Chapter 41: Invitation

0 0 0
                                    

Ilang araw na kaming busy ni Cath sa pag prepare ng debut ko. Pagkatapos kasi sa klase ay deretcho uwi kami agad. Kung hindi naman ay inaayos namin ang mga kakaylanganin ko para sa preparations.

Napabuntong hininga nalang ako dahil sa pagod at puyat. Medyo kulang ako sa tulog dahil inasikaso ko yung mga invitations. Mamaya siguro ay makukuha ko na iyon para maibigay ko narin sa mga kakilala ko.

"Ayos ka lang? Sorry pala kung hindi ako nakasama sa inyo ni cath noong sabado. Busy eh." Nakangising turan na Aj na ikinairap ko nalang. Natawa naman ito sa inasta ko. Itinuon ko nalang ulit ang atensyon ko sa harap dahil nasa loob pa kami nang klase.

"Hoy! Nasabi pala sa akin ni cath na ako daw ang last dance mo. Totoo ba?" Pangungulit pa nito at kinakalabit ako sa braso.

"Pwede ba naiirita ako sayo. Mamaya na tayo mag-usap." Madiin kong bulong dito at palipat lipat ang tingin sa kanya at sa harap. Baka kasi mahuli kami lalo na si Poncio pa ang prof namin. Ayoko nang madala ulit sa office at maglinis ng buong week. Natahamik naman ito sa tabi ko at nagsulat nalang sa notebook.

Hinila agad ako ni Aj nang matapos ang klase habang si cath ay iiling iling lang sa gilid namin. Nagpatianod nalang ako dahil wala talaga akong gana ngayon.

"Nakapag decide ka na ba tungkol sa sinabi ko?" Tanong ni Cath nang makaupo kami sa damuhan sa dating tambayan namin sa field.

"Hindi pa eh. Saka alam nyo namang iniiwasan ko yung tao tapos sya ang gagawin kong last dance. Hindi naman ako martyr at tanga para lapitan ko pa sya." Pahayag ko na ikinakunot ng noo ni aj.

"Ha? Akala ko ba ako ang last dance mo steph? Tss kayo ah may hindi nanaman kayo sinasabi sa akin." Pagmamaktol nito sa tabi ko. Binatukan ko ito kaya napa simangot ito.

"Pwede ba aj hindi mo talaga maiintindihan dahil lagi ka namang wala." Hindi ko alam kung maiirita ba ako sa kanilang dalawa dahil sa harap ko sila nagbabangayan o matatawa ako dahil ang cute nila tignan.

"Kahit na wala ako dapat nagsasabi kayo. Saka bakit ba ang init nang ulo mo kapag nawawala ako? Tapatin mo nga ako cath. May gusto ko ba sa akin?" Nagsalubong ang dalawang kilay ni Aj habang titig na titig sa mga mata ni cath.

Nagpipigil naman ako ng ngiti at tawa sa itsura nila. Habang si cath ay tameme at hindi mahanap kung ano ang sasabihin. Napansin kong namumula na ito at hindi ko alam kung napapansin narin ba iyon ni aj. Tumikhim ako at nagkunwareng naiinis dahil alam kong wala nang maisasagot si cath. Tsk! Ayan kasi hindi pa umamin hahahaha.

"Pwede ba debut ko ang pinag-uusapan dito kaya mamaya na yang feelings nyo. 'Di pa kasi kayo umamin sa isa't isa kaysa nagkakaganyan kayo." Kunwareng naiirita kong saad sa kanila na ikinabaling nang paningin nilang dalawa sa akin. Ang hirap palang magpigil ng tawa lalo na kung dalawa silang hindi mapakale at namumula.

Teka! Si Aj namumula? Wierd! Tss anyway, hanggang ngayon hindi ko alam kung sino ang last dance ko. May point naman si cath na chance ko na 'to para makausap at magkaayos kami ni marcus. Pero hindi ko alam kung paano ko sya kakausapin dahil nauunahan ako nang hiya, takot at galit.

"Makukuha ko na pala yung invitation mamaya. Samahan nyo ako bukas na ibigay lahat iyon para mapabilis." Pag iiba ko nang usapan na ikina tango nilang dalawa.

"Buti nalang friday ang debut mo walang pasok kinabukasan. Hindi tayo mahihirapan na gumising ng maaga." Nagkikislapan ang mata ni aj na akala mong hindi na makapag hintay.

"Oo nga. Lalo na't may after party pa magpupuyat talaga tayong lahat doon. Napaalam mo na ba kila tito 'yong after party? Doon sa pool sa roof top ng hotel?" Singit naman ni cath dito.

Tumango ako dito na ikinatuwa nila. Sinabi ko kasi sa kanila na after nang debut ko ay may isa pang party na gaganapin sa taas lang ng hotel na pag gaganapan lang din ng debut ko. Dahil nasa legal age narin ako ay pinayagan ako nila dad lalo na puro hard drinks ang i-seserve doon. Pwede rin mag swimming dahil may malaking pool doon. Sobra na akong excited sa mangyayare pero problema ko parin talaga iyong last dance ko. Iyon nalang kasi ang hindi ko pa napag iisipan. Kompleto na nga lahat eh magmula sa gown, function hall, eighteen gifts, blue bills at iba pa.

'Kausapin ko nalang kaya sila dad na sila ang magsabi kay marcus na sya ang last dance ko? Kaso naalala ko na hindi nga pala sila magka ayos. Pero hindi naman sila magkaaway eh kaya bakit ba ako nagkakaganito?' Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil maski ang utak ko ay nagtatalo na. Nababaliw na yata ako dahil kinakausap ko na ang sarili ko.

***

Kinabukasan ay nakuha ko nga ang mga invitations. Una kong binigyan sila Aj at Cath sunod ang mga kaklase ko at ang adviser namin na si ma'am Nikki. Mga lunch break namin binigay sa mga close namin sa kabilang section yung mga natirang invitations. Hindi na ako nag abala na bigyan si Marcus dahil ang sabi ni mom ay magkikita sila ni tita Tanya mamaya kaya sya nalang ang mag aabot dito.

Kahapon palang ay nakapag decide na ako na mamayang gabi ay pupunta ako sa bahay nila marcus para kausapin sya at tanungin kung papayag sya na sya ang magiging last dance ko. If ever na hindi sya pumayag ay si Aj ang sasabihan ko. Wala namang mawawala kung i try ko na kausapin sya. Well, last chance narin naman ito para makapag-usap kami dahil after siguro nito ay maraming lwedeng mangyare. Pwedeng magkabati kami or worst...hindi na talaga namin maayos ang lahat.

****

Short update lang dahil walang pumapasok sa utak ko ngayon. Anyway, sana magustuhan nyo parin.

Lovelots!
💕
IILCF

Chazyly_C

I'm In Love with my Childhood FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon