Sa isang kalye ay makikita ang isang babae na nakasuot ng dilaw na bestida. Puno ng lumot ang mga paa, may putik rin ang buhok niya. Halos hindi na rin makita ang balat niya na puno ng grasa. Tila isa itong baliw na kumakanta sa gitna ng kalsada. Ang mga bata naman ay pinalilibutan siya na animo'y isang artista. Ang mga matatanda naman ay tinataboy ang babae tuwing lalapit sa kanila. Ang kaninang seryosong mukha ng babae ay napaltan ng kakaibang ngisi. Mabilis itong lumapit sa babae na nakapayong."Ate kilala mo ba si Brandon" nababaliw na saad ng babae.
"Naku baliw ata to" tila naabalidbaran ang babae na pilit lumalayo sa marungis na babae.
"Ano ate kilala mo ba si Brandon, yung dati kong boyfriend na Brenda na ngayon,yung pango, maliit tsaka maitim hahahahaha ang sama ng ugali noon may utang pa sa akin ano nga ate kilala mo" ani ng babaeng baliw at patuloy na kinakausap ang babaeng nakapayong. Ng may nakitang lalaki na nakapayong rin, ay yun naman ang sinundan ng babaeng wala sa katinuan.
"Kuya kilala mo ba si Mirasol?" ani ng babae.
"Hindi, Miss tumabi ka na diyan" ani ng lalaki at pilit umiiwas sa maruming babae.
"Hindi mo kilala si Mirasol, yung babae na dating GRO sa may amin,naging kabit pa nga yun ni Mang Fidel na trysikel driver Hahahaha akala nga namin jackpot na siya kay Mang Fidel pero sa huli pinagpalit rin siya sa kapwa GRO" iiling iling namang umalis ang lalaking nakapayong. Patuloy na naglalakad ang babaeng nakabestida. Sa ikalawang kanto naman ay agad rin niyang kinausap ang babae na may hawak na payong.
"Manang kilala niyo ba si Linda" natatawang saad ng baliw na babae. Pero tila nagbingibingihan ang babaeng nakapayong.
"Si Linda yung may utang sa akin na labandera dati sa Mansyon ng Estrella yung payat na babae na mataba na ngayon, pano ba naman kasi nakapangasawa ng foreigner aba maputi na ang gaga, ang ganda na rin niya ngayon" tatawang saad ng baliw na babae.
Paulit ulit na ginawa ng baliw na babae ang pagtatanong sa mga taong nakapayong. Minsan ay hinahabol pa nga niya ang mga tao na hindi siya pinapansin. Hanggang sa makita niya rin ang isang pulubi na kapwa rin baliw.
"Huy babae kilala mo ba si Sonya " ani ng baliw na babae.
"Hindi eh" sabi naman ng isang pulubi.
"Si Aling Sonya yung may ari ng Sari sari store na hindi nagpapautang yung matabang babae na kulot ang buhok hahahahaaha" ani ng baliw na babae.
" Kilala ko na hahahaha" tatawang saad naman ng baliw ring babae. Nagusap ang dalawa na tila matagal na silang magkaibigan. Umupo ang babae na baliw sa karton na nilatag sa kalsada ng Plaza. Ang kanina namang masayang kwentuhan ng dalawa ay napaltan ng kalungkutan ng magsimulang magkwento ang baliw na babae.
"Buti ka pa kilala mo ang sinasabi ko, samantalang ang mga kapatid ko inabanduna nila ako,pinabayaang mamatay, MGA GANID SILA, NINAKAW NILA ANG DAPAT SA AKIN" ang kaninang malungkot ay napaltan ng nagwawalang anyo ng babaeng nakabestida. Tumayo ito at pumunta sa gitna ng Plaza, walang pakialam sa mga taong nakatingin sa kanya at nagsisigaw ito.
"MGA GANID SILA, MASAMA SILA, PINAPATAY NILA ANG ANAK KO, MGA MASAMA KAYO, HARAPIN NIYO AKO MAGPAKITA KAYO NGAYON MGA MAGNANAKAW" pagsisigaw ng babaeng nakebestida.Hinagis pa nito ang kaninang dala dalang sako na puno ng mga maruming bagay gaya ng kalakal at maruruming damit. Dahil sa ginawang eksena ng babaeng baliw ay agad na lumapit ang gwardiya na bantay sa Plaza.
Mula sa malayo naman ay unti unting lumapit ang isang babae na nakapula upang makita ang babae na pilit hinuhuli ng security guard ng Plaza.
"Manong wag niyo na po siyang hulihin kakilala ko po siya" ani ng isang babae na nakapula.
"Ma'am sigurado po ba kayo na kakilala niyo siya mukhang baliw na ang babaeng to" ani ng gwardiya.
"Hindi manong ako ng bahala sa kanya kaibigan ko siya" sabi naman ng babaeng nakapula. Kumalma naman ang babaeng baliw na nakabestida. Tila naluluhang tiningnan ng babaeng nakapula ang babaeng nakabestida.
"Rica, anong nangyari sayo? Nakikilala mo ba ako" pero tila walang narinig ang babae at ginalaw galaw lang ang braso.
"Rica ako to yung bestfriend mo si Esperanza, Rica anong nangyari sayo?" at doon bumuhos ang luha na pilit pinipigil ng babaeng nakapula.
"Rica antagal mong nawala hinahanap ka na sa inyo"
Tumingin naman ang babaeng baliw sa babaeng nakapula at nagbigay ng nakakatakot na ngisi.
BINABASA MO ANG
Ricalinda
Mystery / ThrillerQuezon Series 5 : Santa Isabel "Masiyahin" ang perpektong deskripsyon ng pagkatao ni Ricalinda Aleje pero nagbago ang lahat ng iyon sa isang trahedya. Tuluyan siyang nawala sa katinuan, naging palaboy, at tuluyan rin nawala ang kanyang memorya. Hang...