Paglabas ko ng kotse nadama ko na agad ang init na galing sa sikat ng araw. Napabusangot nalang ako.
Dali dali kong binuksan ang kotse ko at kukunin sana ang payong ko, kaso sa kasamaang palad Hindi ko makita bwisit !!!
'Ang gandang bungad para sa unang pasukan ng klase. badtrip'
Nilock ko nalang ang kotse ko at nagsimulang maglakad. Wala pa masyadong tao dahil maaga pa nga, karamihan sa mga studyante ay nakatingin sa'kin at parang tinatandaan ang bawat ditalye ng mukha ko, at nagbubulungan pa tss. Yung iba naman busy kakalibot ng pasilyo ng skwelahang ito. Nilibot ko nalang ang paningin ko rin at medyo namangha sa disenyo ng school na'to.
'Mmm.. pang mayaman talaga tss'
'Sana ay pang-mayaman rin ang ugali ng mga studyante dito at hindi pang squatter'
Transferee ako dito, at ito ang unang beses na maka-punta ako, dahil si Klyvel ang nag-enroll sa'kin dito at hindi ko alam yon.
'Tss'
'Sana yung pinili niya ay hindi ganito kalaki nakakaligaw dito eh'
Magtatanong nalang ako sa mga studyante dito para malaman kung saan yung A-1.
Saktong may makakasalubong ako, babae siya at medyo may pagka nerd pero maganda siya.
"Miss excuse me, San ho ba ang A-1?"
"Ha?"
Medyo nagulat pa siya at bahagyang tinuro ang sarili para makasiguro na siya nga ang kinakausap ko
'Jusko lutang.'
"Ah eh.. San ho ba ang room ng A-1?" Pilit na ngiting sabi ko sakanya.
"Hehe ang ganda niyo po"
'Wtf?!'
'Ang lalayo ng mga sagutan niya!'
"Miss tinatanong ko ho kung saan ang room ng A-1" inis na sagot ko.
Medyo napahiya pa siya at nagsorry, at tinuro kung saan ang tinatanong ko.
"Wirdo" bulong ko.
Pagkapasok ko ng room ay iilan palang ang nandoon na bahagya pang napatingin sa'kin at yung iba ay walang pakielam.
Dumiretso ako sa Pinaka dulo malapit sa bintana at nilapag ang bag ko, at binaling ang atensyon sa mga naghuhuning ibon. Siguro maya-maya ay nandito na ang leturer.
"Teh diba transferee ka?"
Gulat ko siyang nilingon at tumango.
"Ang ganda at ang puti mo hehe,anong sabon mo?"
Napatunganga ako sa tanong niya.
Lumapit siya saken at binitbit ang bag niya sa katabing upuan ko na bakante.'Jusko tangina feeling close!'
Pero mukha naman siyang mabait, pwede ko rin naman siyang maging kaibigan.
"Ah.. eh.. normal lang na sabon."Naiilang na sagot ko.
"Matunog na agad ang pangalan mo dito, di na ako magtataka ang ganda mo sobra hehe"
"Ahh.."nahihiya ko talagang sagot!