ni Conrad kay PJ.
"Hindi mo ba kasama ang mga apo ko?"
"Hindi Papa, gusto ko muna sila mag-stay doon. Pansamantala lang naman ako dito." Sagot ko at ngumiti.
"Para may kakaiba yang ngiti mo iho ah?"
"Ngumiti lang ako." Sagot ko.
"Mr. Javier?"
Napalingon ako at agad na nakilala ang tumawag, si Inpector Azeneth. Hindi ko akalain na lagi pa din siya pumapasyal sa opisina.
"Long time no see, inspector." Sagot ko.
~
"Ang laki nang pinagbago mo, i mean medyo malaki katawan mo ngayon."
Bigla ako natawa sa sinabi ni Azeneth,
"Sa dami nang mapapansin mo katawan ko talaga napili mo."
Napailing ito.
"Payat ka kasi noon dahil sa problema, mukhang baging shave ka din."
"Oo, naging balbas sarado na yata ako sa loob nang isang taon." Sagot ko at uminom nang kape at muling tumingin sa kanya.
"Maiba tayo." Sabay lapag ko nang tasa.
"Bakit ka nagpunta sa opisina?"
"Madalas ko talaga pasyalan ang Papa mo, then nataon lang siguro na naririto ka na."
"What a coinsidence."sagot ko
"Pero, nabalitaan mo na ba ang nangyari kay Peter?" Seryoso niyang tanong
"Sino yun?" Kunwa'y maang ko na tanong.
"Kinalimutan mo na talaga ang mga nangyari last year."
Ngumiti ako nang mapait at sumandal.
"Sino makakalimot sa kahayupan na ginawa nila sa pamilya ko, sa mga anak ko at asawa ko."
"PJ."
"Anu inspector? May nagawa ba ang bata? Wala, mas pinanigan nila ang mga yun kesa sa mga anak ko. Dahil anu? Dahil walang ebidensya? Dahil mas matataas sila?"
"Alam ko ang hinanakit mo sa batas."
"Kung alam mo ang hinanakit ko, pwes hindi lang siguro ako ang naging biktima. May ibang tao na gustong maghigante at nilalagay na ang batas sa kanilang kamay para lamang makuha ang hustisya."
Hindi nakaimik si Azeneth.
"Ngayon umiiyak din sila pagkamatay ng anak nila, pero ung biniktima ng mga anak nila. Ang mga magulang nun, ang mga taong nasaktan, naiisip ba nila? Hindi inspector, dahil sila ang mas makapangyarihan, na kahit batas natatakpan." Hindi ko na inubos ang kape ko, naglabas na ako nang pera at nilapag sa lamesa
"It's nice meeting you again. Dadalawin ko pa ang puntod ng asawa ko." Sagot ko at tumayo na.
"PJ!" Tawag niya.
Bahagya lamang akong lumingon.
"Kung kailangan mo pa din ng tulong andidito lang ako."
Ngumiti lang ako.
"Kaya ko na sarili ko inspector, kaya ko na ipagtanggol ang mga anak ko." Sagot ko at tuluyan nang humakbang palabas nang coffee shop.
Naiwan naman si Azeneth at tila wala din masagot sa mga sinabi sa kanya ni PJ.
~
"Talaga daddy?" Masayang sagot ni Sam, magka video call sila nang kanilang daddy.
"Daddy! Miss ka na namin!" Sabat naman ni Jove
"Miss ko na din kayo, kaso may inaasikaso pa si Daddy." Sagot ko sa kanila.
"Tingnan mo ang aliwalas na nang face mo dad!" Segunda ni Sam.
"Thank you, kumakain ba kayo nang maayos diyan?"
"Yes po!" Sabay na sagot nang dalawa.
"Mabuti naman."
"Ikaw lang po ba mag isa dad?"
"Oo, dito ako sa bahay natin. Ayoko naman kela Lolo mo."
"Daddy, uwi ka na dito o kaya uwi na kami diyan." Si Jove.
"Soon baby, balang araw makakabalik din kayo dito sa ngayon ako muna. After lang matapos ko ang mga inaasikaso ko babalik ako agad diyan."
"Dumalaw ka na ba kay mommy, daddy?"
"Hindi pa mga anak, siguro bukas." Nagsinungaling lang ako kanina kay Azeneth para lang makaiwas sa usapan kanina.
"Ahh sige daddy, i love you po!" Sagot ni Sam sabay flying kiss, kinuha ko yun binulsa.
"Ako din daddy i love you po!" Sabay flying kiss din ni Jove.
Muli kong kinuha yun at binulsa.
"Ako naman." Nag flying kiss ako gamit ang dalawang kamay para tig isa sila.
"Sige na pahinga na kayo, i love you girls goodnigth."
"Okay daddy ingat ka diyan." Paalam ni Sam at pinatay na ang video call.
Itinabi ko na ang loptop, tumayo na ako at sumilip sa bintana.
May nakita akong lalaking nakatayo doon, marahil napansin ako dahil kumaway siya.
~
Nagbaka-sakali lamang si Rain na mapansin siya ni PJ at hindi nga siya nabigo, hannggang sa magbukas ito ng gate.
"Mr. JAVIER!"
"Do i know you?" Tanong ko.
"Barkada ako nila Ely i'm Rain, pero bago kayo magalit kailangan muna natin mag usap."
Napatitig ako sa kanya, nasabi na sakin ni Peter ang tungkol dito, nakikita ko naman sa mga mata niya ang sincerity kaya pinapasok ko na siya sa bahay.
#AuthorCombsmania

BINABASA MO ANG
Father's Downfall (COMPLETED STORY)
Fiction généraleFather' s Downfall Prologue: Naging masaya at makulay ang buhay ni Pj lalu nang makasal at magka anak muli sila ni Mika. Ang kumpleto at masayang pamilya ay biglang mapapalitan na lungkot at sakit sa puso at damdamin niya. Paano nga ba niya malalag...